NECKTIE

59 1 0
                                    

Sabi mo kanina,
Nabasa mo sa Libro na kapag binigyan ng isang babae ang lalake ng neck tie kahit hindi sila parang magiging sakanya na yung lalake.
Napaisip ako.
Bigyan kaya kita non?
Hindi ko alam kung tama ba na bigyan kita.
Kasi parang wala lang din namang mangyayare.
sabi mo pa nga sa anak-anakan mo,
sabihin sa nililigawan mo na bigyan ka nun.
edi hindi na yun bigay.
parang Utos na yun.
Pero sino nga naman ba ako para manghusga sa mga sinasabi ninyo.
oo sige nagseselos ako.
Pero ano naman bang karapatan ko?
Meron ba?
Wala naman diba.
Kaya minabuti ko nalang na tumahimik.
itikom ang bibig at walang kang maririnig na kahit anong pantig.
iniisip ko kung bibigyan kita pero hindi ako magpapakilala.
Ilalagay ko sa bag mo.
nang sa gayon hindi mo malaman kung sinong nagbigay nito.
pwede noh?
pero.
Pag binigyan ba kita ng necktie magiging akin ka ulit?

Mga Tula tungkol sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon