Chapter 8: Girlfriend
*MALL*
"dun tayo mamili!"sabi ni Jane at tinuro yung store na yun.
"sige"sabi ko at pumunta na kaming apat doon
di talaga mawala sa isip ko yung sinabi ni Rush....
Pagkatapos kasi nung supresa ni Rush sinabi nya na magkita kami mamaya may importante daw syang sasabihin saakin.
Ano kaya yun? di kaya ? aamin na sya o.o
asus! di yan..nag aasume nananaman ako -__-
Sabi nya rin na magsuot ako ng magandang damit. kasi pupunta kami sa party
Kaya sabi naman ni Rianne na mag Mall kami para maka bili kami ng damit ko para sa pupuntahan namin ni Rush mamaya. May celebration daw kasi at pagdating ko daw dun sasabihin nya sakin kung ano daw ang importante nyang sasabihin
buti weekend bukas :))
pwede magpuyat !
"Katrina ang ganda nitong dress oh"sabi ni Erin habang hawak nya yug polkadot dress na mahaba
*facepalm*
Hayy..kahit kailan ang manang talaga ni Erin....nung tinignan ko nga yung wardrobe nyang babaeng nyan isa lang yung dress eh ! hay nako -__-
umiling nalang ako bilang sagot
"Eh eto katrina?"sabi naman ni Rianne habang hinahawakan yung dalawang polo yung isa Violet at yung isa black
Ang simple talaga nitong si Rianne.
umiling nalang ulit ako...ayoko ng simple,special toh eh! malay mo na magpropose si Rush. aba! minsan lang mangyari toh.
Ang assumera ko talaga XD
okay lang libre naman mangarap eh
"Eto cute oh katrina bagay sayo!"sigaw naman ni Jane ...nandun sya sa gilid medyo malayo saamin kaya pinuntahan naming tatlo si jane.
napa nga-nga kaming tatlo sa pinakita ni jane
T^T
kailan kaya ako makakpili ng magandang damit
"umm..medyo ano namn nyan"sabi ni Rianne
"oo nga"pang sang-ayon naman ni Erin
Pano ba naman? isang malaking hoodie na di mo alam kung dress o pang itaas lang at itinerno pa ni jane sa isang kulay green na pantalon
Ang toboyish talaga ni jane
"No way! ganyan susuotin ko sa harap ni rush??? kung kailan sya mag propropose?!! worst proposal ever!!!"sigaw ko
Puro kasi fail napili nila eh nasabog tuloy ako
"ha??"pagtataka ni Erin
"OMG! katrina! kakasal kana?"sabi naman ni jane na obvious na nagulat,lumawak kasi yung mata nya
Sinara ko muna ang bibig ni Rianne kasi naka nga-nga sya
"wala yun!"sabi ko na lang
nangmalaman ko na nasigaw ko yung na-assume ko
"wehh? magpropropose si Rush? agad-agad?"sabi naman ni Erin
"wala wala nga yun..kain na nga lang muna tayo mahab pa naman yung oras ee"pag iiba ko ng topic
*********
*BURGER KING*
"ang sarap naman dito!"sabi ni Erin habang ang bibig nyang punong puno ng frenchfries
"parang ngayon ka lang naka kain dito ah?"tanong naman ni Jane
"oo nga"sabi naman ni Erin
Teka ... ngayon lang sya naka-kain dito??
"ha?"sabay namin pagsabi ni Rianne
"bakit?"sabi ni erin na ngayon ay punong puno naman ng burger ang bibig nya
"wala wala"sabi nalang naming tatlo at nagpatuloy sa kinakain namin
Susubo na sana ako ng frenchfries na dinip ko pa sa ice-cream kaso lng bigla nalang sumigaw si Rianne
"Teka!"sabi nya habang tumitingin dun sa may labas ng burger king
tinignan naming tatlo kung sino yung tinitignan nya
paglingon namin....wala naman? puro mga tao lang na naglalakad walang familiar faces
"bakit? ano meron"tanong ni Erin kay Rianne
"di nyo nakita?"sabi ni Rianne at kumunot pa ang noo nito
"malamang kaya nga nagtanong diba?"sabi ni jane
haahhah..oo nga naman ...
"si Rush!! nakita ko! dumaan kanina di nyo lang naabutan ng tingin"sabi ni Rianne
"huh??"sabi ko at lumingon ulit..pero wala ako nakita
bakit kaya sya nasa mall? di kaya bumili sya ng wedding ring O__O
"nakita ko sya may kasamang babae"pagpatuloy ni Rianne at bigla akong tinignan
"huh? babae? eh wala naman syang gaanong ka-close na babae"sabi ko at tumingin sa taas para mag-isip kung sino ba ang umaaligid sakanyang babae
napag-isip ko parang wala naman....
kung meron..sigurado akong ako yun
"meron kaya si Steph medyo ka close nya yun ee"sabi naman ni Jane
"oo nga minsan nakikita ko sila magkasama"pagsang-ayon naman ni Erin at sumubo ng fries
"kakainin mo ba yan?"tanong ni jane kay Erin habang tinuturo yung ice-cream ni Erin
"OO!! kakainin ko yan"sabi naman ni Erin at tinabi yung ice-cream nya
-_-
"siguro nagkamali lang ako ng tingin"sabi naman ni Rianne
"oo siguro nga..kasi parang impossible naman eh"sabi ko at sinipsip ang straw ng root beer ko
**************
Pagkatapos namin kumain pumili na kami ng susuotin ko...
at mga ilang oras nakapili nako....
(Katrina's outfit->)
isinuot ko na yun sa comfort room kanina at ngayon hinatid na ako nila Erin jane at rianne sa Exit.
ma-mamasyal pa daw sila eh kaya ako muna mauuna umalis sakanya
"sige thank you sa tulong ha pupuntahan ko na si Rush"pagpapa-alam ko at kumaway na ako sakanila
"geh ingat ka ha!"sabi naman ni Jane
"yiee...excited yan"rinig ko pang bulong ni Rianne kay Erin
tumakbo na ako sa exit ng mall at pumunta na sa meeting place namin ni rush
****
"wow! nag handa talaga ah"sabi ni Rush sakin
"hahah..di naman!"sabi ko
yiee!! mag propose ka na kasi
nandito kami sa Starbucks..may hihintayin pa daw kami eh...sino kaya yun?
parents nya?
"Ano ba yung i-cecelebrate Rush?"tanong ko..sabi nya kasi pag nandito na daw ung hinihintay namin mag cecelebrate daw kami dun sa bahay ni Rush
"Ahh! ayun na sya!!"sabi ni Rush at napatayo pa
lumingon ako
may nakita akong babaeng kumaway kay Rush
O________O
WAIT A SECOND!
ano? ano ginagawa nya dito
napakunot yung noo ko nang lumapit sya sa table namin at tumabi sa kinauupuan ni Rush
"kat.....I want you to meet...............
my Girlfriend, Steph."sabi nya at hinawakan pa ang kamay ni Steph
Ako naman naka tulalala at naka nga-nga pa..di ko alam kung ano ang i-rereact ko
"Ahh..sorry ngayon ko lang sinabi ah..pero don't worry ikaw palang ang nakaka-alam diba nga sabi ko sayo,sayo ko una pakikilalahin ang magiging GF ko"sabi ni Rush at ngumiti ng malawak
hanggang ngayon di ko alam ang sasabihin ko...
ito ba ang i-cecelebrate? ang pagiging on nila?
Nagbihis pa ako ng maganda......
Alam mo yung feeling na pina-asa kanya? Ang sakit lang... Pagkatapos ka paasahin ganito lang pala ang mangyayari.
"So ano na? punta na tayo sa house mo Rushy"sabi ni Steph
Rushy? walang ya! gaya-gaya!
hinila ni Steph patayo si Rush
"let's go na Kat"tawag nya sakin
I just look at them and stand up....
"may kailangan pa akong gawin sorry"sabi ko at umalis na sa starbucks
Ang weak ko naman....
-0-0-0-0--0-0-0-0--0-0-0-0-0-0-0-
BINABASA MO ANG
Childish Love ♥ (COMPLETED)
Romance"Paano kapag ang taong gusto mo ay turing lang sayo "maliit nyang kapatid"? ano gagawin mo magiging maliit ka nya lang na kapatid o paparamdam mo sakanya na hindi? At ang pinaka masakit dun! sa tagal tagal na naging kaibigan ko sya bigla nalang sya...