Trece

3.9K 99 6
                                    

Sally

Kanina pa ako nagbabantay na papasok siya pero nag alas diez nalang hindi man lang niya hinawakan ang door knob. Tumulo ulit ang luha ko.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. I tried not to make a sound and went to the kitchen. Binuksan ko ang ref. Nagutom ako kakaiyak.

Kinuha ko ang fresh milk. Naghanda din ako ng slice bread at nutella. Umiiyak na kumain ako. Ano bang nangyayari kay Caleb? Tinapos ko agad ang pagkain ko at ininom ang gatas.. Bumalik ako sa taas. I need explanations!

Hinawakan ko ang door knob at nagulat nalang ako na locked ito. Gusto ko siyang katokin pero makagagawa lang ako ng ingay. Nanghihinang tumalikod ako at umiyak.

Dumiretso ako agad sa kama at niyakap ang unan ko. Naiinis ako sa kanya.

Nagising ako ng alas nuebe. Shit! Late na ako. Mabilis akong kumilos halos hindi ko na kuskos ang balat ko.

Bumaba ako at nandun sa kusina si Manong fred nagkakape.

"Sally kanina pa kita hinihintay" aniya sabay baba sa tasa.

"Hindi po ako nagising ng maaga eh" nahihiya kong sabi.

Hinatid niya ako sa school tsaka ko lang naisipang tignan ang phone ko. Ang daming missed calls mula kay Bonita at Gio pero walang Caleb na tumawag.

Tumakbo ako agad pagkababa ko sa kotse. Buti wala pa akong pasok ng isang oras. Naabutan ko sila sa gilid ng acacia tree. Tumakbo ako sa kanila.

"Bakit ngayon ka lang?" halos
magkapanabay nilang tanong.

Humahangos ako na umupo tumayo naman si Gio para makaupo ako. "Na late ako ng gising. Hindi ko kasi na set ang alarm ko" paliwanag ko.

"Swerte mo Sall. Walang teacher kanina pina attendance lang" nakangising sabi ni Kelly.

"Asan si Bonita at Sebi?" tanong ko. Si Ceddy lang kasi dito at parang walang buhay.

Tinignan nila si Ceddy kaya napatingin din ako sa kanya. "Umalis sila. Pinatawag sila ng adviser natin" aniya

Tumango ako. "May assignment na kayo sa Physics 1? " tanong ko. Binigay agad sa akin ni Gio ang paper niya. "Thank you!" nakangiti kong sabi.

Tuwang tuwa ako dahil hindi man ako nakagawa ng assignment kagabi ay pinakipya niya ako. "Omgg. Perfect Gio!" masaya kong sabi.

Nakangisi lang siya. Halos kami lahat sa barkada ang perfect.

Nang nag lunch time hinintay kong mag text si Caleb pero wala siyang paramdam. Kaya tinext ko nalang siya.

Me:

Anong ginagawa mo? :)

Nag-antay ako ng ilang minuto pero wala siyang reply sa akin. Nakagat ko ang labi ko. Naiiyak na naman kasi ako eh.

Tumayo ako at nagpaalam sa kanila na magbabanyo. Tinatakpan ko ang labi ko habang umiiyak ang hirap pala pag ganito yung tipong ayaw mong may makarinig sa iyak mo.

Nag retouched ako at naglagay ng concealer paglabas ko ng c.r nakita ko si Gio at mukhang hinihintay niya ako.

"Andito ka pala!" saad ko.

"Anong problema?" tanong niya.

"Wala. Bakit?" damn pwede na akong mag-artista.

"You don't look okay, Sall. Sa tagal nating magkakilala ngayon mo pang sinabukang maginarte sa akin." aniya.

Secret Love ♕ (Completed)Where stories live. Discover now