Untitled Part 38

5.8K 128 26
                                    

Chapter Thirty Eight

Kathryn's POV:

       Hindi ako mapakali ng malaman kong nagdadalang tao ako. Gustuhin ko man ipaalam kay Daniel ang lahat pero hindi ko naman alam kung paano ko sisimulan.

      Pag-uwi ko sa bahay tsaka pa lang pumasok sa akin ang mga posibleng mangyari. Paano kung hindi pa sya handa? Paano kung hindi nya tanggapin? Paano kung itakwil nya kami ng anak ko? Ang dami! Ang daming posibleng mangyari.

        Pero paano kung tanggapin nya? Paano kung kabaliktaran pala ng iniisip ko ang mangyari? Baby? Tulungan mo naman mag isip si mommy o. PLEASE!

        Bukod kay Daniel ay pinoproblema ko din ang management, ano magiging hakbang nila? Yung mga fans. Nakakalungkot kasi madi-disappoint ko sila. At ang nga kaibigan ko, matanggap kaya nila ako?

        Napahilot ako sa sintido ko habang nag-iisip. Nananakit na ang ulo ko. Kailangan ko ng mapagsasabihan ng lahat. Kailangan kong mabawasan ang poproblemahin ko. Kailangan kong aminin sa lalong madaling panahon dahil ayoko din naman itago ang anak ko. AYOKO!!

      Agad akong napatayo mula sa pagkakahiga ng biglang gusto ko ng ice cream. Hmmmm! Bumaba ako at pumunta sa kitchen para humanap ng ice cream pero wala na. Parang gusto kong umiyak ng wala akong makitang ice cream.

       Umupo ako sa sofa at gusto kong masuka sa amoy nito. YUCK!! Ang baho. -___-' .

        Dahil aa nangyayari sa akin ay napagpasyahan kong pumunta nalang sa condo ni Daniel. Alam kong baka wala sya don pero gusto ng ilong ko ang amoy nya. Gusto ng anak namin.

. . . . . . . . . .

      Pagtapat ko sa unit ni Daniel ay nagtaka ako dahil medyo nakaawang ang pinto. Bubuksan ko na sana ng marinig ko ang boses ni Daniel pero napahinto ako sa pagtulak ng may marinig din akong boses babae.

             "Pero hindi tama ang ginawa mo. Revenge is a wrong decision."

             "But that's the only way para makapaghiganti ako!! She ruined our family. She and her mother!!" Rinig kong sigaw ng babae.

             "Jasmin?" Bulong ko at ramdam ko ang pagkasira ng puso ko. Ang sakit!

      So all this time nagkikita pa sila? Bakit itinago sa akin ni Daniel sakin ang lahat. Bakit?

             "Pumayag ako na hindi magpakasal sayo dahil wala akong oras para sirain ka o si Queen. Gusto kong maghiganti lalo pa ngayon na patay na ang Papa ko. Namatay sya ng galit ako sa kanya and that's because of them. Kaya sisirain ko sya sa kahit anong paraan."

      Hindi pag nagsisink-in sa akin ang lahat ng narinig ko ng bigla nalang bumukas ang pinto. Bakas sa mata ni Jasmin ang gulat na makita ako pero agad din syang dumiretso.

             "Jasm ---"

      Napahinto si Daniel sa pagtawag kay Jasmin ng makita nya akong nakatayo sa harap ng unit nya.

Better Together ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon