KWENTO NG CHRISTMAS PARTY KO

189 1 0
                                    

eto ang kwento ng Christmas Party ko.
2015
Oo, Ngayon Lang.
Masaya naman nung umaga. Sobra pa nga eh. Pero siguro ganun talaga diba? Lahat ng Saya may kapalit na Sobrang Lungkot.
Uwian na, Pupunta nang MOA ang buong Service namin.
Hanggang sa Andami nang nakisabay. Sinama ng iba ko pang mga ka-Service at ayun ako.
Asa isang Tabi nagiisa hindi alam kung kanino sasama.
Gusto ko sanang Sumama sayo. Kaso lang alam kong kasama mo ang Bestfriend ko.
Masakit alam ko pero kailangan kong tanggapin kasi eto na talaga to.
Habang Naandar ang Service naiiyak na ko.
Hindi ko alam kung saan pupunta. Kung saan ako makakapunta.
O kung hanggang saan nalang ako.
Minemessage ko yung BABES kaso walang sagot.
Hanggang sa Makapunta na kami sa Sea side ng MOA.
Magisa ko.
Tinawagan ko na yung mga BABES.
Papunta na ko sakanila kasi Ikaw papunta narin dun eh.
Habang naglalakad ako nararamdaman ko nang Maluluha ako.
Tumakbo na nga ko papunta sakanila eh.
Sumigaw ako. Isang Beses. Pangalawa. Hindi ako naririnig patuloy ako sa pagsigaw, at Patuloy rin sila sa paglalakad.
Pangatlong Sigaw. Sa wakas narinig rin ako.
Napatakbo na ko sa BABES at ayun nga tama nga ako. Tumulo na ang mga luha ko.
Sa Pagyakap pa nila sakin mas lalo akong naiyak.
Bigla kang dumating at nakita ka nila. Hinila na nila ko papalayo sainyo. Umiiyak ako nun.
Hindi ko alam kung nakita mo ko o ano.
Pero ang Alam ko Wala na tapos na.
Tigil na.
Ayoko na sana ng Gulo.
Pero wala eh. Nasaktan ako.
Syempre yung BABES tinulungan ako.
At ayun pa nga Nagkasagutan pa sila.
Hindi ko na alam ang susunod na pangyayare. basta ang alam ko Umalis kami ng MOA para Magpahangin ng Onti.
Pagkadaan naman ng Ilang Oras bumalik kami.
Napagkasunduan na MagViking's sa Likod ng MOA.
Syempre Um-OO ako.
Pagsakay sa Vikings Maya-maya pa at nagsimula na.
Napasigaw ako.
Hanggang sa bumibilis na yung takbo ng Vikings.
Mapapasigaw ka. Ako nga Napasigaw eh.
Sinisigaw ko pa nga yung Pangalan mo.
Yung Katagang Mahal Ko. At ikaw yun.
Sinisigaw ko na Ayoko na.
Na Ayoko nang Masaktan pa.
Pabilis ng Pabilis yung Vikings.
Sigaw rin naman ako ng Sigaw.
Mapapamura ka pa nga eh. at ako syempre Napamura nadin.
'TANGINA AYOKO NA. SAWANG-SAWA NA KO. AYOKO NANG MASAKTAN. TANGINA MO. AYOKO NANG MAHALIN KA PA. PAGOD NA PAGOD NA KO'
At ayun bigla nalang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa gustong gustong ilabas.
Pinunasan ko ito agad. Syempre ayokong may makakita na naiyak ako.
Sumamay lang ako sa Vikings tapos umiiyak na ko.
Kaya nga Ayoko na. Itigil na. Tama na. Hindi na.

Mga Tula tungkol sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon