Noong Kuhaan ng Card, hineram ko yung Yearbook ng kaklase ko
at dali-daling Hinanap ko ang pagmumukha mo.
Nakita ko nga agad yung mukha mong dati lang ay saakin pa lagi nakatitig
yung mata mong kay sarap pagmasdan
katulad na lamang ng buwan.
Hindi ko akalaing sa isang iglap lamang ay sa iba na nakasulyap.
na sa tuwing nakikita ka'y iba na ang iyong kaharap.
Naitanong ko nga sa sarili ko kung bakit ikaw ang hinahanap ko
ngayong wala ka na naman sa buhay ko
baka naman pala'y nandito ka parin sa puso ko
pero bakit nga ba hangang ngayon ay nandito ka parin nakatira sa puso ko
Sabi ko ay hindi na kita kailanman iisipin
hindi na mulingbabanggitin ang ngalan mo na sa aki'y nananambitin
Pero siguro ganun talaga
may mga taong nagging parte na ng buhay mo na kahit kailanma'y hindi mabubura sa puso't isipan mo.
BINABASA MO ANG
Mga Tula tungkol sa'yo
PuisiEto Ang Mga Tula na Naisulat ko tungkol sa'yo Sana Mabasa mo Mahal ko. Sana Maging Okay na nga pala tayo :) Mahal Parin kita.