(A/n): waaahh!! Sooooorrrry pooooo!! Kung napansin nyo po na sa chapter 38 biglang nag new year sorry! Hahaha! Nagkamali po ako dun (wala po sa sarili) di ko po napansin XD napansin ko nalang po yung matutulog na ako hahaha! Pero inedit ko na po sya. At pinalitan yung new year sa merry christmas haha!
Well anyway,sana ma-enjoy nyo itong new update! (At sana wala nang mali)
Ito na nga pala ang pinaka mahaba na chapter ng childish love~! Sana ma-enjoy nyo! At thankies nga ulit sa mga nag follow sakin at sa mga nag vovote ang comment! Thank you talaga ^_^V
△ ▼△ ▼△ ▼△ ▼△ ▼△ ▼△ ▼△ ▼△ ▼△ ▼△ ▼△ ▼
Chapter 39: Christmas celebration?
"Kat gising kana"
Ayokoooooo....puyat pa ako..anong oras na kaya ako natulog kagabi. Kasalanan mo Rush!
Nagulat talaga ako sa paghalik nya kahapon.
"Pssst...."
Bahala ka jan! Nakakahiya ! Waah!
"Uyy..gising ka na kasi mag tetwelve o'clock na oh"
Wala akong paki =__= puyat po akooo! Kaya manahimik ka jan!
......
......
.....
Parang nanahimik nga? Ano nangyari?
Bigla nalang ako nakarinig ng kumalabog
"A-awwww ang sakit ng braso ko.....a-aray" si Rush!
Bigla ako bumangon sa pagkakahiga at pinuntahan si Rush na nakahiga na sa sahig
"Rush! A-alin yung masakit? Okay ka na ba?" Natataranta kong sabi
Ano gagawin ko? Mukhang nasasaktan talaga sya! Tatawag na ba ako ng doctor?
"Awwww!"
"W-wait Rush dun muna tayo sa kama" inakbayan ko sya at tinulungan tumayo at pumunta sa kama "ang bigat mo Rush ah"
"A-ang sakit katrina"
Hala! Ano gagawin ko! Natataranta na ako dito
"Wait Rush! Ummm...ano! Tatawag ako! Oo tama tatawag ako sa doctor mo!" Tumakbo na ako pababa kung saan ang telephone nila
"Okay....ano next?" Hawak ko na yung telephone at di ko alam kung ano ida-dial ko
Shemay! Ano pala no. Ng doctor nila? Waahh! Ang hirap naman nito!
Tumakbo ulit ako paitaas at binuksan yung pinto.
"Rush! Ano no. Ng doctor mo?" Yun kagad ang sinabi ko pagbukas ko ng pinto
"A-awww...l-lumapit ka s-sakin.....ibu-bulong ko" nako! Mukhang nahihirapan na si Rush!
Katulad ng sinabi nya, lumapit ako sakanya at hinihintay ko sya bumulong
"Katrina....." Hinawakan nya yung pisngi ko "I love you" nakita ko sya na naka smirk.
O///////O
"Rush!"
"Hahahahahahhahahahaha!"
Di ko akalain na niloloko nya lang pala ako!
"Nakakainis ka!" Umupo ako sa gilid ng kama. Naiinis ako. Natataranta na nga ako tapos gaganyanin nya ako? Halos di ko na alam kung ano gagawin ko kasi nag aalala ako sakanya. Tapos yun pala acting lang pala yun? Nakakaasar.
"Katrina, bakit ka umiiyak?" Mas lumapit sakin si Rush para tignan nya mukha ko. Pero iniwas ko sakanya "sorry....gusto lang naman kita magising. Di ko naman inaakala na ma tataranta ka ng ganun. Sorry na"
Di ko parin sya pinansin
"Sorry pooooooo!" Tapos tinusok tusok nya pa yung tagiliran ko
"Mag promise ka muna na di mo na yun uulitin"
"Opo! Promise poo!"
Ngumiti naman ako sakanya
"Yiieee...nag smile sya! Bati na tayo ah?"
"Opo!"
Then again, He's smiling. His eyes can tell that he is happy.
"Katrina"
Ang cute talaga ni Rush kapag nakangiti
"Katrina"
Dapat ganun nalang si Rush, mas gumagwapo sya-
"KATRINAA!!"
"Ay! Letseng kabayo!"
"Di ako kabayo -__-"
"Eh bat kaba kasi naninigaw?"
Bumuntong hininga sya
*Ding Dong*
*Ding Dong*
"Yung doorbell kanina pa nag riring"
"Ay! Oo nga noh!"
Bumaba na ko sa hagdan
Tsss...bakit ba kasi kailangan ako pa ang sumagot? Eh bahay nya naman toh eh. Pero kung sabagay, mahihirapan sya kasi pilay sya.
Binuksan ko na yung pinto
"Katrina!!"
"Ki-hyun?"
"Yup!" Tapos ngumiti sya
Akala ko nasa korea na sya? Baka kasabay ni ki-hyun sila mama!
"Sino yan?" Biglang may nagsalita sa likod ko paglingon ko si Rush "ikaw?!"
Nagulat si Rush na nandito si ki-hyun. Kahit ako rin
"Ahh..ki-hyun bakit ka nandito?"
"Because your mom told me so....." Tumingin sya sa ibaba "alam mo na ba?" Parang nahihiya sya na ewan..
"Anong alam ko na?"
Tumingin lang sakin si Ki-hyun at ngumiti "you'll know it soon"
Huh? Wala ako maintindihan. Ano ba meron?
"Ki-hyun?"
"Anyway, we need to go"
"Huh? Saan n-" bago ko pa amsabi ang sasabihin ko biglang sumabat si Rush
"At san mo naman sya dadalhin" at tignan mo nga naman hinila nya pa ako papunta sakanya
"Rush you have nothing to do about here" tapos hinila ako ni ki-hyun papunta sakanya
@_____@
"Meron" hila ulit papunta kay Rush
"Nothing" hila ulit papunta kay Ki-hyun
"Mer-"
"Ano ba! Nahihilo na ako!" Kumalas na ako saknila at hinarap sila "bat ba kayo naaway?"
Nagtinginan lang silang dalawa. Bumuntong hininga nalang ako.
Tumingin ako kay ki-hyun "ano sabi ni mommy?"
"Your mom said that i'll go with you to buy a gown"
Ahh oo nga pala... Kailangan ko nga pala bumili ng gown para sa party mamaya, ano ba meron?
"Ah wait lang ki-hyun mag aayos lang ako" kakaripas na sana ako ng takbo kaso lang..
Naisip ko silang dalawa. Baka kasi mag away eh.
"Sumama ka sakin ki-hyun" tapos hinila ko sya
"Oy! Katrina! Bawal kayo magsama!"
"Hoy! Magbibihis kaba sa harapan nya?"
Di ko pinapansin si Rush at tinuloy nalang ang paghila kay ki-hyun habang si Rush naman bumubuntot samin. Nang nasa kwarto na kami. Ni lock ko yung pinto para di makapasok si Rush.
*knock knock*
"Katrina! Buksan mo toh!"
"Ki-hyun upo ka muna jan. Magbibihis lang ako sa CR" sabi ko saknya at tumango naman sya
"Katrinaa!! Ano ginagawa nyo jan ah! Bahay ko toh ah! Buksan mo toh!"
Hayy.... Sa totoo lang naawa ako kay rush. Ang kulet nya naman kasi eh. At tsaka para saknila rin ito para di sila mag away.
Nang matapos na ang pagaayos ko sa CR lumabas na ako
"Let's go?" Tanong ko kay ki-hyun
Tumayo na sya at nginitian ako "let's go"
Binuksan ko na ang pinto at nakita ko nasa harapan parin ng pinto si Rush.
At at at... Wah! Angbsama ng tingin nya sakin sooorrry naman T^T
"Ahmm...a-ano r-rush..."
"Tsss...sasama ako sainyo"
"What?!" Sabay namin ni ki-hyun sinabi
"May angal kayo?" Tapos sinamaan nya kami ng tingin
T^T
**************
Rush's POV
Kala nila makakatakas sila sakin. Sa huli nakasama na ako. Nasa mall na nga kami eh. Sa may gown section.
"Mam ano pong hanap na gown?" Sabi ng sales lady
"She needs something out standing and elegant" -ki-hyun
Kahit ano namn bagay kay katrina eh. Ano ba meron? Bakit kailangan nila paghandaan ito?
Tinuro ng sales lady kung saan yung mga magagandang designs kaya naman pumunta na kami doon.
Ah! Mukhang ang ganda nun ah!
Hinila ko si katrina at sinabing bagay sakanya yun. Tinignan naman yun ni katrina at pinag masdan ng mabuti.
"Mukhang bagay sayo yan"
"Ang ganda nga-" - katrina
"No! That's too simple" -ki-hyun
Tsss... Epal! Ang ganda nga eh!
Tumingin naman si ki-hyun at sinabi mas maganda daw yun. Grabe naman yun! Ang daming glitters tapos masyadong daring.
"Wag yan! Masyadong kita yung skin" reklamo ko naman
"Then we can just put some shawl"
"Pampainit lang yun!"
"You-"
"Wait nga! Ako nalang mamimili! Walang mamimili sainyo ako lang! Kaya tumahimik kayo jan!" Pasigaw na sabi ni katrina at tumingin na sya ng ibang gowns
Kaya kami sinundan nalang namin sya. Tss...
*bzzzt bzzzt*
Biglang nalang nag vibrate phone ko. Si mama.
"Hello ma?"
"Anak! Maghanda ka mamaya ah? May party gaganapin. Invited tayo. May celebratin mangyayari mamaya. Supportahan mo mamay si katrina ha?"
"Ma ano ba meron? Na cucurious na ako"
"Basta anak! Malalaman mo rin mamaya! Im so sure matutuwa ka para kay katrina!"
"Ahhh..ganun ba?"
"Oo kaya make yourself handsome, kay?"
"Sige bye na ma"
"Geh love you!"
"Oo na ma"
"Nasan yung i love you ko?"
"Tssss....ayoko na mag i love you"
Naalala ko aksi yung nag i love you ako kay mama. Tapos na misunderstood ni katrina.
"Hay! Binata na talaga anak ko! Sige bye na baby!"
"Bye"
Binaba ko na yung phone at nakita ko na may napili na si katrina na gown. Ang ganda nga eh. Mukhang bagay sakanya.
Kulay red sya. Yung top nya may see through tapos sa see through nya may mga beads,jewels at iba pang kumukinang doon.
"Yan po mam ang pinaka featured na designs namin isa po sya sa top gowns" sabi ng sales lady kay katrina. Habang si katrina naman kumikinang kinang na ang mata habang tinitignan yung gown.
"Ang ganda nga, kaso mukhang di ito bagay sakin."
"Ay naku mam! To be honest mukhang perfect yan sayo. Kasi naman mam ang sexy nyo kaya" sabi nung sales lady
"Maliit naman" pabulong kong sabi pero mukhang narinig nila. Kasi napatingin sila sakin.
"Rush! Nakakainis ka!"
Tumawa nalang ako sa naging reaction nya hahaha...
"Try it katrina, I think you'll look pretty in that"
Nakita ko naman nag blush tong isip bata na toh. Sus parang yun lang namula na!
"Sir, mam mawalang galang na po. Pero kayo po ba? Ang sweet nyo po kasi tignan mukhang bagay na bagay kayo."
Isa pa! Masasapak ko tong sales lady na ito!
"Ay! Nako di kami" buti naman na tinanggihan ni katrina.
"Actually we are" napatingin naman kami kay ki-hyun anong actually we are? Nangangarap? "I mean....nothing"
Babawiiin rin pala.
Nagpaalam na samin si katrina para itry yung gown kaya kami dito nitong intsik este koreano naka upo lang dito hinihintay lumabas si katrina. Ang tagal nga nya eh. Di kaya nahihirapan sya suotin yun? Mga ilang oras tapos na sya lumabas na sya sa fitting room. Tsss...tapos ayan nanaman! Natutulala nanaman ako sakanya. Para talagang hindi sya si katrina. Di mo aaakalain na childish pala ito.
"Okay lang ba?" Tumingin sya sa baba at kinamot ung batok nya
"Ang cute..." Out of no where bigla ko yun nasabi kaya napa iwas ako ng tingin
"Hahaha....ganun ba? Sige ito nalang pipiliin ko."
At ayun na nga binili na ni katrina yun. Actually sabay kami bumili kasi nga sabi ni mama din bumili rin ako. Kaya ayun bumili na ako. Pagkatapos namin bumili namasyal pasyal pa kami at kumain. Nakakainis nga eh masyadong pasikat kasi itong intsik na ito. At mukhang inaakto nya na parang boyfriend sya ni katrina. Pero hindi naman sila. Nang maka uwi na kami sinundo sya ng mama nya sabi aayusan pa daw si katrina. Ako naman nagbihis muna ako at dumeretso na sa hotel kung saan gaganapin yung party.
*********
Nang maka punta na ako sa hotel hinanap ko kagad si katrina. Nasan kaya sya?
"Rush anak!" Tawag sakin ni mama, kasama nya rin si dad. "Gwapo mo ah!"
"Tssss...pilay naman"
"Anak wag ka mag alala sabi sakin ng doctor mo sa new year gagaling na daw yan pwede na tanggalin yang nasa braso mo" sabi ni dad at pinat ako sa balikat
Imbis na matuwa ako sa sinabi ni dad parang nalungkot ako. Kasi di na ako ganun maalagaan ni Katrina.
Umupo na kami sa naka reserved na table namin. Kasama din namin si Julie.
"Kuya! Kuya! Do you like ate katrina? Don't like her ha" sabi naman ni julie sakin.
Bat nya naman tinanong yun?
"Sorry julie, but I like her na"
Nakita kong muntik na madura ni mama yung juice na iniinom nya.
"Honey, okay ka lang?" Tanong naman ni dad na hinihimas himas pa sa likod si mama
"O-okay lang ako" tumingin sakin si mama. Seryoso sya. "Anak, totoo ba yung sinabi mo? May gusto ka kay katrina?"
Ano nangyari kay mama? Bakit parang seryosong seryoso at gulat na gulat sya? Di kaya, pinagbabawal nya na maging kami ni katrina? Hindi...ayoko mangyari yun...
"Bakit mama? Pagbabawal mo ba? Sorry pero.....mahal ko na sya"
Lumaki lalo yung mata ni mama
"No! This is wrong! I thought parang magkapatid lang kayo! This is so wrong!"
Nagulat ako sa inakto ni mama. Di ko sya maintindihan anong mali dun?
"Rush..please...mag move-on kana habang maaga pa" nakita ko ang pagaalala ni mama sa mata nya
"Ano?! Ayoko! Mahal ko na sya ma!" Tatayo na sana ako kaso pinigilan ako ni dad
"Tama ang mama mo..."
"Pati ba naman ikaw dad? Di ko kayo maintindihan! Ano ba masama dun?"
Tumingin sakin si mama pati si dad ng seryoso.
"Bakit?"
"Rush, alam mo ba kung bakit may party ngayon?" Tanong ni dad sakin
"Dahil, magcecelebrate ng christmas?"
"Hindi anak...dahil ito kay katrina" napatingin naman ako kay mama "akala ko matutuwa ka pero...hindi pala sorry anak kasalanan ko"
Di ko maintindihan sila. Lahat sila ang lulungkot ng reaction. Akala ko ba gusto ni mama si katrina? Diba nga ang close close nila? Pero bakit ganito?
Di ko sila maintindihan.
"Welcome ladies and gentlemen!" Napatingin ako sa Emcee. "I know you guys are wondering why were having a big celebration!"
Sumang-ayon naman silang lahat sa sinabi ng emcee.
"Okay! Now Im welcoming the Vegas and the Won family!" Nagsi datingan na ang mga vegas at won family sa stage. Ang dilim dilim na rin ang maliwanag lang sila ki-hyun at katrina sa stage. Naka spot light kasi sila.
Bigla ako kinabahan. Parang mali itong pakiramdam ko? Parang ang sama ng kutob ko?
"This party is actually, about.........
Ms. Katrina and Mr. Ki-hyun's engagement party!" Nagpalakpakan yung mga tao at nagsigawan habang ako dito di makapaniwala...
Ito ba yun? Ito ba yung sinasabi nila? Nakakagulat nakakainis bakit?! Alam ba ni ki-hyun ang lahat nang ito?
Nakita ko si katrina napatingin sakin. Obvious sa mga mukha nya na nagulat din sya. Di ko na kaya. Bakit ganito? Kung kailan inamin ko na sa sarili ko na mahal ko na si katrina ganito ang mangyayari!?
"Rush anak" hinawakn ni mama yung kamay ko na nakatikom sa sobrang galit. "Akala ko kasi di ka papayag sa pagiging fianće ni katrina. Yun ang pinag usapan namin sa korea. Akala ko kasi na tingin mo lang kay katrina maliit mong kapatid kaya sinabi ko di ako papayag. Actually dapat kayo ang mag fianće ngayon eh.. Pero...." Nakita ko papaiyak na si mama
"Im sorry anak....akala ko nga matutuwa ka dito eh kasi-"
Tumayo na ako. Di ko na kaya dito. Di ko kaya i-celebrate ito.
"Anak san ka pupunta?"
Umalis na ako sa event na yun.
Ang sakit.
Ang sakit sakit.
Bakit ba ganito ang nangyayari sakin?
Grabe ah..ang ganda ng christmas ko.
Di ako makapaniwala na ang matagal ko nang bestfriend na nahulog ako ikakasal na. Ikakasal na sya.
Katrina......Mahal kita....
BINABASA MO ANG
Childish Love ♥ (COMPLETED)
Romance"Paano kapag ang taong gusto mo ay turing lang sayo "maliit nyang kapatid"? ano gagawin mo magiging maliit ka nya lang na kapatid o paparamdam mo sakanya na hindi? At ang pinaka masakit dun! sa tagal tagal na naging kaibigan ko sya bigla nalang sya...