Diez

5K 102 11
                                    

Caleb

Tatlong araw na ang lumipas ng makauwi na pabalik ang grandparents ko sa Oriental.

Game na namin sa frisbee pero tuluyan na akong hindi kasali. Pupunta lamang ako doon para manuod at sumuporta.

"Caleb" kinuha ko ang susi ng kotse at hinarap si Sally.

Maraming ng tao sa field ng dumating. Naghahanap ako ng mauupuan namin na hindi rin kami maiinitan.

"Doon tayo!" saad ko. Tumango siya sa akin. Pinagsiklop ko ang kamay naming dalawa.

"Bro dumating ka" nag shake hands kami ni Benedict.

"Ba't di ka pa pumasok" sabi ko.

"Mag su-sub lang ako mamaya bro. Nasugatan din kasi ako kahapon" aniya. Tumango tango ako.

"Wala si Earl?" tanong ko. Hindi ko kasi siya makita sa field. "Wala bro. He quitted. Umalis sila ng parents niya to cebu" tumango tango ako.

Kanina pa pala nagsimula ang game. Lamang na ang engineering sa biology.

"Mukhang matatalo tayo bro" saad ni Benedict. "May sakit kasi sina Chris tsaka Jon tapos tumuloy parin sila" dagdag niya.

Kaya  pala mukhang mahina sila. "Bro okay na ba ang sugat mo?" napabaling ulit ako sa kanya. "Medyo bakit?" tanong ko.

"Maari natin silang e sub bro. Kung okay sayo?" aniya.

Napangisi ako. "Pwede pa naman tayong humabol diba?" ngumisi siya sa akin at tumayo.

"Bro suotin mo nalang to. Tapos sub natin sila" tinaggap ko agad ang jersey para makilala kami na kasali sa team.

"Sall. Sasali ako, okay lang ba sayo na iwan kita dito?" tumango tango siya. "Oo. Ichicheer kita kaya galingan mo" nakangisi niyang sabi.

Tumakbo kami sa gitna ng field lumapit kami sa scorer.  Malapit na ding mag time out. Kumaway si Benedict at nakits iyon ni Jon. Tumango sila sa amin at tumakbo sa amin.

Narinig ko ang sigaw ni Sally kaya tumawa ako. Ang lakas kasi ng boses nun pag sumigaw ng todo.

Pumasok kami ni Benedict at mabilis na pumunta sa field. Pinalipad ng engineering ang disk kaya mabilis akong tumakbo para maagaw sa ka team niya. Naabot ko iyon dahil advantage ko ang height ko. Tumakbo ako sa kabila at nakita kong naghihintay si Jelou. Pinalipad ko sa kanya at disk naabot din niya iyon. Umiwas iwas siya ng harangin siya ng engineering.

Nahagip ko si benedict tumakbo ako para makuha ko ang disk kay Jelou. Wala na akong pakialam sa score ang importante ginawa namin ang lahat.

Sumenyas ako kay Jelou na pwede sa akin. Agad ko iyon tinalon para maunahan ang nakabantay ss akin. Naghanap ako ng nagandang pwesto. Pinadaan ko sa baba ang disk at napasubsob si Benedict pero nasalo niya.

Nakangiti akong tumakbo pa kabila naman. Nakaabang na si Ray para sa disk. Tumango siya sa akin.

Mabilis akong tumakbo pars makuha ko ang disk. Sa tiyan ko pa tumama pero nasalo ko rin. Naliligo na ako sa sarili kong pawis.

Nag warning sign na sila na malapit na ang time. Tumakbo si Jelou maging si benedict. Nagahanap ako ng pwesto para madali nilang makuha kung kanino sa kanila ang mauuna. Nag warning sign ulit.

Tumalon ako at pinalipad ang disk kay Jelou. Tumakbo siya dahil medyo napalakas ang paghagis ko.

Nakatayo nalang ako at naghihintay na masalo niya. Mabilis siyang tumalon at inabot iyon pero kapailit nun ay ang pagkatumba niya sa grass at pag gulong.

Secret Love ♕ (Completed)Where stories live. Discover now