Flipped 03 : Basement

77 4 0
                                    

Akie's POV

Naku, makakatabi ko pa ata si Cristal. Ang aking ultimate secret crush(na kaming dalawang ni Krizha ang nakakaalam). Bumilis ang pagtibok ng puso ko, sh**. Hindi ko na lang siya pinansin at patuloy ko pa rin pinaglalaruan itong bola ng basketball.

“Hi.” Cristal said, then umupo sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya, nahulog na naman puso ko… ganda kasi.

“Hello.” Ngumiti lang ako, pero sa totoo lang kinakabahan pa rin.

Habang nagsasalita si Ms. Gonzaga tinititigan ko ang side ng mukha niya, ang kinis at hanggang dito sa side ko eh, naamoy ko ang pabango niya. Mas maganda pala siya sa malapitan. Ugh, ano bang pinagsasabi ko, may girlfriend na ako pero sa totoo lang hindi ko na mahal ang gf ko. Niligawan ko lang naman siya kasi nalaman ko dati na sila na pala ni Cristal at si...tsk. Well, wala naman nagsabi sa akin, nakita ko na lang mismo sa dalawa kong mata.

~FLASHBACK~

Sophomore’s palang kami noon, naglalakad ako papuntang men’s comfort room ng may narinig akong pamilyar na boses na nagmumula sa Girl’s comfort room.

Krizha: Hey Iss, nakuha ko na yung information na gusto mo.

Cristal: o ano?

Krizha: Clear na clear wala siyang girlfriend!

Cristal: Yes!

At nagtatalon sila sa saya. Noong una, akala ko ako yun. Kasi bago ko pa yun narinig. Tinanong ako ni Krizha kung wala akong girlfriend. Lahat naman ng secrets ko sinasabi ko sa kanya, kaya sinabi ko lang naman yung totoo. Tuwang tuwa ako noon, kasi balak ko na talagang ligawan si Cristal.

Pero after 2 weeks, lunch break na namin. Nakita ko si Cristal, kausap niya si Carl sa may tabi ng basketball stadium, lumapit ako konti para  mapakinggan ang pinaguusapan nila, pero bago ko pa sila marinig bigla silang nag yakapan at hinalikan ni Cristal si Carl sa pisngi.

Noong mga panahong iyon ang pinaka-malalang ngyari sa akin(bukod sa pinahiya ako dati ni Krizha noong elem pa kami), umasa pa naman ako na ako yung nagugustuhan niya. Dahil lagi na akong tinatanong ni Krizha kung ano fav. color ko etc., kasi yung ibang info tungkol sa akin eh, alam na niya.

Agh! Hanggang ngayon siya pa rin ang gusto ko. Gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko ngunit ng malaman ko kay Carl na hindi pala sila, huli na, sinagot na ako ni Maggie. Mabait din naman si Maggie, mahal na mahal niya ako kaya ayaw ko siyang saktan, pipilitin ko siyang mahalin kahit si Cristal pa rin.

Cristal's POV

It’s the first time na pansinin niya ako at katabi ko pa siya ngayon. Habang nagsasalita si Ms. Gonzaga, napatingin ako kay Krizha na nakatingin sa amin dalawa. Tinataastaas niya ang kanyang kilay na parang may ibang meaning siya sa nakikita niya. Aaaahh, grabe tong heart ko, beat ng beat ang bilis mag beat.

“Ms. Talavera, pls come to me.” sabi ni Ms. Gonzaga na hindi ko namalayan na ako pala ang tinatawag niya. “Ms. Talavera. Are you okay?” Crap, nasa planet Mars na naman kasi ako.

“Ah, yes ma’am?” sabay tayo at lahat ng tao doon nakatingin sa akin ng seryoso bukod kay Krizha na pinipigilan ang tawa.

“Did you hear what I said?” Lumapit sa akin si Miss, at parang papatayin niya na ako sa gamit niyang chalk na mahigpit niyang hinahawakan… oopss, at nawala na lang ang chalk at naging powder chalk.

“MS. CRISTAL TALAVERA!” at sinigawan niya ako sa mukha. Bigla namang tumayo si Akie, which is nakakagulat, mas nakakagulat kesa sa teacher na ito.

FlippedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon