Untitled Part 44

5.7K 119 24
                                    

Chapter Forty Four

Kathryn's POV:

      Busy ako sa pagluluto ng tanghalian sa bagong bahay namin ni Daniel. Yes, nagpagawa kami ng sariling bahay.

      Tumawag kanina sila Mama at Mommy Karla na dito daw sila manananghalian dahil balak daw nilang ilibot ang anak namin.

     Hindi namin ini-ispoiled si  DeeKarl pero sa mga lolo at lola nya ay spoiled sya. Kahit ano hilingin nya o kahit ano i-request nya ibinibigay nila.

      May isang beses pa nga na talagang nagalit ako dahil ibinili ba naman nila ng lahat ng toys na magustuhan. Pabili lang naman yan ng pabili hindi naman ginagamit kaya nasasayang lang.

    Ipinagtanggol ni Daniel nun ang mga magulang namin kaya kaming dalawa ang nagkagalit. Lumipat ako ng kwarto at hindi sya pinanain nung gabi na yun but the morning after that nagising ako na may breakfast in bed with a bouquet of red rose. Too cliche yes but iba pala pag ikaw yung nasa sitwasyon.

     After ng away na yun hindi na ulit kami nag-away ng ganun kalala medyo mga tampuhan nalang.

      Malapit ng maluto ang ulam ng maramdaman ko ang pagpalupot ng matigas na braso sa bewang ko at pagpatong ng ulo nya sa balikat ko. He kissed my temple and sway. Hindi pa din sya nagbabago, he's still sweet and clingy.

         "I'm home." Bulong nya.

    Pinauwi ko sya agad ng umaga at pinaghalf-day lang sa trabaho nya dahil nga dadalaw dito ang mga magulang namin.

     Napangiti ako sa binulong nya at kinalas ang yakap nya sa akin para maharap sya. I tiptoed to kissed his lips and smile.

            "Where's Deekarl?" Tanong nya habang iniiikot ang mata kaya napangiti ako dahil talaga namang sobrang lapit nya sa anak namin.

      As if on cue a running cute baby boy at the age for going towards us. Nakita ko naman na hinahabol sya ng Yaya nya kaya napailing ako dahil siguradong may ginawa nanaman syang kalokohan.

     Nagtatakbo sya sa daddy nya at tumalon na agad naman sinalo ni Daniel.

           "Dad! You're finally home." Masayang sabi nya na medyo hinihingal pa.

     Tinanguan ko naman yung Yaya na ibig sabihin ako na bahala kaya umalis na ito sa kusina. Dinukot ko ang bulsa ko at kinuha ang panyo bago lumapit sa mag-ama ko at pinunasan ang pawis ng chikiting ko.

           "What did you do this time Deekarl?" Seryoso kong sabi kaya nag pout sya.

    Napahagikgik naman ang ama nya kaya sinamaan sya ng tingin ng anak nya na lalong nagpatawa sa ama nya.

     Nang mapatingin silang parehas sa akin ay tinaasan ko sila ng kilay kaya sabay silang napalunok. Parang gusto kong matawa sa itsura nila dahil para silang pinagbiyak na prutas. Nung una nagtatampo pa ako dahil si Daniel ang kamukha ng anak ko but as my child grew up na sobrang gwapo ay narealize ko na okay lang pala. As long as he's mine wala akong problema.

       Magsasalita na sana ang anak ko nang biglang may nag doorbell. Medyo nanlaki ang mata ng anak ko at nagpumilit na bumaba sa buhat ng ama nya para buksan ang pinto.

      Pinatay ko ang kalan bago sundan si Deekarl habang ibinalot naman ni Daniel ang braso nya sa bewang ko.

      Napataas ang kilay ko na sa halip ang mga magulang namin ang makita ko ay sila Ju, Ja at Li kasama sila Inigo, Marlo at Enrique ang nakita ko.

       Naabutan kong hinahalik-halikan nila si Deekarl na tawa lang ng tawa.

            "Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko kaya napalingon sila sa akin.

      Agad na lumapit sa akin yung tatlong babae at yumakap, nakita ko pang nag bro fist ang apat na lalaki bago lumingon sa amin na napairap.

            "We miss you." Malungkot na sabi nila kaya tinaasan ko sila ng kilay.

      Sinungaling din ang mga 'to e nagkita lang kami kahapon para sa girl date. Buset na yan!

            "Seriously?" Tanong ko kaya napatawa silang tatlo at bumitaw sa yakap.

            "Ako galing sa wedding organizer." Sabi ni Li dahil nalalapit na ang kasal nila ni Enrique. Akalain mo yun! Hahahaha.

             "Ako naman galing sa last taping day nung movie namin. Finally!" Sabi naman ni Ju kaya nagtawanan kami dahil halata sa kanya ang pagod.

     Sabay-sabay naman kaming napatingin kay Ja na napa-pout kaya nginisihan namin sya.

            "Sya nag-aya dito" sabay na sabi nung dalawa na lalong nagpanguso kay Ja.

           "Whaat? Namiss mga kita!" Depensa nya na tinanguan ko lang kahit hindi kapani-paniwala.

      Iniikot ko ang paningin ko just to see na wala na yung mga lalaki, siguro nag basketball na sila sa likod bahay na pinatayuan ng court ni Daniel.

      Hindi nagtagal dumating din ang mga magulang namin at sabay-sabay naming pinagsaluhan ang niluto ko. Agad din naman silang umalis kasama si Deekarl para daw mas matagal nilang makasama. Natawa pa nga kami ni Daniel dahil alam namin na nagpaparinig sila dahil matagal na nilang hinihiram si Deekarl pero hindi kami pumapayag. Hindi ko kayang mawala sa mata ko ang anak ko.

     At dahil naiwan kaming walo dito sa bahay ay nag desisyon kaming manuod nalang ng movie sa entertainment room pero dahil pinag-aawayan ang papanuorin ay nag decide kami na mag chikahan nalang.

      Napansin kong hindi mapakali si Ja at parang pinagpapawisan pa sya ng malapot while holding Marlo's hand tightly.

          "Ja?" Tanong ko kaya napalingon sya sa akin. Matagal kaming nagsukatan ng tingin bago sya napabuntong hininga at isa-isa kaming tiningnan.

            "I'm engaged!"  Masayang sabi nya sabay taas ng kamay nya. At first talagang nagulat kami pero wala pang isang minuto at sinugod namin sya ng yakap at nagtilian kami.

    Finally masaya na kaming lahat. Sa wakas makakamit na namin ang sayang matagal na naming inaasam.

     Ako ang unang humiwalay at tinitigan sila. Madami man kaming pinagdaanan na nagpatatag sa samahn namin. Madaming pagsubok! Madaming sakit! Madaming sama ng loob na pati pagkakaibigan namin ay nalagay sa alanganin. Muntik na kaming sirain ng maling akala pero pinanatili namin ang tatag ng samahan. Pinairal namin ang pagmamahal at mga pinagsamahan namin kesa sa galit na nararamdaman namin kaya hindi kami nabuwag.

       Trust! Hurt! Feelings! LOVE. Lahat yan hinarap namin. Lahat yan nakaya namin. Lahat yan nagpatatag sa amin. At nagpapasalamat ako sa lahat ng yan dahil dumating sila sa buhay namin. Lahat ng yan ay hindi lang kami sinubok kundi nag-iwan din ng aral na habang buhay namin babaunin.
 
      Sa dami ng pagsubok na yan isa lang ang napatunayan ko, it's always BETTER when we're TOGETHER.

. . . . . . .

Waaah! Salamat sa lahat ng sumuporta sa story ko. Next update? Epilogue. I loooove youuu guys! Soooo much.

Better Together ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon