Once

4.4K 107 9
                                    

Sally

"Sally feeling ko diabetic na ako" nakangusong sabi sa akin ni Bonita. Kaya tumawa ako. "Inom ka lang ng maraming tubig" sabi ko.

Pumasok yung teacher namin malapit na kasing magpasko kaya pinag-uusapan kong anong theme.

Daldal ng daldal sa akin si Bonita na kunwari pang nagbotohan pero ang gusto din naman ng teacher namin ang masusunod.

Nag ring yung phone ko kaya tinaas ko ang kamay ko para maka labas ako ng classroom. Tumango si Mam Lily kaya tumayo ako at lumabas.

"Hello Dad?" bati ko.

"Hi baby, kakauwi ko lang. Nasa bahay na ako." aniya.

"Really? Yey. I miss you Dad. Hintayin niyo po ako. Uuwi po ako ng maaga" saad ko.

"Of course baby. Wait naka disturbo ba ako?"

"Hindi po dad. Pinapalabas na nga kami" sabi ko.

"Okay sige. I'll see you later. Love you!"

"Love you Dad!"

Nasa gym kami at tumatambay wala na naman atang planong magpakita ang teacher namin na si Mam Ravena.

"Guys, magpalitan tayo ng regalo ha!" wika ni Kelly.

Sumang-ayon kami dalawang taon na kasi namin iyon ginagawa. Maliban sa classroom meron din kaming ginagawa na kami kami lang.

"Sige, Bon isulat mo na ang mga pangalan natin para makapagbunutan tayo" sabi sa kanya ni Kelly.

Tinulungan naman siya ni Ceddy kaya nagsimula na naman ang pagbabangayan nila.

Napatingin kami kay Sebi parang masakit sa mata niya ang nakikita. "Seb, birthday mo pala sa sabado saan tayo?" nakangisi kong tanong.

"Sa bahay lang. Gusto niyo bang mag over night?" tanong niya sa amin pero na kay Bonita ang tingin na busying busy sa pagsusulat ng pangalan namin.

"Oo naman. Diba Gio?" siniko ko si Gio para sumang-ayon naman siya.

"I love over nights' " nakangising sabi ni Jason.

Todo na naman sila sa pag-inom ng tubig dahil kinain na naman nila yung dala kong tsokolate.

"Dumating na si Mam" nakangusong sabi ni Jason.

Tumayo kami at iniwan ang bag namin.. Bumaba kami at nag form ng line. Warm up daw gagawin namin bago kami magsisimula.

Sa apat na linya may sampung taong nakapila at ang nasa unahan ay ipapasa ang bola mula sa taas at ang nasa panghuli ay tatakbo papunta sa cone at iikot ng isang beses at tatayo sa unahan para siya naman ang magpasa ng bola hanggang sa mapunta na ito sa unang tao na nagpasa sa bola. Puunahan lang kong sino ang unang matatapos.

Si Gio ang leader namin at ang sa huli ay si Sebi. Nag whistle na si mam kaya simula na ang game. Mabilis na pinasa ni Gio sa akin ang bola pinasa ko rin iyon sa likod hanggang sa umabot kay Sebi. Mabilis kasi siyang tumakbo.

Siya naman ang nasa unahan pinasahan niya si Gio at ako naman pinasahan ni Gio pinasa ko rin ito hanggang sa napunta ito kay Darius at mabilis siyang tumakbo.

Nagtitilian pa kami kung sino ang mauuna. Napasa sa akin na ang bola mabilis akong tumakbo at huminto sa unahan. Pinasa ko agad kay Gio. Sumigaw ako ng bilisan mo. Hahaha. Mabilis na tumakbo si Gio at kami ang nagwagi nag tatalunan kami sa tawa. First round pa raw iyon pero pinagpawisan na kami.

Sa huling laro nanalo kami. Tatalon talon kami sa tuwa. Ngumisi na rin sa amin sina Kelly. "Dapat sa inyo kami eh!"nakanguso niyang sabi.

Nagbihis kami dahil sa pawis namin maglagkit na kasi sa balat at hindi komportable. "Grabe ang galing ni Gio noh!" rinig kung pag-uusap nila Macey at Pauleen. "Oo nga. Diba matagal mo ng crush yun Paul!" tukso sa kanya ni Macey. Napangisi ako sa kanila.

Secret Love ♕ (Completed)Where stories live. Discover now