Untitled Part 26

5.4K 138 66
                                    

Hiii guys! I can't believe na may umiyak sa Chapter 25. OMG! I appreciate that guys. You made me happy! I love you guys! Keep supporting Better Together. :)


Chapter Twenty Six

Julia's POV:

It's been a week since himatayin si Queen dahil sa asthma at isugod namin sya sa hospital. Isang Linggo na din ang nakakaraan ng hindi sya maglalabas ng kwarto. Tinataguan nya lahat even the management and her manager. Wala syang pinupuntahan na shows or what even sa taping nya hindi sya pumupunta. Two days after namin mang galing sa Rancho nila Daniel at mabalitaan ang hindi magandang balita ay pumunta dito si Daniel asking kung nasaan si Queen pero sinabi namin na hindi namin alam. Nung una ayaw nyang maniwala pero napaniwala din namin sya na pati kami pinagtataguan ni Queen.

Nandito ako ngayon sa taping nung teleserye ko at dahil patapos na din 'to ngaragan na talaga ang galawan. Hahaha. Kasalukuyan akong nasa loob ng tent ko ng biglang may pumasok.

"Kamusta Ju?" Tanong ni Enrique na naupo sa tabi ko.

"Ha? Okay lang *sigh* Ikaw?"

"Okay lang din. Ano pala balita kay Queen?" pagpapatuloy nya pagkatapos kumuha ng apple sa fruits na dala ng fans dito.

"Wala pa kaming balita."

Napaiwas naman ako ng tingin ng sabihin ko yun dahil seryoso syang nakatingin sa akin. P*ta!! Gwapo pala nito e. hahaha :D

"Ahh." Tumango-tango pa sya "Baka naman itinatago nyo?"

Napalunok naman ako ng ilapit nya yung mukha nya.

"Hindi a." umiwas ulit ako ng tingin "Bakit naman namin itatago?" Nang hahamon kong tanong.

Nagshrugged lang sya ng shoulder.

"Malay mo lang naman diba?" Tumingin naman sya sa ibang direksyon "Pero sa totoo lang Ju ang sakit nung nangyari kay Queen na yun diba? Ikaw yung girlfriend pero iba yung pinakilalang fiancé" Seryoso nyang sabi sabay lingon ulit sa akin "Napapaisip tuloy ako na..." Binitin nya yung sasabihin nya.

"May isip ka ba?" hirit ko na naging dahilan para tingnan nya ako ng masama." *giggle* Joke lang. Na ano?"

"Na ganun din ba naging apekto kay Li nung nagawa ko dati?"

Tinitigan ko naman sya. Sa tagal na nain nagkakasama sa taping ngayon nya lang inopen yung topic na yan. Nginitian ko naman sya at umiwas ng tingin.

"Yeah!" Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumingin sya sa akin "Nakita mo si Queen diba?" He nod "Medyo mas malala lang yung kay Queen pero ganu din yung reaksyon ni Li. Nakakatawa ngang isipin e na dahil lang sa mga lalaki nagkakaganyan kaming mga babae" Nilingon ko naman si Enrique na nakikinig "Kung tutuusin, madami pa naman dyan diba? Yung mga lalaking handang ibigay lahat at hindi kami sasaktan pero bakit kailangan namin magmahal ng maling tao tuloy nasasaktan kami sa huli. Tuloy kami yung talo."

Nakatitig lang sa akin si Enrique na parang nag-iisip. Nginitian ko naman sya ng magtama ang mata namin.

"Ganon siguro talaga no?" nangunot naman ang noo nya "Nahuhulog tayo para masaktan pero ang hindi natin alam hindi lang masaktan kundi para din matuto. Matutong sumaya, maging malungkot, magalit, mainis, matutong tanggapin ang pagkakamali at matutong magpatawad." Lumingon naman ako kay Enrique para itanong ang isang tanong na gumugulo sa isip ko "Bakit mo nga ba niloko si Li?"

Better Together ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon