Are We There Yet?

4.2K 219 34
                                    

"Ahh!!!!"

Halos mabingi ako sa sigawan ng mga tao habang papasok sa mall na iyon. Hatak-hatak ako ng kapatid kong si Gumamela na para bang mauubusan ng daan sa sobrang bilis ng kanyang takbo. Hinihingal na siya at lahat pero hindi pa rin siya tumitigil.

"Ate, bilisan mo! Kailangan kong makita si Callix at ang perfect dashboard niyang abs, pati na rin ang jawline niyang nananampal!"

"Bitiwan mo nga ako, Gumamela! Kung gusto mong makipag-gyerahan para lang sa taong hindi mo kilala, sige lang pero hindi ako sasama sa'yo!"

Binitiwan niya ang kamay ko. Humarap siya sa akin.

"Ate, kailan ka ba babalik? Hindi ka naman ganyan. Alam kong galit ka kay Kuya Kenny - sorry kay Kenny walang bayag pero h'wag mo namang idamay ang buong mundo sa galit mo sa kanya. Life is beautiful, life is colorful, you should appreciate it - lalo na sa kaso mo."

Tinitigan ko siya at umakto akong walang narinig. Inunahan ko na siya sa paglakad. Wala naman na akong magagawa kundi ang sumama sa kanya. Nagulat ako nang yumakap siya sa akin mula sa likod. Pinalis ko siya. Ayoko ng yakap. I don't think I like physical things anymore.

"Ayan na siya!" Napasigaw si Gumamela nang makita sa gitna ng stage ang isang lalaking matangkad, Moreno, gwapo daw at maganda ang boses. Kumakanta siya hawak ang isang gitara.

Nakapikit siya habang nagwawala naman ang mga tao sa paligid niya.

Isipin limutin

Bakit di magawang ika'y lisanin

Pilitin, sabihing hanggang dito na lang

Abot tanaw, ako'y natutunaw

Mga mata ko'y naliligaw

Sa sikat ng iyong araw

Pag-asang unti-unting natutunaw

Malungkot iyong kanta niya. Gusto ko ang naririnig ko. I like sad things because I believe that I will never be happy. I believe that I am destined to fade to black. Iyon ako.

I once had everything. A well-paid job, a perfect set of friends and the perfect fiancé pero minalas ako at nawala sa akin ang lahat ng iyon dahil sa isang aksidente.

Two years ago, I was in a car with Kenny. Pauwi na kami galing ng Tagaytay. We had a very romantic get-away. Niayaya na niya akong magpakasal. He said that I am the girl of his dreams and that he wanted to spend his lifetime with me. Mahal na mahal ko si Kenny at pangarap kong bumuo ng pamilya kasama siya. Napakasaya ko. Walang mapagsidlan ang galak.

Ibinigay ko sa kanya ang aking sarili. Pakakasalan naman na niya ako. Dama kong mahal na mahal niya ako. Kinabukasan ay lalo kong naramdaman ang pagmamahal na iyon tuwing tinitingnan ko ang singsing na bigay niya sa akin at sa tuwing hahawakan niya ang kamay ko at hahalikan iyon.

Everything is perfect. Iyon nga lang, habang nagmamaneho pauwi ng Manila ay naaksidente kaming dalawa. Sumalpok kais a isang kotse na iniwasan niya kaya tumama kami sa mga puno sa sidewalk.

Iyon lang ang huli kong natatandaan.

Dalawang araw matapos ang aksidente ay nagising ako.

Nagising ako sa isang madilim na mundo.

I lost my eye sight because of the accident but that's not the only thing I lost. I lost the perfect life I'm living. Kenny broke up with me because he said he couldn't take care of a blind girl. My world fell apart. Napakasakit.

Out Of The WoodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon