Chapter 4: S.A Academy ✔

11.8K 399 17
                                    


NAKAPAGPAALAM na kami ni Kaleel sa mga magulang at kapatid niya kaya dumiretso na kami dito sa school. Sabi kasi nung kasama nung lalaking masama ang ugali kahapon ay dito nila kami susunduin. Hindi na kami nagdala ng gamit o mga damit kasi sabi naman ni Michael kahapon ay may mga gamit na din daw kami sa magiging kwarto namin saka yung mga uniform namin. So dahil ganun naman ang sinabi nila... oo na lang.

Pero hindi ko akalaing kaming dalawa talaga ang pipiliin nila na makakapasok sa S.A. But at the same time, hindi pa rin mawala-wala sa pakiramdam ko yung feeling na may pakay yung S.A sa pagpili o paghahanap ng dalawang scholar nila.

"Ayos ka lang Heily?" tanong ni Kaleel. Pagdating namin sa school, sinalubong kami ng mga kaibigan namin. Awts. Marami din kaming maiiwan dito. Pero kahit naman umalis kami dito sa eskwelahan, hindi pa rin naman pwedeng hindi kami bibisita dito eh. Siguro tuwing weekends dadalaw kami dito.

"Syempre naman. Pero iniisip ko lang yung paglipat natin sa S.A. Di rin biro ang pag-aaral natin dun. Given na yung araw-araw ko nang makikita yung pagmumukha nung Michael na yun. Kuu! Siguradong araw-araw din akong ha-high blood-in dun dahil sa lalaking yun" saad ko na may halong inis.

"Psh! Hayaan mo na lang siya. Yaan mo, ako ang guardian mo dun" sabi pa ni Kaleel sabay tapik sa balikat ko.

Duda ako sa sinabi niyang yun.

"Wow. Coming from you Kaleel! Nilampaso ka nga nun sa bayan eh" hirit ko pa.

"Tulad nga ulit ng sinabi ko nun, nabigla lang ako nun. Grabe ka ah!—"

"So ano? Magku-kwentuhan na lang ba kayong dalawa dyan maghapon?"

Sabay pa kaming napatingin ni Kaleel sa nagsalitang yun. Si Brylle pala. Isa siya sa S.A team. Bale ang S.A team ang lalahok sa nalalapit na Ability Tournament, mga anim na buwan mula ngayon. Atsaka kasama din kasi siya ni Michael kahapon dito na pumili samin kaya nakilala ko siya. Pero kailan pa sila dumating? Di man lang namin namalayan na dumating sila. Sila as in kasama niya ulit si Michael at Lance.

"Kung iniisip mo kung kailan pa kami dumating, kanina pa. Talagang busy lang kayo sa pagku-kwentuhan kaya hindi nyo napansin. Uy! Uy! Tanda nyo pa ba kung anong pangalan ko? Kung hindi na magpapakilala ulit ako. Ako si Lance" saad naman ni Lance. Ang kulit nya talaga saka.... madaldal. Kahapon pa yan eh. Hindi kami makaalis ni Kaleel dahil sa haba ng kwento niya. Kwentong walang katapusan. Kung hindi pa kami sinenyasan ni Brylle na umalis na habang nakatalikod na nagkukwento si Lance, hindi pa kami makakaalis eh. Kuu! Grabe talaga yun.

"Aist. Oo na, kilala ka na namin" sabi ko na lang.

"So tara na?" Yaya ni Brylle. Napakibit-balikat na lang ako at pumasok na sa loob ng kotse. Sa kabilang pinto naman pumasok si Kaleel. At kasunod ko namang pumasok ay si Brylle. Pumasok na din yung dalawa at sa driver's seat si Lance. Malamang siya yung magda-drive.

"So, habang papunta tayo sa S.A, magkuwento naman kayo ng tungkol sa inyo. At pagkatapos, kami naman ang magku-kwento" saad pa ni Brylle.

Magkwento? Ano bang dapat ikwento? Kung pa'no naungusan si Michael nun sa bayan? Pero syempre hindi ko yun sasabihin dahil gusto ko pang mabuhay. Isa pa, ayokong makipag-away ngayon dahil mabu-bwisit lang ako.

"Sixteen years old ako nung mapunta ako dito sa Xinfrilla. Bale 2 years ago yun. Tumira ako sa Lola ko. Si Lola Neri..." umpisa ko.

"Wait. Bago yan, yung mga magulang mo? Nasaan?" tanong ni Lance. Di rin siya FC? Pero sinimulan ko na ding magsinungaling kaya tatapusin ko na.

"Ah sila ba. Ewan ko, hindi ko alam"

"Ha??" - Brylle.

"Ah basta! Wag na maraming tanong. Ayoko na ngang magkwento. Yan na lang si Kaleel pagkwentuhin nyo dahil mas madrama buhay nyan kesa sakin" inis na sabi ko. Ayoko kasi yung nagkukwento ako tapos ang daming nagtatanong.

S.A Academy - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon