Dieciséis

4.2K 105 13
                                    

Sally

Tatlong buwan na ang nakakaraan. Malapit na kaming gumarduate sampung araw nalang makakakuha na kami ng diploma.

"Bye Senior High, Hello College!" nag dedaydream na sabi ni Kelly.

"Excited much oh!" komento ni Bonita at tumawa.

"Op cors besh. More time to party na tayo!" nakangisi niyang sabi.

Natawa nalang din ako. "Sall, are you okay you look pale?" napatingin ako kay Bonita. Umiling ako.

Hindi nga eh. Ilang araw na ito.

"Okay lang. Masakit lang ulo ko" sabi ko.

"Uminom ka na ng gamot?" tanong ni Gio. "Oo" ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang braso niya.

Dumating si Sebi na may dalang burger. Binuksan niya ang burger at hinawi pa ang bread nito napatitig ako sa patty at parang nasusuka ako sa itsura noon. Tinikom ko ang bibig ko nilunok ko ang laway.

"ummp"

"Sally okay ka lang?" tanong nila sa akin. Bago pa ako makapagsalita tumayo na agad ako at nag thumbs up. Tumakbo ako sa cr at sumuka pero laway ko lang ang lumalabas.

"Ummppp"

Napatingin sa akin yung babae na lumabas ng cr napangiwi pa siya. Nag mugmog ako ng tubig. Hindi yata maganda itong pakiramdam ko.

Nanghihina akong lumabas ng cr. Hinihintay ako ni Gio. "Ilang araw ka ng ganyan ah. Okay ka lang ba?" tanong nito. Napangiti ako concern talaga siya bago pa ako makapagsalita nanlabo na ang paningin ko at nahilo.

Nagising nalang ako nasa loob na ako ng Clinic. "Wag ka munang tumayo!" pigil sa akin ni Gio. Tinignan ko kung may kasama siya pero siya lang naman.

"Gio baka may pasok na tayo" saad ko.

"Sinabi ko na may lagnat ka kaya excuse na yun." aniya. "P-pero paano ka? Makakaabsent ka."saad ko.

"Okay lang. Ngayon lang naman tsaka ilang araw nalang ga-graduate na tayo."

Naging tahimik na si Gio kaya ako naman ang nagsalita. "Okay na ako dito G, balik ka na!" nakangiti kong sabi.

Umiling iling siya. "Sall" lumapit siya sa akin at umupo sa maliit na space sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko. "Buntis ka" saad niya. Natikom ko ang bibig ko. Buntis? Ako? Inalala ko mag tatatlong buwan na akong hindi pa dinadatnan. Fuck bakit ko nga yun nakalimutan.

Tumulo ang luha sa mata ko. Sinamahan ako ni Gio ng araw na iyon. Nagbihis kami para magmukha kaming mature.

Siya ang bumili ng pregnancy test ko sa pharmacy. Naghihintay lang ako sa loob ng kotse niya. Hindi ko mapigilang maiyak ulit. Humikbi nalang ako ng pabalik siya.

Bumili siya ng tatlong pt pumunta kami sa park. Doon ko ginawa ang proseso. Naghihitay lang si Gio sa labas pagkatapos ko lumabas ako at pinuntahan siya. Nakatingin lang ako sa kanya at umiiyak. Nasa kanya ang pt dahil hindi ko alam kung kakayanin kong makita ang resulta.

Tumikhim siya at hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. He sighed. I cried again. Kinuha ko ang pt sa kanya. There's two lines. I'm pregnant.
Niyakap ako ni Gio.

"Shh. Sall, eveything's going to be okay!" bulong niya

"Walang alam ang dad ko G, he doesn't even know that I had a relationship with Caleb."

I don't know what to do now. Tahimik lang ako. Pagtingin ko sa labas nasa ospital na kami.

"Gio" Tawag ko sa kanya.

Secret Love ♕ (Completed)Where stories live. Discover now