KAMAY

467 1 0
                                    


Kanina nagkadikit ang ating mga kamay.
Sa Pagayon nga naman saakin ng panahon
ngayon pa talagang mga araw na gusto kitang hagkan.
Oo, Namimiss kita at ayoko man.
Pero Totoo.
Kamay.
Dati Rati Magkahawak pa ang mga kamay natin.
Ngunit ngayo'y ni hindi manlang magkasama mandin.
Hinahanap-hanap ko ang mga kamay mong kay lambot.
Mga kamay mong ayaw bumitaw sa aking mga kamay na kahit may ambon.
ambon na hanggang sa naging ulan at nagkakulog.
alam mong takot ako sa kulog.
kaya't hindi mo talaga bibitawan ang aking mga kamay na ngayo'y nakakulong.
nakakulong na sa mga rehas na hindi ka manlang kayang abutin.
na hindi manlang mahawakan ang mga kamay
mo na kinuha para sakin ang mga bituin.
Hanggang sa pagkakadikit na nga lang ba tayo ng mga kamay?
o baka naman sa hindi na paghawak ng iyong mga kamay?

Mga Tula tungkol sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon