Siete

5.6K 124 12
                                    

Sally

Kinompronta ako ni Gio noong balik skwela na. Siya lang muna ang sinabihan ko tungkol sa amin ni Caleb ayoko kasing pag-usapan mo na ang tungkol doon dahil sekreto lang pa naman iyon.

Puspusan na ang pag-aaral namin. Naging busy din si Caleb sa school niya. Activities dito activities doon. Tapos pag-uwi sa bahay pareho pa kaming pagod kaya ang ending breakfast nalang kami nagkakasabay.

Ang alam ko intramurals sa kanila at sumali siya sa frisbee. Noong una ayokong pumayag kasi sa larong iyon buhay talaga ang sacrikripisyo mo. Minsan umuuwi nga siyang may sugat sa tuhod o di kaya'y sa siko dahil sa pagkasubsob niya. Sabi naman niya okay siya. Pero noong ako nga nasugatan nalang sermonan niya akong buong gabi eh.

Papatapos na ang second quarter namin kaya ibig sabihin sem break na pagkatapos. Naging abala kami sa pagpapapractice sa p.e namin. Contemporary at pinaghalong modern dance kasi ang binigay sa amin. Kaya ang ending diretso kwarto tapos mabilis na ligo tapos tulog.

Kami kami lang din ang gunagawa ng actions namin. May part pa doon na daring. Limang babae at lima ding lalaki bali paired na kami. Kailangan naming magpalandi sa partner namin nagkataon pang si Gio at napartner ko. Okay lang naman dahil matagal ko na siyang kilala. Si Kelly yung sobrang nag effort sa pagtuturo sa amin ng actions kung paano pa umakit at churvaness niya. Ang galing nga niya dahil maakit ka talaga. Minsan sa kwarto sinusubukan ko rin ang sayaw.

Yung iikot ako sa lalaki habang nakahawak ang mga daliri namin sa balikat nila tapos. Piniplay ang music na booty. Slow mo pa ang una naming ipapakita na ginagalaw ang pwetan namin hanggang sa haharap na kami sa mga lalaki at mag twetwerk pero sandali naman iyon. Iyong huling part nga lang mas lalo naming gagawing daring para makuha ang atensyon ng audience.

Kahit sabado practice parin kami ng practice kaya knock out talaga kami pag-uwi.

Pinatay ko ang music ng makarinig ako ng katok. Pumasok si Caleb na may dalang instant noodles. "Ayy sayang hindi ako pwede ngayon niya diet ako" sabi ko agad. "Anong ginagawa mo?" tanong niya at umupo sa study table ko. "Nagprapractice ng sayaw. Manood ka ha!" sabi ko.

"Sige"

Lumapit ako sa kanya at kumain nalang ng isang tinidor. "Oh saan na?" tanong niya. "Ang alin?" tanong ko pabalik. "Ang sayaw mo. Manonood ako" napangisi ako sa sinabi niya. "Gagi. Hindi ngayon sa friday pa. Sa gymnasium dinivide kasi kami bali parang contest yung gagawin namin sa p.e" paliwanag ko. "malayo pa. Ngayon na pakita" giit niya. "No. Dapat masuprise ka. Magaling na akong sumayaw" sabi ko at humagikgik.

Binaba ni Caleb ang plato na hawak niya at pinalapit ako sa kanya. Kinulong niya agad ang beywang ko sa mga bisig niya at tinignan ako. Kaya nakadiin kami pareho sa isa't isa. "Sorry ha!" aniya. "Saan?" nagtataka kung tanong. "Wala na tayong oras makalabas dahil pareho tayong busy. Tapos di kita nasusundo" saad pa niya. Kinurot ko ang pisngi niya. "It's okay. Ako din naman. Pano pa kaya kung college tayo diba? Mas lalo tayong mabubusy pareho" sabi ko. Nihilig ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Promise pag sem break natin. Araw araw tayong lalabas" aniya. Napangiti nalang ako. Kahit dito nalang kami sa bahay okay lang naman sa akin eh.

Kabadong kabado na ako. First time ko kasi. Tapos kami pa ang pinagitna ni Kelly dahil mabilis daw kaming mapansin ni Gio dahil may chemistry. Iwan ko ba sa pinagsasabi nila. Ang galing galing ng unang sumayaw hanggang sa sumunod yun nga lang yung pangatlo nagka bulilyaso dahilsa music nila at may na out of space pa sila kaya nagkabanggan. Kami yung pang apat kaya hindi na kami nagulat ng tinawag kami. Nakita ko si Caleb kumaway ako sa kanya. Alam kong mag vivideo siya sa akin. Yung una slow mo lang talaga dahil contemporary.

Secret Love ♕ (Completed)Where stories live. Discover now