Chapter 20: Marcus ✔

7.3K 317 2
                                    

[Edited: New version of Chapter 20]

°°°°°

Nabalitaan namin mula kay Ms. Jem na lilipat pala ng school si Denisse.

At syempre, sobrang tuwa namin ni Sandra nung malaman namin yun. Bukod sa wala ng aakit kay Kaleel at Brylle, eh mababawasan yung tinik sa lalamunan namin ni Sandra. Mababawasan lang dahil si Janice nandyan pa eh. Siya kasi yung main tinik kaya mahirap bunutin.

Anyway, nasa labas kami ngayon dahil ngayon ang alis ni Denisse. Kung hindi ako nagkakamali eh... sa Jeleivrin yata siya lilipat. Tahimik lang kami habang masinsinang nag-uusap sina Denisse at Janice. Usapang twin ika nga.

"Mag-iingat ka dun Denisse ah" sabi ni Janice sa kapatid habang hawak siya sa pisngi.

"Sila ang mag-ingat sakin, Ate. Hihihi" at naghagikgikan ang kambal.

Sinabi ni Denisse yun sa napakahinang boses pero narinig ko pa rin. At alam kong ganun din si Sandra.

Tama. Mag-ingat sila sayo. Lalo na yung mga gwapong lalaki na may girlfriend na dahil isa kang malaking ahas. Ahas na tutuklaw sa kanila anumang oras. Pucha. Ah may isa pang tawag sayo. Isa kang malaking linta. Letse kang babae ka. Di mo pa sinama yang kambal mo na manang-mana sayo. Dahil parehas kayong ahas at linta! Bwisit!

Gustong-gusto kong sabihin sa kanya yan pero hindi pwede at isa pa nagtitimpi ako kahit na ang lagkit ng tingin niya kay Kaleel at Brylle. Hindi ako nagseselos okay? Sadyang bwisit na bwisit lang talaga ako sa kambal na yan simula pa lang. Kuu! Sarap hampasin ng sapatos saka itapon sa ilog.

"Ay. Bago nga pala ako umalis..." sabi pa ni Denisse saka lumapit kay Kaleel at Brylle. Nagulat kami sa ginawa niya. Hinalikan niya si Brylle sa cheeks. Tapos bumaling siya kay Kaleel sabay halik sa lips. And take note, NAKATINGIN pa siya samin niyan na parang iniinggit kaming dalawa ni Sandra.

Ha! Bwisit! Pucha! Sarap talagang hampasin ng matigas na bagay yung pagmumukha nito sa sobrang kapal talaga ng mukha! Dinaig pa yung kakapalan ng lupa. As in kasing kapal ng earth's crust yung mukha niya. Sana masunog sa mantle. Hay! Kumukulo yung dugo ko.

"Dadalaw na lang ako dito.. ARAW... ARAW..." sabi pa ni Denisse bago sumakay ng kotse. Talagang pinag-diinan niya yung salitang araw-araw ah. Ha. Tignan ko lang kung makabalik ka pa dito. Aalis ka pa lang, wala ka ng masasakyang bwisit ka!

Bago pa umalis yung kotse, pumunta na si Kaleel sa likod ng puno at dun sumuka. Yuck. Dahil siguro yun sa halik ni Denisse sa kanya. Kasi maski siya hindi niya masikmura yung pagdikit-dikit sa kanya ni Denisse eh.

"Uy Brylle? Saan ka pupunta?" tanong ni Lance ng makitang pasimpleng umaalis si Brylle.

"Ah eh..." tumingin siya sakin. Hawak niya yung pisngi niyang hinalikan ni Denisse habang pinupunasan ng panyo. "M-maghihilamos lang ako" paalam niya.

"Brad hintay!" tawag sa kanya ni Kaleel saka lumapit.

"Ikaw Kaleel? Saan ka pupunta?" tanong naman sa kanya ni Merliyah.

S.A Academy - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon