Chapter 29: Astron Sterre ✔

5.9K 234 6
                                    

[Edited: New version of Chapter 29]

°°°°°

Kasalukuyan akong nasa kwarto ni Merliyah dahil ako pa mismo ang kumuha ng librong hiniram niya sakin. Tsk! Hihiram-hiram tapos hindi marunong magbalik. Sa susunod nga hindi ko na 'yon pahihiramin!

Ako lang mag-isa ang pumunta dito dahil tatlong kwarto lang naman ang pagitan ng kwarto namin.

Nang makuha ko na ang libro ay palabas na sana ako nang tumunog 'yong telepono. Nagdalawang-isip pa ako kung sasagutin ko pero nag-decide ako na sagutin na din dahil baka importante. Hindi naman kabawasan sa pagkatao ko ang sumagot ng tawag.

"Yes?" walang ano-anong sabi ko sa kabilang linya. Ganado.

["Hello? Who's this?"] tinig ng isang lalaki, medyo nag-aalinlangan. Malamang ay hindi ako ang inaasahan nitong sasagot sa tawag niya.

"Heily. I'm Merliyah's friend. I'm sorry 'cause she's not here. She's in my room with the others"

["I see. I'm Raz, bye the way. Her cousin"]

"Hm. May ipapasabi ka?"

["Uhm... Just remind her about the dinner to our house tomorrow night"]

"Okay, makakarating"

["Thank you"]

"You're welcome. Bye"

Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot at binabaan ko na agad siya. Kabastusan pero naibaba ko na eh. Tsk.

Lumabas na ako ng kwarto ni Merliyah saka bumalik sa sarili kong kwarto kung saan naroroon 'yong anim.

Na-miss daw nila ako eh kaya mga dito magsisipag-tulog sa kwarto ko. Ayos lang naman sana sakin pero...

"Haha! Talo ka na naman, Kaleel!"

"Tsk! Ayoko na! Ibahin na lang ang laro! Talagang 'yong laro kung saan ka magaling pa talaga 'yong pinili mo eh 'no?"

"Haha! 'Wag mo 'kong sinisisi dahil pumayag naman kayo!"

Napa-iling na lang kami sa tatlong 'yon na napaka-iingay. Naku. Kapag nahuli talaga sila ng rumorondang bantay... tss. Pababalikin sila ng dis-oras sa kwarto nila.

May sariling mundo sina Brylle, Lance at Kaleel. Mga naglalaro lang sila ng baraha. Hindi ako magtatakha kapag naging sugarol sila someday. May sarili din na usapan sina Sandra at Merliyah. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila at nagtatawanan silang dalawa. Nasa sofa kasi sila patalikod sakin kaya ulo lang nila ang nakikita ko. Hindi rin nakakaligtas sakin ang mga titig ni Lance kay Merliyah. Para siyang tanga na tinititigan ang bawat reaksyon ng mukha ni Merliyah at kapag tumawa ito ay bigla siyang ngingiti ng pagkalawak-lawak tapos maiiling. Pagkatapos ay ga'non na naman. Paano kaya siya nakakapaglaro ng ayos sa lagay na yan? Parang sira.

S.A Academy - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon