Flipped 08 : Krizha's Plans

70 5 0
                                    

Krizha's POV

Friday na, late na naman ako… tsk. Pagpasok ko sa main entrance, tumango lang ako sa guard, hehe… as usual hindi na naman ako nakapagsign ng log book.

“Hija, sign ka na oh, baka ma-office ka na naman, isang late na lang ikaw e.” Bait talaga ni Manong, pumunta naman ako doon.

Tinignan ko mga nakapagsign na.

Second page na nga lang, wala pa ring space, third page… 4th page… Si Akie, haha buti nakaabot pa itong ulol na ito.

“Manong, salamat ng marami ah.” I just nodded at him

Papunta na ako ng building ng mga seniors ng makita ko ang grupo nila Maggie sa gilid ng fountain, humahagulgol habang ang dalawang minions naman niya eh tinatapik siya sa likod habang nagtitinginan ng masama. Plastic.

Nasa class na ako, napansin ko medyo wala na naman sa mundo si Cristal. Ano na naman kaya ngyari? Kahapon pa siya ganoon, baka naman niligawan na siya ni Akie? Gago talaga, hindi nag-iisip. Pero kapag niligawan niya, edi sana kinausap niya ako pagkatapos ng first class? Kahit man lang balitaan ako before ng 2nd class namin diba? Kasi sa tingin ko walang katulad ang saya niya ngayon kapag ngyari yun.

Weird.

Lumapit ako kay Akie, kung anong ginawa niya kay Cristal… wala naman daw, nag-aalala na din daw siya.

“Ehem.” hala parang walang narinig. “Kakain ka?” naku, para akong tanga na walang kausap dito a.

“Hays” I took a deep breath… “LAMANG NA NG 2 PTS ANG EAGLES!! 3 MINUTES TO GO! NAKU, SHOOT BY NUMBER 10 TIGERS! A TIE BETWEEN TWO TEAMS, HERE COMES NUMBER 17, SI AKIE!!! 3 PTS SHOT! BUT A MISS! TIME’S UP!”

“Ah? Talo, talo si Akie… hindi maaari.” Tumayo siya bigla.

“Iyon lang pala ang paraan para bumisita ka naman sa Earth.”

“Ano ba? Nakakagulat ka naman, ang lakas lakas pa ng boses mo.”

“Naku, sound proof itong room natin no, tsaka… ikaw kaya diyan, wala sa sarili. Sabi mo kagabi, okay ka lang… pero sa nakikita ko ngayon-”

“Okay lang ako.” inaayos niya mga gamit niya, sabay kuha ng bag.

“Saan ka pupunta?” tinaas ko isang kilay ko.

“Uwian na diba? Dito ka lang ba, may meeting ka na naman siguro. Una na ako, hintay na lang kita sa park.” And... I burst out laughing. Gosh! I can’t even feel my stomach! Haha!

Pagkatapos ko tumawa, hinawakan ko yung noo niya. “May lagnat ka ba? Cristal talaga oh, bitawan mo na nga iyan… nagugutom na ako.”

Wala lang siyang reaksyon, ni hindi man lang tumawa. Grabe, lunch break pa lang uuwi na!

“Sorry.” Nagsimula na kaming umalis sa room, papuntang main cafeteria.

Wala pa rin siya sa sarili niya. Kahit kausap ko na si Akie, wala pa rin! Pero nung dumaan si Carl.

“Carl!” naging alert si Cristal at inayos ang sarili.

“Krizha…” sabay tingin niya kay Cristal, si Cristal naman tinignan lang siya ng… parang nagmamakaawa. “Sige, may gagawin pa ako eh.” alis agad.

Ano naman iyon? Ang weird? Bakit ganito ang mundo? May magaganap ba na disaster or climate change, or calamities at ganito ang mga ngyayari?

Pagkatapos ng lunch, ganoon pa rin si Cristal. Blanko, wala sa mundo. Worried na ako, kaya dineretsa ko na siya.

FlippedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon