Untitled Part 24

5.2K 113 12
                                    

Sino nga ba si Queen Kathryn Bernardo? Waaah! Read it guys!


Chapter Twenty Four

Kathryn's POV:

Nagising ako dahil sa lakas ng tugtog na nanggagaling sa labas ng bahay. OMG! Umungol ako dahil hindi pa ako nakakakumpleto ng tulog dahil sa paghalik sa akin ni Daniel sa harap ng mga kasamahan namin. God knows kung gano ako kapula kagabi ng harutin nila kami. That's my first kiss for goodness sake!

Nilingon ko ang katabi ko pero wala na akong nakita, tumayo na ako ng tuluyan at nag hilamos na sa banyo. Pagkahilamos ko ay sumilip ako sa veranda just to see na nagkakagulo na ang lahat para sa party mamaya. Ngayon ang araw ng fiesta dito sa rancho at nagkalat na ang mga mosiko at may mga malalaking speaker na din ang nagkalat sa buong Rancho.

Magkakaroon ng party mamayang gabi dahil mamaya pa lang ang dating ng Papa ni Daniel at kailangan daw na formal ang isuot kaya nag shopping kami kahapon ng mga susuotin namin and thank GOD may mall malapit dito dahil wala talaga kaming dala na formal dress.

Hindi ko alam kung bakit pero sa isipin na dadating ang Papa ni Daniel mamaya ay kinakabahan ako. Nakita kong napalingon sa akin si Ju na busy sa baba at hindi ko alam kung ano ginagawa. Kumaway sya kaya napalingon sa akin lahat ng nakakita sa pagkaway nya. Nginitian ko lang sila pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-irap na ginawa sa akin ni Zharm kasama yung mga kaibigan nya pero hindi ko nalang pinansin.

Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko si Tita Karla na binigyan ako ng malungkot na ngiti na syang ipinagtaka ko. Bakit? Lumapit sya sa akin at yinakap ako sabay sabi ng salitang "Sorry!" Itatanong ko pa sana kung bakit pero pagkahiwalay nya sa yakap namin ay nagsalita na sya.

"Hinihintay ka na ng mga kaibigan mo sa baba. Sige na!" pagkatapos nyang sabihin yun ay tuluyan na syang umakyat.

Nagtataka naman ako sa ikinikilos ni Tita Karla. Bakit ganun? Bakit parang mas lumala ang kaba ko sa mga nangyayari? Haaay!

"Hiii Queen!" Bati ng lahat sa akin pagdating ko sa kusina.

Tinanguan ko lang sila at tuluyan ng naupo para kumain. Ako nalang daw ang hindi kumakain kaya no choice kundi kumain mag-isa. Pagkakain ko ay naupo agad ako sa sala. Nasaan kaya si Daniel? Hmmmm. Habang nakaupo ako ay hindi ko maiwasan ilibot ang paningin ko.

Daniel's family is very lucky to have this ranch. Napaganda dito at talaga naman sobrang refreshing. Simula sa labas, yung pinaka bahay mismo even the chairs, tables and bedrooms are all vintage which is nakadadagdag sa nakakarelax na scenery. Napako naman ang tingin ko sa napakalaking picture ng family nila na bubungad sayo pagpasok mo palang ng mansion na ito.

There this Tita Karla na nakangiti katabi ang isang lalaki na kamukang-kamukha ni Daniel whom I assumed his father. The man looks so intimidating, simula sa tindig hanggang sa mukha nyang hindi man lang nakangiti. Kinabahan naman ako ng todo kaya inilipat ko ang tingin ko kay Daniel na seryoso lang sa picture katabi ng Papa nya at si JC na nakasmirk sa tabi ni Tita Karla. All smile din si Magui na may braces pa habang naka akbay kay Carmella na nakasimangot.

Napangiti ako while looking at their picture. Ang saya ng family nila na kahit busy yung Papa nya may time pa sila to get a Family Picture na never kong naranasan. Never akong nagkaroon ng picture kasama si Papa even my Mama, siguro nung bata ako meron pero hindi ko na alam kung nasaan dahil simula ng umalis sila ng bansa kasama yung kapatid kong panganay at never na nila akong binalikan ay itinago ko na lahat ng ala-ala na meron ako sa kanila. Yung iba nga sinunog ko pa kahit yung mga laruan na binili nila sa akin when I was a kid sinunog ko.

Galit ako! Galit na galit ako sa kanila dahil magmula ng maaksidente yung kapatid ko na ako yung kasama parang ako na yung sinisi nila. They supposed to be knowing the truth pero hindi I keep on telling them na wala akong kasalanan pero sarado na yung isip nila. Diba dapat yung panganay ang nagbabantay sa bunso? Diba dapat sya yung nagpoprotekta? Pero sa amin baliktad.

Mahirap kalaban ang sarili mong kapatid lalo na kung alam mong simula palang talo ka na. Hindi ka pa lumalaban, lugmok ka na. Hindi lahat ng bunso masaya dahil isa ako sa magpapatunay na hindi lahat ng bunso syang pinapaburan. Nagtataka siguro kayo kung bakit nila ako pinapadalan ng pera everymonth? Siguro kasi akala nila masaya na ako dun pero tao lang din ako. Anak din ako. Anak na nanghihingi ng atensyon ng mga magulang na hindi nila kayang ibigay.

Yung mga pera nilang ipinapadala? Hindi ko ginagastos yun, nakaipon lang yun sa bank account ko. May sarili akong pera na ginagastos galing sa paghihirap ko. Maniniwala ba kayo na simula nung 6 years old ako when they leave me ay hindi ko tinanggap ang pera nila instead nangutang ako sa mga magulang nila Li, Ju at Ja para ipangtustos sa sarili ko at binayaran ko lang yung utang na yun when I entered showbizness at nagsimula na akong kumita ng pera. Hindi ako masaya na dala ang apelido nila pero ano magagawa ko diba? Wala!

Mahirap maging second choice. Mahirap maging option. Kaya when I entered showbiz I try my best to be the number 1 pero never kong kinalaban yung mga taong tinuring kong sarili kong pamilya. When Daniel and I met na nauwi sa pagiging magkarelasyon namin I was soooo happy to the point na ayoko syang may mameet na iba dahil ayoko nang maging second choice o maging optiong lang. Gusto ko naman maranasan maging pang-una o yung ako lang kasi ang hirap-hirap maging pangalawa lang na pag ayaw nung una tsaka ka palang pwedeng umentra. Sawang-sawa na ako. Kaya hindi nyo ako masisisi when I cried over Zharm dahil parang bumalik yung pakiramdam na isa lang ako sa choices, na dahil andyan na sya baliwala na ako dahil nga nasa choices lang ako e but Daniel explained to me everything. He assured me that he will never let me feel that I am a choice, a second choice.

Napapunas ako sa luha na pumatak sa mata ko ng hindi ko namamalayan ng may marinig akong pumasok at naglakad papunta sa pwesto ko. Nabalik ang lingon ko sa maliliit na frame na nasa baba nung malaking family picture, pinaliit ko para maaninag kung tama ba yung nakikita ko na picture ng isang batang lalaki na nakaakbay sa batang babae pero hindi ko makita yung mukha. Tatayuin ko na sana when someone speak beside me.

"Hiii!" Bulong nya then kissed my cheek. "Did you eat already?"

Nginitian ko lang sya at sumagot.

"Yep!" Tinitigan ko sya dahil pawis na pawis sya "San ka galing?" Tanong ko

"Basketball with the boys." Simpleng sagot nya at tumitig sa akin. Nagulat ako ng biglang magseryoso ang mukha nya pero mas nagulat ako sa tanong nya "Did you cry?"

Napaiwas nama ako nang tingin at tumawa. Umiling ako at tsaka sya hinampas sa balikat.

"Hindi no! Ano ka ba? Kagigising ko lang kasi e kaya medyo maga siguro yung eyes ko. Halata ba?" Tanong ko pero umiling lang sya.

Nginitian ko sya at namula ako bigla ng mapadako ang mata ko sa labi nya. Nakita ko syang ngumisi kaya kinurot ko sya. Hinampas ko sya at tinulak palayo sa akin.

"Bihis ka na Babe."

"Dito ka lang ba sa loob?" Tanong nya ng hindi pa rin tumatayo.

"Nope. Lalabas na din ako dahil nagpahinga lang naman ako saglit. Saka Ja keeps on calling me outside na para daw maenjoy namin 'tong fiesta." Sagot ko at tumayo ng alalayan nya akong tumayo.

"Okay! Wait for me outside *kiss forehead*"

Nginitian ko lang sya at tuluyan na syang tumalikod. Sinundan ko lang sya ng tingin at unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko ng mawala na sya sa paningin ko.

"Wag mo lang akong sasaktan Daniel dahil sa hindi inaasahan pagkakaton naibigay ko na ang lahat ng tiwala at pagmamahal ko sayo. At hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin oras na saktan mo ako. Baka hindi ko kayanin" Bulong ko sa sarili ko bago tuluyang lumabas at makipag-usap sa mga kamag-anak ni Daniel at mga kaibigan namin na parang walang problema.



Better Together ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon