Nice To Meet You

3.4K 182 6
                                    

Dapat ba akong mag-sorry kay Callix? Feeling ko naman okay na sya mamaya. Atsaka sigurado wapakels naman 'yon sa sasabihin ko. Tama! Kaya hindi ko na sya pupuntahan. Yung road manager-slash-assistant na lang nya ang pupuntahan ko para makuha ko ang schedule namin ngayong buwan. Pero saan naman kaya yung office nila dito?

Palakad-lakad pa ko sa hallway ng maabutan kong bumukas ang elevator at may lalaking sasakay.

"Kuya! Kuya, wait lang!" Nagsisisigaw akong tumakbo papunta sa elevator.

Pagkapasok ko lang napansin na si Logan pala ang kasabay ko. Tinitigan ko sya habang nakatingin lang sya sa pinto ng elevator.

"Kuya, anong floor dito yung sa mga road manager na office?" Tanong ko sa kanya.

Hindi sya sumagot at pinindot lang ang button number 15.

"Ang sungit naman ni kuya." I mumbled.

Bigla naman humarap sa akin si Logan at kinunotan ako ng noo.

"Wag mo ko tawaging kuya. Hindi kita kapatid. Kapatid ko lang ang pwede sakin tumawag ng kuya." Para lang akong batang pinapagalitan sa paraan ng pananalita nya.

Nakagat ko naman ang labi ko sa takot. Mainit ata talaga anf ulo ng mga tao dito. Nakatingin sya sa mga mata ko na siguradong nanlalaki sa kaba at takot. Nagulat ako ng biglang huminahon ang muka nya. Para syang may nakita sa mga mata ko na nagpaliwanag sa isip nya.

"Ikaw si Logan diba? Kapatid ka ni Samuelle? Iyong babaeng pinagaalayan ng luha at dugo ni Callix?" Parang walang preno na naman ang bibig ko sa paglabas ng mga nasa isip ko.

"Yes. I am Sam's favorite sibling." He said sternly habang nakatingin pa din sa mata ko.

Tumango ako ng bahagya.

"Ahhh... atsaka ikaw din ang kontrabida sa relasyon ni Audrey at JP..."

"What did you just say?!"

Napasinghap ako sa pagsigaw ni Logan.

"Ha?! Wala! Ano... wala!"

Bigla namang bumukas ang pinto ng elevator kaya lumabas na ako at nagmamadaling naglakad palayo. Shit! Nasabi ko ng malakas. Tang ina talaga! Kasalanan 'to lahat ni Callix eh! Kulang ako sa tulog kaya ako nagkakaganito! Impakto talaga yung hayop na iyon eh!

Nagulat ako nang may biglang humablot sa braso ko at kinaladkad ako papuntang fire exit.

"Hoy! Bitawan mo ko! Joke lang naman yung sinabi ko eh! Wala akong alam!" Nagpupumiglas pa ko sa mahigpit na pagkakahawak ni Logan sa braso ko.

Umakyat pa kami ng hagdanan hangang makarating kami sa rooftop. Doon lang nya ko binitawan.

"Sino ka ba?" Tanong ni Logan sa akin na parang nauubusan na sya ng pasensya.

"Sampaguita Alvaro. Gitarista ni Callix. Pishbolan owner." Sabi ko agad.

"Bakit kung magsalita ka parang ang dami mong alam tungkol sa amin?"

"Hindi ko alam! Binabasa ko lang kung anong nakikita ko. Wala talaga akong alam!" Bakit parang naiiyak ako sa takot sa kanya. Hindi sa takot na baka saktan nya ako o ano pa man. Parang natatakot akong magalit sya sa akin.

"At iyang mga mata mo, kung makatingin, parang hinuhukay ang pagkatao ko."

"Aba malay ko! Hindi ko naman alam ang itsura ng mata ko kapag tumitingin sa mga tao."

"That look in your eye reminds me of someone I know and miss very much..." Logan sighed and sat on the ground. Sumandal pa sya sa pader. Muka syang pagod. Malungkot. Talunan. Kawawa naman sya.

Out Of The WoodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon