Chpt 47: Back In The Past

1.6K 43 6
                                    

Chapter 47: Back In The Past

Katrina's POV

Days passed.... 

Di parin kami nag papansinan ni Rush. Mukhang seryoso sya sa sinabi nya sakin na... Iiwan nya na ako. Ang sakit sakit kapag nadadaanan ka lang nya na parang ba wala syang nakikita. Di man lang nya ako kausapin.

Parang bumalik kami sa dati? hanggang tingin lang ako dati nung di ko pa sya kilala. Lagi kami nagkakasalubong pero di nagpapansinan kasi di pa naman namin kilala ang isa't isa. Pero ngayon,  Mas masakit e, Sinasadya nya na di kami mag pansinan.

"Katrina.. kanina ka pa jan tulala" biglang sabi ni Rianne sa harap ko

Nasa classroom lang kami. hinihintay yung next teacher namin. Ito na nga yung last period namin eh

"Hindi, may iniisip lang ako.." sagot ko

"Sino? si Rush nanaman? naiinis na ako saknya ah"

"Bakit naman?"

"Syempre! Dahil iniiwasan ka nya na!"

"Normal lang naman ata yun.. Kasi nag momove-on na sya eh. At tsaka, tama lang yun kasi pagkatapos nitong school year magpapakasal na kami ni ki-hyun"

"Sabagay may point ka, pero naiinis parin ako saknya eh. kung mahal ka nya talaga ipaglalaban nya yun. Eh tignan mo? sumuko na!"


bumuntong hininga nalang ako, di ko rin naman kasi masisisi si Rush e, desisyon nya yan. bahala sya. tutal, lagi nya naman ako sinasaktan. mas okay na kay ki-hyun alam ko di nya ako sasaktan. kahit na magpapakasal kami dahil lang sa business... okay lang......

"WAAAHH! PARTY PARTY! ABSENT SI MAM!!!" biglang sigaw ng classmate ko sa may pintuan

"Wala si mam? YESS!" sigaw naman ni Jane na nasa likod ko lang "YES! Wala nang quiz!" sigaw nya at nag apir pa sila Jane at Rianne. Hay, sabagay wala kasi sila ni review.

"Nubayan! nagreview pa naman ako!" pagrereklamo naman ni Erin, ang top student.

"hahaha...poor you" pangaasar naman ni Sungjin

"Che! manahimik ka! balibhasa ikaw! di mo na kailangan mag review! Edi ikaw na yung matalino!"

"Yeah, I know" saay ngiti pa nito.

"GRRRRR!!!!!" at ayan nanaman umuusok na yung ilong ni Erin

Hay... buti pa sila ang saya saya. samantala ako dito.. ang lungkot lungkot

Childish Love ♥ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon