Napanaginipan nanaman kita,
At ang unang tanong na pumasok sa isip ko ay bakit?
Bakit nga ba napanaginipan nanaman kita?
Ni hindi na nga kita iniisp o kaya nama'y nakikita.
Alam kong hindi na nga dapat pa.
Ngunit bakit pa ba?
Pinipilit kong huwag nang alalahanin
ngunit lagi paring nasagi sa isip
bakit ba?
bakit pa?
bakit?
itigil mo na.
Ititigil ko na.
ayoko na.
Paggising ko kanina nung napanaginipan kita,
umiiyak ako.
o diba?
antanga-tanga ko nanaman.
bakit pa nga ba kita napanaginipan?
ni ayaw ko na ngang makita ang mukha mo.
ni Makita manlang ang anino mo.
pero bakit ba ganto?
inis na inis nanaman ako sa sarili ko kasi nga napanaginipan kita.
kasalanan ko pa nga ba pati iyon?
o alaala na lamang tong sumasagi sa isip.
Bakit?
BINABASA MO ANG
Mga Tula tungkol sa'yo
PoetryEto Ang Mga Tula na Naisulat ko tungkol sa'yo Sana Mabasa mo Mahal ko. Sana Maging Okay na nga pala tayo :) Mahal Parin kita.