una.

25 2 0
                                    

Genre: Romance, Poetry

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Genre: Romance, Poetry

Copyright © 2016 by proclaimedwriter

All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law. For permission requests, write to the author.

***

lumapit.

lumayo.

lumapit.

limot.

nasaktan.

tumakbo.

pasensya kana, mahal.


kamusta kana mahal?

naririto ako ulit sa dati nating tagpuan nagbabakasakali,

nagbabakasakali, na baka nandirito ka din,

nagbabakasakali na hanapin mo rin, magtanong tanong kung saan,

pero mahal, wala ka daw sabi nila, umalis ka daw para pumasok,

umuwi nanaman akong nag-iisa


tanda mo ba mahal, tuwing hinahatid mo ako pauwi?

tanda mo ba mahal, ang mga masasayang sandali?

tanda mo ba mahal, ang mga tahimik na sandali

tanda mo ba mahal, tanda mo pa ba?

sabihin mo naman mahal kung oo, para hindi ako magmukhang tanga dito kakahintay sa'yo


pasensya kana mahal

kasalanan ko

lumisan ng walang pamamaalam

lumisan ng walang mensahe

lumisan ng umiiyak

lumisan ng di nagpapakita


mahal naaalala mo pa ba yung ulap na itinuro ko sayo no'ng gabing iyon

no'ng gabing ginugol natin sa panunuod ng pelikula sa gitna ng malakas na ulan

sabi ko sayo, "alam mo ba gusto ko maging kagaya niya, malaya at walang takot lumipad"

sabi mo naman, "bakit hindi ka pa ba malaya?"

ngumite ako at tinanong sayo, "ano ba ang malaya para sayo?"

yumuko ka't wari'y nahiya, "yung ganito.. hindi nakadepende sa kahit kanino"

parang gusto kong maluha, "ako kasi hindi"

iniangat mo ang ulo mo at tumitig sa akin at nagtanong, "bakit?"

pinilit kong ngumite pero hindi umabot sa tenga, "aalis din kasi ako dito sa mga susunod na buwan. naalala mo naman diba hindi ako dito namamalagi"

nakita ko yung bahid ng sakit sa mga mata mo ng marinig ang sinabi ko. ngunit agad ka ding nakabawi, tumayo ka "gusto mo ba ng juice? may juice kasi ako dito e. saglit lang ha" tumayo ka at pumunta sa kusina, nagmamadali

pasensya kana mahal, di ko intensyon na malungkot ka

mabuti ng alam mo ng maaga kesa magulat at magtaka

pasensya kana mahal, maski ako nasaktan

mabuti ng alam mo ng maaga kesa magalit at magwala


bumalik ka ng nakangite pero hindi rin umabot sa tenga, parang pilit pa "eto ang juice, gawa ko yan" sambit mo

gustong tumulo ng mga luha ko, "salamat ha? salamat talaga" nakatitig ako sayo tumitig ka din

"wala yun, para sayo naman e"

napatitig ako sa pelikula at matapos ay sa bintana, napakalakas ng ulan, sumasabay ang panahon sa aking pagdaramdam

"ganito pala yung pakiramdam no? yung ang sakit sakit pero hindi mo mapigilan" humikbi ako, nakakainis umiyak nanaman ako sa harap mo

lumapit ka at inakap mo ako at sinabing, "iiyak mo lang andito lang naman ako palagi para sayo. kung saan ka masaya at kung saan gusto ni tita susupportahan kita, namin at marahil pati ang barkada mo" umakap ako ng mahigpit at humagulhol

"ansakit kasi e hindi ako handa na iwan kayo, iwan lahat to. parang habang buhay akong magsisisi"

hindi ka nagsalita pero naramdaman kong tumulo din ang luha mo,


at nung gabi ngang iyon,

sabay tayong umiyak,

tumawa, at bumalik sa normal na parang walang nangyari

mahal, salamat nga pala ha


pero mahal bakit gano'n,

sabi mo palagi kang nariyan para sa akin,

pero nang ako'y lumisan parang kay dali nalang sa iyong ako'y limutin

mahal, akala ko ba nariyan ka para sa akin?


mahal, nasaan ka?

streets and memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon