Callix and I eventually became drinking buddies. Iyon daw ang gusto nyang paraan ng pagluluksa- ang uminom ng uminom.
"Punyemas naman, Callix. Di naman pagluluksa ang tawag sa ginagawa mo eh. Kung gusto mo lang pala sunugin iyang atay mo, sana sinabi mo na lang sakin. Wawakwakin ko na lang yang tyan mo, tapos sisilaban ko yung atay mo. Gusto mo ba nakatuhog sa stick?" Nayayamot na tanong ko sa kanya.
Nasa bar na naman kami na pag-aari ng pinsan niya na si JP. Pagkatapos ng mall show namin kanina, nag-aya na agad sya papunta dito.
"Pag kasi umiinom ako na kasama ka, hindi ko masyado naiisip si Samuelle. Kwento ka kasi ng kwento ng kung anu-ano. Tapos niraratrat mo ko ng mura na pang around the universe. Kahit kapangalan mo sya, magkaibang-magkaiba kayo. Hindi ko sya gaanong naaalala pag kainuman kita."
Ayan na naman ang puso ko. Palpitation ba 'to? Sa isang buwan kasi na naging gawain namin na mag inuman para sa "pagluluksa" nya, may mga bagay syang hindi sinasadyang sabihin o gawin na nakakapagpatakbo ng matulin sa puso ko. Minsan para akong hindi makahinga. Parang naninikip ang dibdib ko. Ayaw ng utak ko na maramdam yun, pero ang puso ko nag-aadik.
"Papaalala ko lang sayo na kaya ako sumasama sayo ay dahil sa libreng alak." Pinagbanga ko pa ang bote ng beer na hawak ko sa bote nya atsaka uminom.
"Alam ko. Alam kong ginagamit mo lang ako." Lumagok naman din si Callix.
"Pakshet ko to Cassiopeia and back. Alak lang ang napapala ko sayo noh. Maliban dun, wala na kong makukuha sayo." Sumbat ko sa kanya.
"Speaking of," Dumiretso ng upo si Callix at sumeryoso ng muka. "Nawalan na naman ako ng brief. Pang limang beses na yun ngayong buwan."
"Kadiri ka! Kung saan-saan mo kasi iniiwan. Baka kinukuha yun ng mga babae mo tapos ginagawang key chain."
Nagsalubong ang kilay ni Callix. Nagulat ako ng bigla nyang kinuha yung bag ko at tinignan mabuti habang iniikot-ikot. Pati yung loob tinignan din nya.
"Wala naman eh." Sabi nya at ibinalik sakin ang bag ko.
"Anong wala?" Kinuha ko iyon at inilagay sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Wala namang keychain. Saan mo ba tinago? Pina-frame mo ba?" Tanong nya.
Ano bang pinagsasabi nitong impakto na 'to? Anong itatago ko? At anong keych-
"Ay! Punyeta ka talaga!" Hinampas ko sya sa braso. "Unang-una, hindi mo ko babae! Pangalawa, wala akong interes sa brief mo! At higit sa lahat, kadiri ka to Big Dipper!" Tuloy lang ang paghampas ko sa kanya.
Natigilan lang ako nang mapansin ko na tumatawa sya. Tawang humahalakhak. Ang lalaking emo, hagalpak na ang tawa. Malayo sa Callix na una kong nakilala.
Tumawag sya ng waiter nung naubos na ang tawa sa katawan nya. Umorder pa sya ng isang bucket.
"Pero seryoso nga. Saan kaya napunta yung mga brief ko? Bilang ko yun eh. Alam ko kung ilan ang nasa bag ko at kung ilan ang nasa bahay ko. Alam ko din kung ilan yung nasa bahay nila Mama. Pati nga yung medyas ko na may design na Captain America nawawala."
"Kailan ba nagsimula na nawawalan ka ng gamit?"
"Simula nung pumasok ka sa Revert."
"So ako talaga ang prime suspect?" Tinaasan ko sya ng kilay.
"Innocent until proven guilty." Ngumisi pa si Callix sakin.
BINABASA MO ANG
Out Of The Woods
RomanceWhere do I go from here? She said that I was the keeper of her soul- I was her soulmate. She looked into my eyes and found herself when she felt lost. She's gone now, and I never felt so lost and hopeless more than I am now. I'm the keeper of her so...