chapter 4: trouble,trouble

431 8 0
                                    

Si vherna po nasa gilid :)

Kasalukuyan akong nasa labas ng principals office ngayon.

Hindi ko makayanang pumasok, dahil baka......

HINDI KO MAPIGILAN PAGTAWA KO!

Bwahahahahaha!

Kawawang Kent, tinotorture na ni principal.

Nyahahahaha!

" aray ko po! tama na po maawa napo kayo sa akin! Araaaay! Aahhhhhh!"

"ahhhhhhhhhhhh tulooooong!"

Mga sigaw at pagmamakaawa ni Kent ay wa effect na kay principal.

Manyak kasi eh.

Bagay na yun sa kanya XD

"Vherna anong ginagawa mo dito sa labas ng principals office?"

"a-ah! Vice president! Ano, hinihintay ko lang si mr. Montecarlo"

Bakit Vherna tawag niya sa akin? Close kami? Duuuh..!

"siguro kayo na noh?"

"mr. Williams, ano bang pinagsasabi mo?" sabi ko with fake smile and fake laugh.

Bwishet! Ayaw ko talaga sa lalakeng ito. Ibang-iba ang aura eh. Parang laging may pinaplanong masama.

"Vherna i have something to ask you"

*ding,dong,dang,ding*

"ay! Uwian na! Next time na lang! Bye"

Then kumaripas na ako ng takbo.

Save by the bell.

I HATE THAT GUY.

Masyadong siyang misteryoso at feeling close.

Atsaka...

Masyado rin siyang GWAPO.

Nakakainis!

Chin up, stomach in, breast out. Pak!

Tumungo na ako sa classroom para kunin ang books at bag ko.

"bye president! Una na po kami"

"ahh sige bye. I-ready niyo na lang ang report bukas ha."

"sige po."

Wala na bang tao?

*tingin sa kanan, tingin sa kaliwa*

*sighs*

Chin down,stomach out breast....in ba? Ay ewan.

I need to relax. Mahirap maging president. Lahat ng estudyante may malaking expectations sa iyo. Kaya kailangan magpakitang gilas ka talaga. Nakakapagod din, lalo na kapag may mga nag-aaway. Kada uwian lang talaga ang time na nakakapag relax ako. Sa bahay kasi...

"hi Vherna! Sabay na tayo ng uwi! =^___^= "

Si Kent... BWISET.

"ayaw ko nga, baka manyakin mo pa ako." hmmmp!

"ehhhhh? Wala ka bang tiwala sa childhood friend mo? Ayieee huhuhuhu! T^T ganayan ka pala! Naalala ko nga noon nung abshsjfsusmw.."

Tinakpan ko ang bibig ni Kent gamit ang dalawang kamay ko.

"shhhhhh! Wag mo na ngang balikan ang nakaraan!"

Baka kung ano pang masabi niya, Masyado siyang MADALDAL!

"ehh ang history nga binabalikan pa natin! Kaya nga may A.P diba! Ano ka ba president!"

*pok!*

"shunga! World history yun kailangan pag-aralan eh yung atin walang kwenta!"

"eh pero.."

"manahimik ka nga!"

"sama ako sa iyo, sige na!"

"=____= tsssssss sige na nga! BWISET"

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

Tahimik kaming naglalakad sa daanan patungo sa bahay ko.

"witwew,witwew,witwew"

=___=++++

BWISET

hindi pala tahimik, kanina pa sipol ng sipol si Kent ng pang manyak.

Nakakainis at nakapamulsa pa siya, sabay lingon kaliwa then kanan. Parang baliw lang eh. Kaya naman binilisan ko ang paglalakad ko para siya ang nasa likuran ko at di ko siya masyadong marinig.

"Vherna..."

Nagulat ako ng bigla niyang tinawag ang pangalan ko.

"a-ano?"

"why cant you love me?"

*gulp*

"ano ba pinagsasabi mo?! Nakakainis ka na! Maka alis na nga!"

Binilisan ko ang paglalakad ko at nang makalayo na ako sa kanya nakahinga ako ng malalim. Ano ba naman kasi pinagsasabi niya? Asking those questions out of the blue!

Patuloy pa rin ako sa paglalakad ko. Medyo dumidilim na rin at malayu-layo pa ang bahay namin. Nakakaramdam na ako ng konting takot. Isolated kasi tong part na ito. Wala masyadong tao atsaka ang dami pang puno at ang haba haba ng mga damo. Parang anytime may panganib na nakaabang sa iyo.

NATATAKOT AKO.

mas Binilisan ko na lang ang paglalakad ko at nagulat ako ng biglang may mabigat na kamay na humawak sa balikat Ko! O_______O

"k-kent?..."

kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!

Inlab si BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon