Chapter 9: Warning ✔

8.4K 331 17
                                    

Ano bang mas masaklap na part sa buhay ng tao?
Kamatayan? Nope. Siguro yung paraan ng kamatayan. Lahat naman ng tao namamatay eh.

Don't mind it. Wala kasi akong magawa kaya kung ano-anong pumapasok sa isip ko.

Anyway, heto na naman ako sa boring na part ng pananatili ko dito sa S.A academy. Nasa loob ng kwarto at nakahilata at walang magawa. Gabi na rin kasi at katatapos lang naming mag-dinner nila Sandra at Kaleel.

Konti na lang at mapagkakamalan ng bakla si Kaleel dahil kaming dalawa lagi ni Sandra yung kasama niya.

Tumayo ako at kinuha yung black jacket na nasa sofa at lumabas.

Magpapahangin at maglalakad-lakad muna ako sa labas para hindi maboring dito sa loob.

Sa totoo lang, mukhang ganito talaga ang uri ng pamumuhay dito sa S.A

Sobrang boring. Mas maganda pa talaga dun sa bayan eh saka sa eskwelahan. Malaya kami at hindi nalilimitahan ang gagawin namin at lahat pwede naming gawin basta hindi labag sa batas. Hay. Nami-miss ko na yung dati kong buhay.

Mula sa sixth floor... fifth floor... third floor... second floor... and finally first floor.
Nakakangawit din sa paa, kapag bababa ka.

Lumabas ako sa main door at nagsimula ng maglakad-lakad. Sa tapat ng fountain..., sa garden..., hanggang makarating ako sa lake.

Naupo ako sa gilid ng lake sa damuhan at nagmuni-muni.

Ang lakas ng hangin. Sa bawat pagdampi nito sa balat ko, nakakaramdam ako ng kilabot.
Parang dala ng hangin ang bawat paghihirap ng mga tao.

Napayakap ako sa tuhod ko ng bigla at napabuntong-hininga.

Naalala ko na naman si Mama. Laging sinasabi ni Mama na kahit wala siya, dapat maging responsable ako. Lagi kong babantayan yung nakababata kong kapatid na si Marcus. Three years younger siya kesa sakin.

I'm sorry Mama... dahil hindi ako naging responsableng kapatid.. bulong ko sa sarili.
Sobrang close ko sa kapatid kong yun.. parang kami lang ni Kaleel. Pero mas close ako sa kapatid ko.

Hindi maiiwasang magkatampuhan kami, pero never pa kaming nag-away na dalawa. I know na... tulad ko, may kinikimkim din siyang sama ng loob kay Papa dahil sa paghihigpit nito. But he have no choice but to obey our father. Ako lang naman yung malakas ang loob saming dalawa eh. Kaya ko nga nagawang maglayas.
Pero kahit na ganun si Papa, namimis ko siya. Namimiss ko sila ng kapatid ko.

Psh! Nainis na ko ah. Lintik na yan! Kanina ko pa nararamdaman na may nakatitg sakin. Sino ba yun?

Nauna yun sakin dito. Pinakiramdaman kong mabuti yung presensya ng taong nakatingin sakin.

Guy? But he is not Kaleel.
Nakaupo lang yun sa puno sa gilid ko.
Alam ko yung presence na yun pero hindi ko gaanong makilala kung sino. Pero kilala ko siya. Si... *isip-isip* ... Sino nga ba yu- *brain blast*

Naalala ko na. Yun yung presence ng hinayupak na lalaki na nakilala ko. None other than Michael.

Kumuha ako ng bato at ibinato sa tubig. *sigh*
Almost nine thirty na. Siguro tulog na si Kaleel, gusto ko sana siyang puntahan kanina, but I guess na baka nagpapahinga na siya at ayoko naman siyang maistorbo.

Sa sobrang inis ko dahil sa pagka-bored, napahawak ako sa malaking bato at ibinato sa tubig.

"Nakakainis naman!" asik ko at napasandal ang noo ko sa tuhod ko. Yung isa ko namang kamay, pinagbubunot ko yung halaman na malapit sakin.

S.A Academy - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon