Untitled Part 18

6.3K 135 12
                                    

Chapter Eighteen

Julia's POV:

Nakatulog na ang lahat habang nasa byahe kami. Kanya-kanya na silang pwesto habang ako hindi makatulog. Galaw ako ng galaw dahil hindi ako koportableng matulog ng nakaupo. Nakakainis! Gumalaw ulit ako ng gumalaw ng magsalitayung nasa likod ko.

"Wag ka ngang malikot. Natutulog yung tao e" Iritadong sabi sakin ng katabi ko.

Nangunot ang noo ko at nilingon sya.

"Excuse me mister. Hindi ko nga alam kung bakit sa dinami-dami ng pwede mong pwestuhan e dito ka pa tumabi sa akin e. Kaya magtiis ka!" Singhal ko.

Bwiset na 'to. Sya 'tong pilit isiniksik ang sarili sa tabi ko tapos mag rereklamo. -__-

"Alam mo sunget." Simula nya pero hinampas ko agad sya.

"At sinong masunget ha?"

"Malamang ikaw. Ikaw lang naman kausap ko diba?" Sabi nya sabay himas sa braso nyang tinampal ko.

"Argg! Kainis ka talaga Mayabang!" Singhal ko sa kanya pero sa halip na mainis sya nginisihan pa nya ako

"Hindi ako mayabang. Honest lang *giggle*"

"Tsss! Ang hangin talaga. Eto piso *abot ng coins* humanap ka ng kausap mo." Sabi ko sabay talikod sa kanya.

Ang yabang talaga! Nakakainis! Oo may itsura sya, nakadagdag pa yung medyo makapal nyang kilay tapos matangos ang ilong. Moreno din sya. Pero ang yabang nya. Gwapo sana. Waiiit! Did I just check him out? Ugh! Siguro inaantok lang ako. Tama! Antok lang 'to. Panget sya Ju. Panget yang Inigo na yan. Haaaay!

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at nagising lang ako sa tawanan na mga naririnig ko. Mukang punong-puno sila ng energy ha. Nakapagcharge! ^_^ Napadilat naman agad ako ng may bumulong sa tenga ko.

"Baka gusto mong iayos na yung ulo mo SUNGET. Masyado ka ng nag-e-enjoy sa pagsandal sa akin"

At dun ko lang naramdaman na nakasandal nga ako kaya dali-dali akong umayos ng upon a napansin naman nilang lahat.

"Oh? Gising na pala ang prinsesa" Bungad ni Ja na inirapan ko lang.

"Eto ang mean. Kakagising mo lang susungitan na agad ako *pout*"

"Hayaan mo na. Meron kasi"

"O__O! *pak* You pervert." Hampas ko dito sa epal sa tabi ko.

"Nakakadalawa ka na ha!" singhal nya pero inirapan ko lang sya.

Nagtawanan naman silang lahat at bumalik na sa kanya-kanyang kwentuhan. Tumingin naman ako kay Queen na nakaupo sa kama habang si Daniel tulog pa din. Mukang pagod na pagod nga e. Minamasahe ni Queen ang temple ni Daniel at dahil nakatingin ako sa kanila nakita ko ang biglang pag galaw ni Daniel paharap sa tyan ni Queen. Para syang baby na nakayakap sa bewang ni Queen habang ang mukha nya nakasubsob sa tiyan ni Queen.

Nginitian naman ako ni Queen ng mapansin nyang nakita ko yun. Sinuklay-suklay nya ang buhok ni Daniel sabay halik sa temple ng huli.

Better Together ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon