Krizha's POV
Friday na naman bukas, ano kayang pwedeng gawin sa Saturday, skate? Enk! Movies with Iss? Enk! Jamming with Taberu's (band nila Carl)? Enk!
“Ano kaya?” kinakausap ko sarili ko habang tinotono ko gitara ko dito sa may veranda namin, dito ako lagi tumatambay kasama si... Akie.
“Psssst…” may dumungaw na ulo sa tapat ko. Speaking of the devil.
“Mahulog ka sana diyan.”
“Gusto mo sama kita? Tulungan mo na ako, hui!”
“Magagawa mo ba ako isama? Duh, bahala ka diyan.” hawak ko pa rin gitara ko at tinitignan siya na nahihirapang umakyat sa bakod ng veranda namin.
“Ayaw mo ah.” biglang siyang kumawala sa pagkakahawak sa bakod at inabot niya kamay ko at hinila.
“Hala!” hinila ko naman agad kamay niya. Siyempre wala akong choice baka pati ako mahulog!
Binitawan ko yung gitarang hawak ko, gamit ko na yung dalawang kamay ko para hilain siya paakyat.
*boogshajtnskk*
Napaatras ako, ayan natumba ang upuan. Pagkatapos noon, ngayon ko lang narealize na may nakapatong sa akin.
Akie! Ay ang bigat! Tss.
At nagkatitigan kami. As usual, maganda na dati yung mata, medyo singkit pero. Lips, perfect for kissing! Ha! Kapal ng kilay pero may peklat sa kanang kilay. Ilong, tangos! At ang napakacute niyang dimple! Sh*t!
“Matunaw ako niyan…” he smirk at iyon nga yung dimple niya and tumayo siya.
Nagpagpag. Ungas talaga ito, irapan ko nga.
“Tsk… sungit talaga.” Tinignan ko lang siya ng masama, nakaupo pa rin ako sa sahig.
Siyempre hindi pa rin niya ma-sense.
“Ay, sorry!” inabot niya kamay niya sa akin.
“Napaka-ungentlemen talaga!” kinuha ko kamay niya at hinila ako ng mabilis, feel ko tuloy super gaan ko sa mabilis niyang pagkahila.
Pagtayo ko napatid naman ako sa may upuan, niyakap naman ako agad ni Akie. Ano ba iyan, nakakarami na siya! Nakakarami na ako. Nakakarami na kami ( # - ___ - #)
“Napaka-clumsy talaga!” kinuha niya iyong upuan at binigay sa akin umupo naman siya sa may mesa. “Anong tinutugtog mo?”
“Wala tinotono ko lang. Kamusta pala kayo ni Magibubuyog?”
“Ewan, hindi ko alam.” At nagpangalumbaba lang siya. Tss, iba ito. Ngayon lang siya hindi nagreact sa asar ko kay Maggie a. Baka break na sila! Ha! Mabuting matanong ko.
Tinignan ko lang siya at tinaas ang isang kilay. “Anong ngyari, break na kayo ni bubuy?” Wala pa rin siyang kibo. Nakayuko lang siya at tinitignan ang kanyang paa.
Blanko!
Nakikita ko sa mukha niya at sa kanyang reaksiyon, alam ko na kasagutan sa tanong ko. “Bakit, nagsawa ka na ba sa kanya? Or huwag mong sabihin si Cristal pa rin ang gusto mo hanggang ngayon?”
Sa wakas natono na gitara ko. Pero si Akie, wala pa rin sa tono.
“Ui, magsalita ka naman. Nakakabingi ka e, hindi ka naman ganyan. Langhiya ka talaga nasa tono na yung gitara, ikaw wala pa rin!”
Tumingin siya agad sa gitara, halatang umiiwas siya ng tingin sa akin. Kasi alam niyang mapapahiya lang siya kapag tumingin at malalaman ko kung gaano kabigat ang problema na hinaharap niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Flipped
Teen FictionNakakasawa na ang typical na story na, may love triangle, or love square yung naghahabulan lang silang lahat sa isa't isa. Paano nga kapag ganoon nga yung story pero nabaliktad ang lahat. They are all flipped. (This story is weird, medyo madrama ng...