Chapter 2: Grab me.

121 2 1
                                    

Nakakainis kung bakit hindi kami magkaklase sa subject tuwing TTH.

Baliw lang teh? Pangalawang araw ganito na agad? Napakamisteryoso niya talaga. It makes me feel more curious about how his life is. Naalala ko, nagkacrush ako dati sa isang HRM. Kaso, sa huli, babaero pa lang, mukhang mabait lang ang loko.

Ganda ko eh, kaya ayan NBSB. Saklap.

Natapos ang Comp System. Type dito, type dun. Debit CASH, Credit ACCOUNTS RECIEVABLE. Hay naku, hirap maging accountancy. 3rd year nako. Next year graduating na. Di ko pa rin kabisado mga dapat i-credit o i-debit. Tapos, terror pa ang prof. Shunga pa ako. Wala na talaga?

Nakita ko si AJ, naka-ipod. *KILIG EH?*

Ang landi ko? Hahaha! Wag, dapat, mahinhin pa rin ang peg.

Lumapit ako sa kanya. "HI" lang ang lumabas sa bibig ko.

"Uy taray! Just finished your class? How's it going naman?"

English spokening mammal ang dating, bagay na bagay sa kanya. Ang ganda pa ng ngiti nya.

EHHHHHHHH. *Kilig sabay sa loob ng mukha ang blush*

"Ah, pa-english english ka pa eh hello nasa Pinas ka! Tumigil ka nga, di bagay sayo." Opo, napakadefensive ko. Hiyang hiya naman ako sa nagbblush kong mukha.

"Alam mo, ang cute mo pag nagtataray ka, although dapat hindi lahat ng girls mataray, it looks great on you."

WOW, compliment ba ni suplado yun? *AKO NA KINIKILIG*

Nakakahiya, nagdadaanan mga kaklase ko, mga tsismoso at tsismosa. Ngayon lang ata sila nakakita ng ganito ka-gwapong mammal sa mundo.

Biglang nagsalita nanaman siya. "Diba may klase ka na? Accounting 8 db? Likewise, ako naman Comp System."

Sa sobrang mangha ko sa kanya kakaenglish nya, nwala sa isip kong may klase na pala ko. Heller, parang mas masarap matuto ng english kesa pumasok eh. *SIGH!*

"Ah, oo. Bat pala Accountancy kinuha mong course?" Sarap sabihin na, hello dapat PHARMA na lang kinuha mo, PHAR-MA sigurong akin ka. LOL.

"I love analyzing things, sabi nila mahirap to pero actually it's not."

Hahaha. Gusto ko siya ilaglag sa hagdan sabay padaanan ng floor wax sa mukha. Hindi raw mahirap. Sakto mainit ngayon, kelangan natin ng MAHAHANGIN NA TAO.

"KFINEWHATEVER, alis nako. Mamaya na lang."

"Sure, I'll text you Ganda!"

Eh? Parang tumaas naman confidence level ko sa sinabi niya. Ganda ko eh? Nawala sa isip ko ung paghahangin niya. Pero, mukha naman kasi talaga siyang matalino, magkaalalaman na sa Departmental exams, baka mapahiya siya *EVIL LAUGH* >:D

---

Yes naman, uwian na. Asan ung kambal ko? Andyan lang un sa sulok sulok, nakikipagtsismisan. Eh ako san ang punta?XD HINDI KO ALAM. Hahaha.

Pag lingon ko sa canteen, nakita ko ung suplado, umiinom.

Maniwala ka man o hindi, ang hot ng dating. (umiinom pa lang yan, wala pang exposure ng flesh. LOL, babaeng manyak? Uso?XD)

Natulala na lang ako. Hanggang sa nabangga nako ng isang lalaki, wala tulala pa rin. Nakadrugs lang te?

I never felt this kind of thing to anyone. *NOSEBLEED, nakakahawa pala pagiging english spokening niya*

TARAY MEETS SUPLADO.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon