Kanina Hinawakan mo ang mga Kamay ko.
Nagulat ako.
Akala ko kung ano.
Paghawak mo sa kamay ko maya-maya sabi mo itayo kita.
Pero yung Hawak mo sa kamay ko.
Alam kong may kasamang kasiguraduhan na ganun yung mga hawak mo saakin nuon.
nuong mga panahon na tayo pang dalawa ang magkasama.
Magkatabi sa sasakyan at magkahawak ng kamay.
Namiss ko lang siguro ang hawak mo, kung kaya't kung ano-ano na ang sinasabi ko dito.
Pero sinasabi ko sayo.
Ganung-ganun yung hawak mo.
Kahit sa onting oras lamang.
Muli kong nahawakan ang mga kamay mo.
Mga kamay mong alam kong hahawan ang mga kamay ko ng mahigpit.
mga kamay na saktong sakto rin sa kamay ko.
mga kamay na kinalaunan binitawan ako.
BINABASA MO ANG
Mga Tula tungkol sa'yo
PoetryEto Ang Mga Tula na Naisulat ko tungkol sa'yo Sana Mabasa mo Mahal ko. Sana Maging Okay na nga pala tayo :) Mahal Parin kita.