Uwian na din.
Bwisit na buwis buhay talaga pag Accounting ang course sa shunga na gaya ko. Naalala ko, di pa pala ko tapos sa Accounting 10 ko. Habang ipinapasok ko ang libro ko at notebook sa bag nagsalita na lang ako magisa, "Hoy suplado, kailan mo balak kunin tong solutions mo?"
Walang imik ung nasa likod ko.
1 minute
2 minutes.
..
Nganga, wala na pala ung kausap ko. Eh asan na yun??
Para naman akong nakadrugs nagsasalita magisa. Loko loko.
You're stuck on me
and my laughing eyes
I can't pretend though
I try to hide, I like you
I like you.
I think I felt my heart skip a beat
I'm standing here and I can hardly breathe, you got me, yeah
You got me.
Ayan kumakanta nanaman ang Sony Ericson Experia ko. Kelangan talaga ipangalandakan ung tatak? Kay Jan nga Iphone 4s. Arte kasi. Games lang naman habol ko dito eh. Ganda nito, promise, kung adik ka sa mga PSP games gaya ko dapat ganito cp mo. Endorsement?XD
"Baby, Im on the parking lot with your twin."
Mommy ko.
Wala nakong panahan hanapin ung Supladong un. Baka ngcr? Nangmanyak? Haha. Joke..
Dali dali akong bumaba ng hagdan.
Silip onti kung may kakilala sa parking lot. Ayun, tyempo wala.
"Goodafternoon mam."
Pinagbuksan ako ni Manong driver.
Eto ung kotse na binili ni Mommy, last year? One of the most expensive car in the world. Taraaaaay!
"Mommy, I missed you, hindi mo kasama si Dad?"
Ang ganda ganda ng mommy ko. 18 pa lang kasi siya nung naging magasawa na sila ni Dad. Kaya nga batang bata pa siya tingnan and hindi nasstress sa buhay. Kuko lang ata niya ko sa paa.
"Baby, busy ang daddy mo for some business meeting abroad. And besides, its for your own benefit din naman."
Ang korny talaga pag tinatawag niya kong baby.
Hello, turning 18 nako sa darating na month.
Ung kambal ko fascinated sa pasalubong ng mommy ko.
Ang dami nga.
May make up kits. Wow. Thank you, hindi ko mga trip yan.
Diretso bahay na kami. Medyo matraffic nga lang. Feeling ko pinagtitinginan ung kotse naman. Di kaya kami makidnap neto? Ang bata ko pa para mamatay, magdedebut pa ako.
30 mins.
40 mins.
Salamat traffic, pampatagal ka ng buhay promise!!
Naalala ko, ung solutions pala ni Suplado nasa akin. Pano siya? Wala siyang assignment? Di bale iba naman ang klase namin pag TTH, ibabalik ko na lang bukas.
Kaso, baka feeling niya pinaginteresan ko to. Di niya alam sa kanya ako may INTEREST. LOL.
Kinuha ko phone ko at tinext siya.
+63927*******: Hoy kumag, nasa akin pa rin ung solutions mo, ano balak mo dito? :D Thanks!
5mins.
6mins.
Ay grabe, kanina siya na nga ung nawala, tas ang bagal niya pa magreply. Pagong lang te?
Asan un? Check ko nga sa puso ko? Haha. LOL.
AJ's POV
Broom broom.
Hindi po motor, may kotse po ako.
Dahil wala akong magawa sinundan ko ang kotse ni Taray. Gusto ko malaman kung saan siya nakatira. Oh kung sino sumundo sa kanya. La lang. She looks really simple eh. Di ko maimagine na mayaman. Ano kaya model ng cp nun? 3310? LOL.
Matraffic.
Badtrip.
Di ko pa naman kabisado to.
Pumasok sila sa subdivision. Teka muna. Pangmayaman talaga to.
Hala, si Taray, may sugar daddy siguro?
Mayaman ba talaga siya. Hindi ko maconvince sarili ko.
Magkatabi lang pala kami ng subdivision. Kung taga rito lang talaga siya.
Ayun, tumigil.
Ngayon ko lang napansin, may convoy pala sila. Di halata kasi hindi madikit sa kotse nila. Armado.
Oh my, si Taray kinidnap?
Shunga ko, pinakidnap niya sarili nya?
DARASIN RESIDENCE.
Ayun, bahay nga nila. Bumaba ako. Konting silip sa loob. May pool, may dogs, may cat, may guard. CONFIRMED. Mayaman. Pero, bat ganun. Bat nagjejeep pa siya? Ang init init kaya sa jeep? Heller. Ng na park na nila sa loob ung kotse, bumaba siya, kasama kambal niya, at may maganda, mommy niya? Ang ganda ha? Chicks. Hahaha! Hindi ako manyak, nakakaapreciate lang talaga ko ng kagandahan!
Biglang lumingon si Jam, shit nabigla ako kaya napaluhod ako sa damuhan sa labas nila, medyo basa pa at kakadilig lang ata. Wow, hapon magdilig? Tamad hardinero nyo???
Nakita kaya ako?
Hmm. Makaalis na nga.
Ang laki ng bahay. Sa lahat pala ng bagay lamang siya sakin. Bat ganun? Nililihim niya? Eh ako rin naman nililihim ko ung about sa family ko.
Nagpalamig muna ko sa kotse. Init sa labas. Sarap sana kumatok sa kanila. Joke. Magdoor bell pala.
Kaso ano kaya gagawin ni Taray? Sapakin siguro ko, supladahan, o kaya magugulat siya sabay himatayin? Hahaha. Kanina nga lang gusto na niya ko ipagkasya sa bintana.
Hinawakan ko Iphone ko, ay may text siya.
Ung solutions ko raw.
Hehe. Hindi ko naman na kukunin un sus kay dali ng problems na yun!
+63917*******: It's your's, I can do it on my own. :) Matanong ko lang, taga saan ka pala?
Nagtanong pa ako eh noh, hello andito ko sa tapat ng bahay mo. Kwarto mo ba ung may ilaw. Hahaha!
Nagreply.
+63927*******: Taga kingdom far far away ako! Bakit, ikaw taga san? Pluto o Mars?
Haha! Oo, taga kingdom nga ikaw. Palasyo bahay mo. Paampon nga, parang masaya sa inyo, di gaya sa bahay na ako lang nakatira. :(
+630917*******: Palasyo siguro bahay mo. :)
+63927*******: Mahirap lang kami. Hehe. :D
Bakit kaya? Hiyang hiya naman ako sa kahirapan niya.
Nagdrive na ako at umuwi. Hello, sa kabilang subdivision lang naman ako. May shortcut pa.
Nakakapagod na araw.
Yaman niya.
Bakit kaya nililihim niya?