"Nand'yan ka na naman
Tinutukso-tukso ang aking puso
Ilang ulit na bang
Iniiwasan ka di na natuto
Sulyap ng 'yong mata
Laging nadarama kahit malayo, ooh
Nahihirapan na
Lalapit-lapit pa di na natuto
Isang ngiti mo lang
At ako'y napapaamo
Yakapin mong minsan
Ay muling magbabalik sa'yo
Na walang kalaban-laban
Ang puso ko'y tanging iyo lamang
Ooh..."
*vibrate*
CHAPTER 1.
Haaaay umaga na pala. Di ko man lang namalayan. Late nako sa 1st class ko! Wala pa rin talagang silbi ang alam clock sa tulad kong masiba sa pagtulog. Ako pa lang si Jamaine Hanna Darasin. Isang 3rd year college. NBSB. Napaka-conservative ko no?
Jan: "Jam pwede dalian mo malalate na tayo!"
Si Jan nga pala. May kakambal ako. Bale kaming dalawa lang ang anak ni Mommy at Daddy. Mas nauna siya ng 4 na minuto sakin kaya parang ate ko na rin siya. Masasabi kong sa lahat ng bagay mas angat si Jan pero di naman kami nagaaway.
"Jan late na talaga ko, kaya saglit lang!"
Jan: "Jam ano ba first class mo? Accounting pa kasi first class ko ng 8:30 pakidalian naman?"
"Eto na, eto na, may cr naman sa baba bakit mas gusto mong dito pa kasi?"
Jan: "Andito kasi lahat ng kelangan ko!"
Natapos na din akong maligo. Diretso bihis at alis. Hindi ko na maantay si Jan. Late na late nako sa 1st class kong filipino. Balita ko yung terror na prof ang hahandle samin! Bahala na. Sumakay ako jeep. Wala nanaman sina mommy nagbakasyon nanaman sa Hongkong kaya kami nanaman ni Jan ang naiwan kasama mga bodyguard at yaya. Ayokong nagpapahatid sa driver, di gaya ni Jan.
"Manong bayad ho, isang estudyante, NCBA lang ho!"
Grabe si manong, 8 pesos lang pamasahe pero hindi na binalik yung sukli ko!
"Manong, yung sukli po nung 10!"
Parang wala siyang narinig. Malas!
Nang biglang may lalaking nagsalita "Manong sukli daw po nung cute na babae dito, NCBA LANG HO SIYA MANONG ESTUDYANTE HO!"
Wow, savior? Binalik din ni Manong yung dos. Kahit dos lang yun mahalaga yun nuh!
Napaisip ako sa lalaking katapat ko sa jeep. Cute siya. Saan kaya siya bababa? Gusto ko magpasalamat kaso nagssoundtrip siya. Mukhang half Filipino, half Japanese. Payat. At mukhang may-kaya rin gaya namin.
"Para ho sa tabi!!" sabi nung lalaki.
Sa kakaisip ko at kakatitig ko sa kanya pumara na siya. Syet! NCBA na pala!! At naalala ko nanamang 30 minutes na akong late sa klase ko!! Nagmadali akong bumaba at kumaripas ng takbo. Pagdating ko sa room 304, peste walang prof! Pero nakita ko yung lalaki kanina. Ay taga NCBA pala siya at kaklase ko siya? Isang transferee. Nakasoundtrip pa rin siya. Nasa sulok siya tahimik.