Chapter 28: Myth of the Star ✔

6.3K 233 14
                                    

[Edited: New version of Chapter 28]

°°°°°


Heily's POV

Para hindi mahirapan ang mga kaibigan ko ay nagpasya na kaming tumulong ni Michael sa pagro-ronda nila. Sa loob ng Academy kami nakatoka ni Michael dahil bukod sa kapwa estudyante lang namin ang nakakasalubong namin ay madali naming makikita kung may makakasalubong man kami na kakaiba ang kinikilos. Bukod pa sa lahat ng tao ay nasa labas.

"What if... makuha ng mga witch na 'yon ang bata? Kusa ka talagang sasama?" tanong ni Michael nang huminto kami sa dining hall. Ginutom kami eh kaya dito kami dumiretso.

"Ga'non na nga. May isang salita ako. Alam mo 'yan" sagot ko.

Napabuntong-hininga siya. "I'm not going to allow you"

"Alam ko. Pero kung hindi ako sasama, paano 'yong bata? Oo nga't malalabanan ko sila pero paano kapag nakatakas sila? Hindi ko naman alam kung saan ang kuta nila at walang oras para alamin dahil nakatakas na sila. At ginagawa nila ang ritwal tuwing kabilugan ng buwan para maging mabisa ito which is sa susunod na linggo na. Obligasyon ko ang batang 'yon" Hindi siya naka-imik kaya naman nagpatuloy ako sa pagsasalita habang kumakain. "Besides, kung tuso ang mga witch ay mas tuso ako"

Saka pa lang siya nag-angat ng tingin dahil sa sinabi ko. "You have a plan, then?"

"Ah huh. Seryosong bagay na 'to at may buhay na dawit dito kaya hindi pwedeng wala akong plano" sagot ko.

"Can I know what is it?"

"Yeah. But not now. Bukod sa hindi pa final ang plano ko ay kakailanganin ko din ang tulong ninyo. Kapag tapos na akong mag-plano ay sasabihin ko sa oras na kumpleto tayong lahat"

Wala ng umimik sa aming dalawa matapos kong sabihin 'yon kaya tahimik naming ipinagpatuloy ang pagkain at tinapos.

Nag-desisyon kaming bumaba na sa labas para makisaya sa iba pero nang malapit na kami sa double door na pinto palabas ay isang lalaki ang nakatawag sa pansin ko. Kapapasok pa lang niya ang pinto.

S.A Academy - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon