Chapter 30: Merk ✔

7.3K 275 49
                                    

[Edited: New version of Chapter 30]

°°°°°

TULALA ako habang kumakain kami sa dining hall kinaumagahan. Hindi kasi maalis sa isip ko yung napag-usapan namin ni Astron eh. Tss. Hindi ko alam kung bakit mas gusto ko siyang tawaging Astron kesa may kasamang Sir or Mister. Naalala ko ang pangalan niya, yung buo.

Astron Sterre.

Pangalan pa lang weird na. Atsaka paborito din niya 'yong librong paborito ko din at mahilig din siya sa bituin.

May mga pagkakapareho kami pagdating sa mga gusto namin.

"Heily?"

"Hm?" tugon ko nang tawagin ni Michael ang pangalan ko. 'Non ko lang napansin na nakatingin na pala silang lahat sakin. "Why?"

Bumuntong-hininga si Michael bago muling nagsalita. "You're quiet. What were you thinking? And where did you go earlier? I didn't see you when I woke up"

Nosebleed. 'Ke aga aga eh english. Pinagmasdan nila akong lahat at hinintay ang sasabihin ko. Wala na nga pala si Michael nang bumalik ako sa kwarto kanina.

"Napaka-aga kong nagising kaya naglakad-lakad na muna ako. Nandon lang ako sa garden, sa tapat ng maze..." sagot ko ngunit tila hindi sila kontento. Napabuntong-hininga ako. "Nagka-usap kami 'don ni Astron Sterre"

Kumunot ang noo nila sa huling nasabi ko.

"Astron Sterre? Si Astron na bisita dito?" pangungumpirma ni Sandra. Tumango ako.

"Hm. Galing siya sa loob ng maze. Tinignan yata kung mahusay pa rin siya sa paggamit ng ability niya kung saan nalulusutan niya ang mga bagay-bagay kahit maraming pasikot-sikot" napangiwi ako nang maalala ang eksaktong sinabi niya. Makahulugan 'yon pero ayon ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya.

"Nakausap ko din siya ng isang beses. And you know what, Heily? May mga pagkakapareho kayo ni Astron" saad ni Sandra na tumigil pa sa pagkain.

Napatingin ako sa kanya. "Napansin ko nga"

"Tulad ng ano?" tanong ni Kaleel.

"Parehas silang paborito ang Myth of the Star na libro saka pareho silang mahilig sa mga bituin. Nabanggit niya sakin na his hobby is to gaze at the stars every night... parang si Heily" nakangiwing sabi ni Sandra.

S.A Academy - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon