"Ano?! Gitarista ni Callix?! Ate! Pumayag ka na!"
Heto na naman si Gumamela, feeling ko talaga, tuwing nagsasalita siya ay napupuno ng exclamation point ang paligid ko. Nasa loob kami ng food van noon sa harap ng UP Manila. Busy ako sa pagtitinda ng mga street foods habang ang kapatid ko ay walang ginawa kundi ang yakapin nang yakapin ang sandok na hawak niya.
"Isipin mo, Ate Sampie, araw - araw makikita mo ang hubad na katawan ni Callix at kasama mo siya sa tuwing magpe-perform siya, shit! Iyong collar bone ni Callix! Ang sarap i-lick!"
I made a face. Wala na akong narinig kundi Callix, Callix, Callix! Kulang na lang ay sumigaw ako nang Si Callix! Si Callix na walang malay! Pero ang weird niya talaga. I find him so weird lalo na noong tanungin niya ako nang Are we there yet chuchu niya. He's just too weird.
For example, his eyes are empty. Hindi ko alam kung bakit iyon ang una kong napansin sa kanya but it's empty and I want to know why. But I shouldn't care because he's weird and caring isn't my thing.
"Why would I even think about his collar bones?" I looked at my sister who's probably on day dreaming mode now. I just shook my head. Inayos ko ang orders na nasa harapan ko at nang matapos ay binigay ko na iyon sa mga estudyante sa harapan ko.
"Ate Sam, ngiti ka naman diyan." Sabi sa akin noong isa. Tinaasan ko lang siya nang kilay tapos ay tumalikod na ako. Hinubad ko ang apron ko at nagbilin kay Gumamela na asikasuhin ang negosyo nami. Pupunta kasi ako ngayon sa Revert Records. Iko-close ko na iyong deal doon. Naisip ko na good for business din naman ang sitwasyon namin ng Audrey na iyon.
Sumakay ako sa bus at nang nasa byahe na ay sinubukan kong matulog kaya lang hindi naman ako mapakali kaya nanood na lang ako ng tv. Habang nakatingin sa screen ay ipinalabas ang commercial noong Callix na iyon - iyong litaw ang brief niya. Hindi sinasadyang napatitig ako sa collar bones niya. Naisip ko nga rin ang sinabi sa akin ni Gumamela pero mabilis kong binawalan ang sarili ko nang maintindihan ko kung anong iniisip ko. Hindi pwede. Hindi ako magnanasa sa isang tao kung ganoon lang.
Tapos na ako sa ganoon. Hindi na ako mag-iisip nang hihigit pa sa ikabubuhay ko sa loob nang araw na iyon. I never want to look forward to the future. It sucks planning your life and suddenly, everything will be taken away from you.
Hearts will break. Walang forever. Walang happy ending. Sa fairytale lang iyon.
Nang makarating ako ay agad kong hinanap ang office nang Audrey na iyon. Inihatid naman ako ng guard. Nasa third floor ang office niya. Ang una kong napansin ay ang litrato ng isang babae sa gitna mismo ng wall sa loob ng private office na iyon.
"That's Rika. She used to be the one in my place but she died years ago. She died giving birth to her baby boy."
Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Audrey sa likuran ko. I tried to smile at her pero tried lang, hindi kasi ako talaga sanay na ngumiti, kait noon pa. She shook her head.
"I guess, tinatanggap mo na ang offer ko..."
"Oo, pero paano kasi iyong store namin?"
"Kinausap ko na iyong management ng cafeteria, kapag pumirma ka ng kontrata, pwede mo na ring ipasok ang store mo dito." Paliwanag niya sa akin. Ganoon naman pala ang usapan. Agad kong kinuha ang papers na hawak niya. Mabilis kong binasa iyon. I was just looking for the store's name at nang makita ko ay agad kong pinirmahan ang kontrata. Wala naman talaga akong pakialam sa pagiging gitarista. Binalingan ko iyong Audrey pagkatapos.
"Saka pakilagay na bawal akong kausapin ni Callix kapag hindi kami nagtatrabaho." Malamig na wika ko. Audrey laughed.
"Ayaw mo talaga sa kanya ano? Well, it's okay. Mas may gap kayo mas okay. Mas panatag akong hindi ka niya mabu-bully. Welcome to Revert, Sam." She smiled. Napansin kong bigla siyang natigilan. "God, I missed saying that name." Para bang natulala siya. She sighed.
BINABASA MO ANG
Out Of The Woods
רומנטיקהWhere do I go from here? She said that I was the keeper of her soul- I was her soulmate. She looked into my eyes and found herself when she felt lost. She's gone now, and I never felt so lost and hopeless more than I am now. I'm the keeper of her so...