Chapter 49: Giving Up?
Ito na yung last day ng foundation day namin. Medyo masaya naman marami-raming booths rin at maraming taga ibang school na pumapasok sa school namin. Kaya medyo masikip na dito.
"Ang sikip, balik tayo sa room" sabi ni Rianne na sikip na sikip na
"Luh! Saglit lang! di pa ako nakakabili ng pagkain eh" Angal naman ni Erin
Pansin ko, lagi nalang kaming magkasamang tatlo.. tapos parang kulang? Ay! oo nga pala si Jane! lagi wala si Jane
"Uy, Alam nyo ba kung nasan si Jane?" tanong ko sa dalawa. pero, mukhang busying busy sila dahil si Erin kain ng kain si Rianne naman busy mag flappy bird.
Tss... Nice talking!
Tumingin nalang ako sa bandang Stage na naka sabit. Nakalagay dun 'The Talented Musician'. Parang ngayon ko lang yun narinig? Don't tell me may pupunta sa school ? Sikat kaya sila? wah! Gusto ko yun mapanuod!
"Uy! may pupunta ba dito na mga sikat mamaya?" tanong ko sa dalawa. Napatigil naman sila sa ginagawa nila
"Huh? sino pupunta?" -Erin
"Artista?" -Rianne
napa facepalm naman ako sa dalawa. Ako nga yung nagtatanong eh. psh.
"Tinatanong ko nga kayo eh. tignan nyo ung nakasabit dun sa stage." turo ko dun sa may stage
"Ahh.. Yun lang pala, Yan yung mga nag audition. Yung mga magagaling sa mga instruments." Sabi ni Erin, "Si Jane nag audition jan eh"
Ahh! oo nga pala! yung nag audition si Jane! naalala ko na, gusto pa nga ni Jane na sumali rin ako eh. hoo~ buti di ako pumayag. nakakahiya naman yun ang daming tao manunuod sayo.
"Wah! Panuodin natin si Jane mamaya! Kaya pala di na natin nakaksama eh busy sa pag papractice."
"Oo nga! cheer natin si Jane mamaya!" -Rianne
"Alam ko guitar yung papatugtugin nya eh" -Erin
"Wow! Guitar! marunong pala si Jane nun?" -Rianne
"Nasan si Jane ngayon?" tanong ko "puntahan natin" Sabi ko para ma sabihan namin ng goodluck si Jane.
Sumang-ayon naman yung dalawa at naglakad na kami kung nasan si Jane. Wah! ako yung na eexcite saknya eh. Sana manalo si Jane *o*
Habang umaakyat kami, bigla namin naka salubong si Rush. Pumayat sya, nagpaikli ng buhok at mukhang sobrang busy nya. Oo nga pala, SCB sya sa school na ito. kaya busy sya sa pag-aayos this foundation week.
Nakita nya na tinititigan ko sya. Namimiss ko na si Rush. kailan kaya kami mag-uusap? Kahit masakit. Tatanggapin ko nalang kung ano meron samin.. kahit kaibigan lang o kaya maliit nyang kapatid. Wag lang sya lumayo sakin.
Umiwas sya ng tingin sakin at nagmadali lumakad pababa ng hagdan.
"Rush!" sigaw ko, pero.... mukhang di nya narinig
"Hayaan mo na nga yun Katrina" sabi ni Erin "Nakakainis na sya"
"Oo nga, Ang bilis nya sumuko" Sabi naman ni Rianne "Halika na nga"
Hinila nalang ako ng dalawa kong kaibigan at pumunta na kay Jane. Pero , pagdating namin dun wala si Jane.
"Nasan si Jane?" Tanong ni Erin dun sa babae na mukhang kasama dun sa contest din.
"Ay, si Jane.. nasa clinic" Malungkot na sabi ng babae
Huh?
******
BINABASA MO ANG
Childish Love ♥ (COMPLETED)
Romance"Paano kapag ang taong gusto mo ay turing lang sayo "maliit nyang kapatid"? ano gagawin mo magiging maliit ka nya lang na kapatid o paparamdam mo sakanya na hindi? At ang pinaka masakit dun! sa tagal tagal na naging kaibigan ko sya bigla nalang sya...