Ang hirap.
Sobrang hirap.
Sabog na utak ko sa araw na to.
Isa po akong Accountancy sa isang prestigious na University. Hindi ko talaga alam kung paano ako pumapasa at kumukota. 2.25 kasi ang kota ng university na to.
(KOTA: Kelangan lahat ng subjects mo, lalo na ang Accounting subjects mo ay not lower than 2.25.)
Siguro malakas lang ako kay Bro kaya eto, di pa rin ako napapatalsik sa paaralan na to.
Pag hindi ka kasi kumota.....BUH-BYE!
Nakakainis din kasi ang mga minors na major major ang dating!!
1 WEEK AGO may nakilala akong isang suplado. Akala ko shunga rin na gaya ko, pero time to time narealize kong henyo pala ang loko.
Halimaw sa Accounting subject ang unggoy.
Isang linggo pa lang siya sa amin, sigurado akong kilala na at pinaguusapan na siya sa Accounting department. He got the looks. The brain. And my heart. LOL.
June pa lang naman.
Pero, kabado na ako for the exams.
Palagi akong ganito.
Hindi ko talaga ma-gets. :(
Siguro, bawi lang talaga ko sa grades ko sa Class Standing kasi never pa ako pumasa sa exam. Meron sana sa law, 74. :( Isa na lang eh!!!!!
Oh well.
Maganda naman ako.
Hahaha! JOKE.
Sabado pala ngayon.
Walang pasok.
Kinuha ko ang mga libro ko at sinimulan ko magsulat. Joke. Sympre magbasa.
Debit blah blah
Credit blah blah
The cost of goods for the year end is blah blah.
Maniwala ka, pag ung example sa libro, kay dali maintindhan. Pag problems na sa book di ko alam kung saang planeta na napulot. (-___-)
Minsan, naisip ko bat mas matalino kambal ko sakin.
Mas marami siguro siyang nutrients na nakuha kesa sakin nung nasa sinapupunan pa kami ni Mommy.
Makalipas ang 2 oras, napagod na rin ako magbasa.
Wala naman akong maintindhan. Wala ring silbi. Sus.
Gusto ko na lang kumain sa labas. Magpalamig sa mall.
Bumaba ako ng hagdan nang...
..
..
..
.
.
....nadulas ako.
Potek. Pati ba naman sa pagbaba ng hagdan shunga ako?
"MAM! MAM!"
Sobrang namutla ung tagalinis namin.
Ang sakit sa balakang ha!
Tumayo na lang ako at hindi nagsalita. Feeling ko talaga this is not my lucky day.
Napasigaw ako, "asan si Manong driver! Gusto ko mag-trinoma! Dali! At sa susunod. Wag ka masyadong masipag! Mamamatay ako sa ginagawa mo! Buti wala si Mommy dito! Kundi wala ka na ring trabaho!"