Chapter 2: Encounter ✔

14.3K 493 6
                                    



NANG makauwi ako, ibinagsak ko kaagad ang sarili ko sa kama ko. Hays. Nakakalungkot talaga kapag mag-isa. Oo nga't nandyan si Kaleel pero... sa kabilang bahay pa siya. Tss.

Tumihaya ako ng higa at tumingin sa kisame. Ngayon ko lang napansin na may butas na pala yung bubong ng bahay na 'to. Buti na lang talaga at hindi tag-ulan ngayon. Kung hindi eh basa na 'tong higaan ko.

"Heily? Heily?" Aist. Ano na naman kayang kailangan nitong si Kaleel? Tingin ko nasa sala siya.

Well, okay lang naman sakin na lagi siyang nandito dahil welcome na welcome naman siya dito eh. Wag lang talaga yung ganyan na papasok siya na hindi man lang kumakatok. Dahil ayoko nang maulit pa yung dati na bigla na lang siyang pumasok ng hindi kumakatok at sakto namang kalalabas ko lang banyo at nakatapis ng twalya. Hays. Ang epic talaga nang pangyayaring yun. Buti na lang talaga napalutang ko siya agad palabas ng bahay.

Bumangon na ko sa higaan ko at nilabas siya.

Naabutan ko siya sa kusina at nag-aayos sa lamesa.

"Ano yan?" tanong ko.

"Syempre. Pagkain natin. Ano pa ba?" sagot niya.

"Natin? Don't tell me dito ka kakain?"

"Ganun na nga. Ayaw mo ba?"

Napailing na lang ako saka naupo na sa harap niya. Psh. Lagi na lang siyang ganyan. Inuuna niya pang mag-alala sakin kesa sa sarili niya. Hay. Napakarami ko ng utang na loob sa kanya. At hindi ko alam kung paano makakapag-bayad.

"Nga pala. Anong oras tayo pupuntang Ilashira bukas?" tanong ko.

"Maraming taong pupunta bukas. Kaya dapat siguro agahan natin para hindi siksikan sa tren" sagot niya.

Hm. Tama nga naman. Sigurado na yun na maraming tao dun. Idagdag pa na pupunta din yung taga S.A para makisaya.

S.A... Tss. Malaki ang chance na makita ko siya dun.

Ang tinutukoy ko ay yung kapatid kong si Marcus. Nabalitaan ko kasi na sa S.A na siya nag-aaral. Sa pagkakaalam ko middler na siya.

Ayokong makasalubong siya dun dahil wala akong mukhang maihaharap sa kanya matapos yung pag-iwan ko sa kanya. Hays.

"Siguro pupunta tayo dun ng mga 8am or 9 para maaga" sabi pa niya sa pagitan ng pagnguya.

"Salita ka ng salita dyan. Lunukin mo muna yang kinakain mo. Kapag ikaw nabil—" bago ko pa matapos ang sasabihin ko, nabilaukan na talaga siya. Tss. Sabi na eh. Dali-dali akong kumuha ng isang basong tubig at binigay sa kanya.

"Ano? Magsasalita ka pa habang kumakain?" I said to him. Umiling-iling siya bilang sagot.

Pero... 8am or 9?? Kaya ko bang gumising ng ganun kaaga? Normally kasi 9:30 or 10 na ko nagigising.

Hm. Bahala na.

*****

TUMINGIN ako sa salamin kung saan kita ang kabuuan ko. Umikot pa ko para masigurong ayos na 'tong suot ko. Gray long sleeve na mukhang sweater na hanggang kalahati ng hita ko ang laylayan, black leggings... and shoes.

Hm. Sa Ilashira lang naman ang tungo namin eh. Okay na siguro 'to. Kinuha ko na yung sling bag ko at lumabas na ng kwarto. Kanina pa ko hinihintay ni Kaleel sa sala eh.

"Hay sa wakas at natapos ka din" bungad sakin ni Kaleel.

Wow ha. Para namang napakatagal niyang naghintay eh mga five minutes lang naman.

S.A Academy - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon