Chapter 38: First Date
December 24
T^T
"Mama! Bakit di pa kayo umuuwi?" Sabi ko sa kabilang linya
Nandito parin ako sa bahay ni Rush dahil di pa umuuwi sila mama at dad mag chichristmas na nga wala pa sila.
"Sorry anak bukas kami uuwi, nga pala make yourself pretty tomorrow okay? May party sa christmas maraming guests"
"Huh? Dati naman tayo tayo lang mag cecelebrate sa christmas ah? Bakit magpapaparty ka pa ma?"
"Its a surprise! And I know you will like it! Yun na rin yung gift ko sayo anak!"
"Huh? Ano yun ma?"
"Basta! Surprise mga diba? Basta Im sure you'll like it! Don't be late tomorrow ah? Sa Hotel gaganapin yun"
"Okay ma"
"Nga pala anak you can use my card para makabili ka ng gown"
"Huh? Gown?"
"Yes! Kailanagan ikaw ang pinaka maganada doon! Okay? So, alam ko ngayon ko lang sasabihin toh pero you can buy the most expensive gown okay yun lang baby I love youu muahhh!"
"Ma! Grabe naman! Di ako bibili ng ganun para lang sa gown!"
Huh? Bakit parang di na sumasagot si mama?
"Hello? Ma?"
"Ma? Still there?"
*beep beep*
Aish! Kailangan ba talaga nun? Ano ba talagang meron? Tssss...parang ang sama ng pakiramdam ko dito.
"Di sila makakasama sa christmas eve?"
Nagulat ako na nasa likod ko na pala si Rush.
"Ah..oo eh"
Nakaka lungkot nga eh, di mo kasama parents mo
"Kat, wag kana malungkot. Kahit tayo nalang mag celebrate"
Kung sabagay, lagi ko naman nakakasama sila mom at dad sa christmas eve. Ngayon lng naman.
"Oh sige! Shopping tayo para mamaya?"
"Sige" then, I saw his lips curved
I really loved the way he smiled at me.
***********
Rush's POV
"Kat! Halos isang oras ka na jan!"
"Wait! Malapit na!"
Pang sampung beses ko na yan narinig sakanya! Napaka tagal naman kasi mag ayos ng mga babae!
Parang mamimili lng ng kakainin mamaya eh
Pero...parang date na rin toh diba? Kasi kaming dalawa lang naman tapos mamimili.
Then, this will be our first date.
Kahit na ako lang ang nakakaalam -___-
Pumunta muna ako sa baba at pumunta sa coach para manuod nlang.
Alam ko kasi matagal pa yun magbibihis eh.
After 10 minutes....
Naiinip na ako...
Ugghh...di ko na kaya!
Umakyat ulit Ako at kakatukin na sana sya. Kaso lang.....
"Oh? Rush? Let's go?"
Nagulat ako nang bigla nalang nagbukas yung pinto, pero mas nagulat ako sa ayos nya.
"Rush?"
Natulala ako sakanya..
Si katrina ba ito?
Yung buhok nya naka lugay tapos kinulot nya sa dulo
Yung make up nya light lang, pero kitang kita yung ganda nya
Yung outfit nya ang cute bagay sakanya yung beige na dress nya na pinares nya sa wedge nyang brown
She is wonderful!
"Huy! Halika na baka gabihin pa tayo!" Tapos bigla sya nag pout
"H-halikan na?"
Bakit parang namula siya?
May mali ba sa sinabi ko?
Lumaki ang mata ko nang napansin ko yung sinabi ko kaya pala parang nagulat si katrina.
"Ah ano! S-sabi ko h-halika na.." Nag smile ako nang alinlangan ang weird ko naman! "Let's go?"
"Hahaha! Ikaw talaga Rush! Haha!" At hinila nya na ako pababa
She is so beautiful. She looks like a matured woman. Talagang nag iba na ang pagtingin ko sakanya...
This Small, flat chested and childish girl.
I really like her.
*********
MALL
"Diretso na tayo sa grocery?" Tanong sakin ni katrina
"Sige, pero kung gusto mo pasyal muna tayo? Maaga pa naman eh."
"Sige sige! Tamang tama may bagong bukas na palaruan dito!" At hinila nya ulit ako
Hahaha kahit kailan talaga napaka isip bata nito . Well, that's katrina!
"Laro tayong bowling!"
"Sige lang, dito lang ako sa likod mo"
"Ayaw mo?"
"Papanuorin na lang kita" at ayun na nga tumakbo na sya dun s bowling at tulad ng sinabi ko dun lang ako sa likod nya at pinanuod sya
Nakakatawa nga sya mag bowling eh haha..
Pano ba naman kasi? Ang lakas lakas nya ihagis yung bola dun sa screen.. Mukhang mababasag nya pa haha.
"Kat, di ganyan" lumapit ako sakanya at sya naman lumingon sakin "ganito oh"
Hinawakan ko ang kamay nya na may bowling ball at tinuro ko sakanya yung tama para ma strike nya ung mga pin.
Dati kasi madalas ako mag laro nito, lalo na nung bata pa ako. Ito nga yung favorite ko eh.
"Ilagay mo yung thumb mo sa gitna nang butas tapos itong middle finger at ring finger mo dun sa dalawang butas ng bowling ball" tumingin naman ako saknya king naintindihan nya. Pero nagulat ako nakatingin lang sya sakin.
*dug dug dug*
Ano tong nararamdaman ko? Pinagpapawisan na ako ng malamig at sa tinign ko ang init ng mukha ko. At bigla ako napalunok nang malaman ko na iba na pala ako nakatingin, Sa lips nya.
Katrina's POV
"Ilagay mo yung thumb mo sa gitna nang butas tapos itong middle finger at ring finger mo dun sa dalawang butas ng bowling ball"
Ang gwapo ni Rush *o*
Di ko nga alam kung ano yung pinagsasabi nya eh. Nagulat ako nang bigla nya ako tignan. At ganun din sya.
Ang awkward nga eh kanina pa kami nag tititigan. Parang wala na taong nasa paligid namin parang kaming dalawa lang tapos parang nawala yung ingay sa paligid. Ganito ba ang mainlove?
Nakita ko napalunok si Rush at mukhang pinagpapawisan sya
Hala! Di kaya napapagod na sya?
"Ummm...ano Rush pwede paulit ulit ung sinabi mo?"
Natauhan naman si Rush at sinabi nya ulit sakin yung sinabi nya kanina, at tinuro sakin kung pano ihagis yung bola. At ayun hinagis ko na
At
At
At
STRIKE!!!!!
"Yes! Natumaba lahat! Ang galing mo Rush! Ang galing galing mo!"
"Uhh...katrina?"
O_O
Di ko napansin na nakayakap na pala ako sakanya
"Sorry"
Bumalik nalang ulit ako sa bowling at naglaro habang sya nandun lang sa tabi.
Waaahhh! Nakakahiya!! Bat ko sya nayakap di ko napansin!
Ilang oras din ako naglaro hanggang naging kalahati nalang yung tokens ko.
Tatatawagin ko sana si Rush kaso lang nakita ko ang dami nakapalibot sakanyang babae!
Hala! Tapos mukhang mga college students yung mga lumalapit sakanya! Ganyan ba kasikat si rush at hanggang sa labas hinahabol pa sya ng mga babae?
Nakakainis naman! Nawala lang naman ako saglit eeehhhh! Alam ko type ni Rush ung mga di maliit! Di flatchested at lalong lalo na hindi childish! Urghh! Siguro tuwang tuwa ung at nilalapitan sya ng mga type nya!
Kainis! Nag ayos pa naman ako para sakanya!
At tignan mo nga naman tumatawa pa ang loko! Sorry sya! Dahil sisirain ko yang paglalandian nyo!
Lumapit ako sakanila, pero mukhang di parin ako napapansin ni Rush. Busy kasi eh.
"Kuya! Ang gwapo mo talaga praaamis!" -girl 1
"Haha ganun ba?"
"Oo ang gwapo at ang cute cute mo! Maybe, we can go out sometimes?"-girl 2
"Sorry pero bawal eh"
"Awwwww...whyyy?" Sabi ng nung mga babae
Talagang di nila ako pinapansin dito noh? Porket maliit ako!
"Taken na kasi yung puso ko"tapos bigla sya nag smile
"Sayang!" Rinig ko sabi ng babae sa katabi nya
Aba! Pa hard to get pa toh!
"Sorry you're all beautiful and i think some boys will like you"
"Pero ikaw na ang gusto namin!"
Tumawa si rush "I only like short, flat chested and childish girl"
"Huh?" Nagtaka yung mga babae sa sinabi nya
Nagulat ako sa sinabi ni Rush, akala ko ba di nya yun type?
Tumakbo ulit ako sa may bowling at naglaro ulit
Kunyari nalang wala ako narinig! Wahh! Bakit ang init dito! Naka aircon naman waaahh!!
"Oh! Wala ka tinamaan haha! Sa gilid pumunta!"
I startled nang nakita ko si rush sa likod ko. Pagkabato ko kasi sa bola pumunta lang sa gilid! Ugh! Bakit ba ako na didistract
Iniiwasan ko na tignan ko sya sa mukha kasi naman feeling ko namumula ung pisngi ko tapos parang may ano nag lalaro sa tyan ko.
Pumunta nalang ako dun sa basketball at nag lagay ng token.
Pagkalagay ko ng token naglabasan na yung mga bola
Ball 1 - di na shoot
Ball 2 - nakawala yung bola
Ball 3 - masyadong malayo yung pagka tira ko
"Ugh!" Ano ba yan ang bigat bigat naman kasi ng bola eh! Tapos gumagalaw pa yung basket
"Hahaha!" Tapos itong katabi ko naman tawa ng tawa kainis!
"Ang liit mo kasi eh! Di mo abot yung ring haha!"
Sige tawa lang! Makalbo ka sana!!!!
i inhaled and exhaled..
Go katrina , kaya mo yan!
Kinuha ko na yung bola, malakas ang pakiramdam ko na ma shooshoot ko toh.
Bago ko pa ihagis ang bola bigla nalang ako nakaramdam na may bumuhat sakin
"Rush! Ibaba moko!"
Nakakahiya! Pinag titinginan na kami ng mga tao!
"Sige lang! Ishoot mo"
"Baba mo muna ako!"
"Di kita baba hanggat di mo mashoot yan"
"Tss" yun nalang ang sinabi ko at hinagis na yung bola sa ring
At tignan mo nga naman na shoot!
*o*
Wahhh! Na shoot ko! First time toh!
"Yes!"
Tumingin ako kay Rush nang nakangiti at binaba nya na ako.
Pero nagtaka ako sa ginawa ni Rush. Nakalahad kasi yung mga braso nya tapos parang may hinihintay sya.
?
"Umm?"
Nakita ko kumunot ang noo ni Rush.
"Yung hug kooooo"
O_O
"Anoo?!"
"Ang daya! Kanina niyakap moko nung na strike mo yung mga pin sa bowling tapos ngayong ayaw moko yakapin?"
Wahh! Ang pervy mo Rush!
"Ay! Tignan mo nga naman yung oras malapit na mag gabi! Mag grocery na tayo" sabi ko, trying to avoid the topic.
Lumabas na ako sa palaruan
"So...ano nga pala ang lulutuin natin mamaya?" Lumingon ako kay Rush
Pero wala pala sya sa tabi ko.
"Rush?"
Nasan sya? Akala ko pa naman sinusundan nya ako.
Bumalik ulit ako sa loob at hinanap sya pero di ko talaga sya makita.
Nasan ba sya?!
"Rush!"
"Rush!"
Tsk! Kasi naman eh! Bakit nawawala pa sya?! Ang dami pa naman tao ngayon kasi mag c-christmas na!
Ang hirap nya hanapin. At halos pag pawisan na ako. Yung mga tao nga pinagtitinginan na ako. Kasi mukha na akong ewan dito nag aalala.
Im Lost.
Napapaiyak na ako. Nababanga na ako ng mga tao. Nasaan ka Rush?
*bzzzt bzzzt*
Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at tinignan kung sino yung tumatawag.
Pagka kita ko sinagot ko kagad
"Rush! Nasan ka? Bat moko i-iniwan" at ayun na nga di ko na napigilan at napaiyak na ako
"Katrina? Are you crying?" Sa boses ni Rush mukhang nagulat sya na umiiyak ako
"Tsk! B-basta! Nasan ka ba?"
Pinipilt parin alamin ni rush kung bakit ako umiiyak sinabi ko nalang na wala ito. At sa huli sinabi nya na rin kung nasaan sya. Pumunta naman ako dun sa sinabi nya at pagka kita ko sakanya tumakbo na ako sakanya at niyakap ng mahigpit
"Wag m-mo kong iwan!"
"Katrina...." Naramdaman ko na niyakap nya ako pabalik.
Mga ilang oras kami naka ganun. At maya maya binitaw nya na ang pagkayakap sakin at tinignan ang mukha ko.
"Don't cry" pinunasan nya yung luha ko "i'll never leave you again"
Nang huminahon na ako, tinanong ko kung bakit sya nawala.
"Here" bigla sya naglabas ng panda na stuff toy "its for you"
Tumingin ako sakanya at mukhang di sya makatingin sakin. Haha. Ang cute naman ni Rush este! Yung panda!
"Ang cute!" Sabay hug ko dun. Waah! Aalagaan ko toh ng mabuti! "Rush san mo toh nakuha"
Nakita ko na may tinuro sya at mukhang isa yun toy catcher? Ang galing nya naman nakuha nya ito.
"Ang cute talaga! Thank you Rush!" Binigyan ko sya ng ngiti dahil talagang natutuwa ako.
"Ako naman ihug mo"
"Ayoko ko nga!"
"Ang daya!" Tapos bigla sya bumolong "dapat pala niwawala ka muna para makakuha ulit ako ng yakap"
O/////O
"Narinig ko yun! Ang sama mo!!"
"Haha"
***********
Nakauwi na kami at nakabili na ng mga foods.
Di na kami nagluto ni Rush dahil matatagalan kami at mukhang di kami ganun ka runong mag luto kaya ang ginawa namin bumili nalang kami ng mga cakes, donuts, ice-creams, softdrinks, chickens at iba pa.
"Wait Rush!" Sabi ko kasi namn kukuha na sya ng chicken eh! "Pipicturan ko muna!"
"Tsss...bakit kailangan pa kasi picturan?"
*FLASH*
"Picture tayo Rush" tumabi ako kay Rush.
*FLASH*
Waahh! Ang cute namin! Actually, ako lang ehem! Ehem!
Hahaha...nakaktawa si Rush dumila sa picture habang ako naman naka peace sign haha...
Napatingin ako sa orasan
"Malapit na mag christmas!"
Nakita kong tinignan ni Rush yung relo nya
"10....9.....8" at nagsimula na sya mag bilang
Wahhh excited na ako!!
"Hahaha...mukhang excited ka ah" Biglang sabi ni Rush at tumayo rin sya
pinag patuloy ko na ang pag bibilang
"5.....4..."
"3"
Wah! Malapit na!
"2"
Ayan na!
"1!!"
"Merry Christmas Rus-"
Nagulat ako he kissed me.
parang sa loob ng stomach ko biglang may pumuputok. What is this feeling?
"Merry Christmas katrina"
This, I can say is a wonderful first date.
BINABASA MO ANG
Childish Love ♥ (COMPLETED)
Romance"Paano kapag ang taong gusto mo ay turing lang sayo "maliit nyang kapatid"? ano gagawin mo magiging maliit ka nya lang na kapatid o paparamdam mo sakanya na hindi? At ang pinaka masakit dun! sa tagal tagal na naging kaibigan ko sya bigla nalang sya...