Chapter 4: How's classes?

100 2 1
                                    

"Jam, jam, gising na adik, malapit na klase natin!!"

Parang may engkantong nagsasalita sa tenga ko. Kakambal ko pala yun.

Bagong araw na naman na binuhay ako ng Panginoon. Ang saya noh? :D Inayos ko ang kama habang naliligo ang kambal ko. Kinuha ko ang cellphone ko. Parang gusto ko i-text ung suplado. Kaso, pangit pag babae gagawa ng first move diba?

Pagisipan ko muna kung itetext ko siya...

2 minuto ang nakalipas..

3..

4..

10..

15..

Peste, ang tagal ng kakambal ko. Ginawang palaruan ang CR?!

"You're stuck on me

and my laughing eyes

I can't pretend though

I try to hide, I like you

I like you."

"Uy, may nagtext, sino kaya to baka siya?"

Ganda ng ngiti ko.

Pagbukas ko.

Si mommy.

"Jam, I'll be coming home today. Please tell manang to fix my room, And Hija, I'll fetch you after class."

NICE.

Ayoko talaga ng hinahatid o sinusundo ako ng kotse. Seryoso. Gusto ko talaga ng simpleng buhay.

3rd year na kami ni Jan, pero walang kahit sinong nakaalam na isang makapangyarihan at mayaman na angkan ng mga Darasin. My father's business is compose of creating and selling guns. Ang mom ko naman is busy travelling around the world. Ewan ko ba bat shunga ko eh matalino naman ang papa ko.

Ang alam ng tao, may-kaya kami.

Si Jan lang naman ang pasosyal eh. Ako nagjejeep. Pero pag andito ang parents namin no choice ako kundi sumunod sa kanila. Ayaw nila ng nagcocommute ako.

Natapos din si Jan. Diretso ligo ako sabay bihis. Kumain na din kami ng agahan. At sinabi ko na kay manang yung pinapasabi ni Mommy. Sumakay na ng kotse si Jan, at ako, eto jeep ang trip sa buhay.

MAUSOK.

MAINIT.

TANG...bat ba ang init sa Pinas. Hello June na.

Habang traffic, iniisip ko pa lang na malalate na ako sa tax nasisira na araw ko.

Pano pag wala na akong maupuan?

Di na uso gentle-dogs ngayon.

Bwisit.

Bwisit.

10mins

12 mins

.... Nakakainis.

Makapaglakad na nga.

"Para po!"

Kaya pala traffic, ginagawa ung tulay malapit sa school.

Itsura ko naman! Dugyot.

After ilang minutes ng pag-aalay lakad, nakarating din ng school. LATE.

Hinahanp ko kung san may upuan pa.

Ng may sumigaw: "Hoy taray dito ka! Upuan ba? Inangkin ko na ung upuan dito!"

TARAY MEETS SUPLADO.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon