Quatro

6.8K 134 10
                                    

It's saturday. Plano na namin nung tuesday palang na pupunta kami sa kanila. Sinabihan ko na si Dad tungkol dito and he allowed me to come. I also asked Caleb ganun din siya may pupuntahang birthday. Sinabihan ko lang na wag iinom.

Sinundo ako ni Bonita dahil may dala siyang driver. Nagdala ako ng cake, birthday pala ng mommy ni Kelly at iniimbita kami. Nauna pang dumating sa amin sina Gio at Ceddy. Lumapit si Gio sa akin at tinulungan akong buhatin ang cake kahit kaya ko naman.

Kain dito kain doon ang nangyari sa amin. Nagkaraoke pa kami. Hindi ako makaligo dahil dinatnan ako kaninang umaga. Kahit selos na selos na akong nagtatampisaw sila sa tubig wala akong magawa. Kinukuhanan ko nalang sila ng litrato. Nilabas ko ang phone ko naka silent pa naman yun.

Caleb:

What are you doing?

Napangiti ako.

Me:

Watching them swimming. :(

Caleb:

Let's just text so you'll not get bored.

Naghanap ako ng mauupuan at nagtetext text na nga kami ni Caleb. Halos kulang nalang itulak ko at baliktarin ang upuan ko. Ang sweet kasi niya. Binasa ko ulit ang huling message niya.

Caleb:

Can't wait to go home and see you!

Halos mapunit na ang ngiti sa labi ko. "Ano yan?" umupo ako ng tuwid at tinignan si Gio. Tinago ko ang phone ko. "Wala. Natuwa lang ako sa text ni Dad" sabi ko at kumuha ng hotdog sa gilid ko. Umupo siya sa tabi ko kahit basang basa pa siya.

Lumapit na rin ang ibang kaibigan namin at nagform kami ng circle. Nagsimula na naman sila sa Truth or Dare. Kahit ilang beses na naming nilalaro ito hindi parin sila nagsasawa
at si Bonita pa ang pinagtutulungan nila.

"Bon, truth or dare?" tanong sa kanya ni Ceddy na may halong ngisi. "Truth" sagot agad ni Bonita. "Kanina ka pa sa truth, dare naman!" aniya. Umiling si Bonita. "Truth gusto ko eh!" sabi niya. "Sige na nga. Sa aming apat nina Gio, Jason at Sebi. Sinong bet mo?" may halong tukso niyang tanong. Binigyan siya ng matalim na tingin ni Bonita samantalang kami ni Kelly tahimik lang. Hinintay namin siyang sumagot. "Ikaw" lakas loob niyang sabi. Napatikom ang bibig ni Ceddy hindi niya ata aakalaing sasabihin yun ni Bonita. "oh? Ano ka ngayon?" mataray na sabi ni Bonita sa kanya. Tumawa nalang kami.

Wala ng imik si Ceddy at parang nahihiya pa siya kay Bonita di nalang namin initindi.

Umuwi ako ng maaga alasais palang dahil nag-aya na din si Bonita alam kong badtrip siya kay Ceddy pero atleast nasabi din niya sa tagal niyang may gusto dun.

Wala pa si Daddy ng umuwi ako. Tinanong ko pa kay Nanay laring kong umuwi na si Caleb ang sabi niya wala pa daw. Tinext ko nalang siya na nasa bahay na ako. Umakyat ako at nagbihis. Naligo na rin ako. Lalabas na sana ako ng bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Pumasok si Caleb at niyakap agad ako.

"I miss you!" aniya. Pinigilan kong kiligin at niyakap siya pabalik. Kumalas ako sa yakap niya. "Magbibihis lang ako. Hintayin mo na ako sa baba"  aniya. Tumango ako sa kanya at nauna ng pumanhik sa hapag.

"Sinabi na ba ng daddy mo Sally na bukas na ang alis niya patungong australia?" tanong ni Nanay laring habang nilalapag ang ulam namin. "Hindi pa po pero sinabi na niya sa akin nung martes" saad ko.

"Gagabihin ata siya ngayon. May meeting daw sila at gagabihin" aniya. Tumango ako at nagpasalamat. Hinintay kung bunaba si Caleb at sabay kaming kumain. Kwinento ko sa kanya at pag-alis bukas ni daddy. Mukhang may alam naman siya.

Secret Love ♕ (Completed)Where stories live. Discover now