[3]

225 11 8
                                    

CHAPTER 3

Day one...

"Ito kwarto mo. Ito gagawin mo. Ito schedule sa maghapon. Madalas akong nasa labas pero dito ako naghahapunan kaya magluto ka pa din."

"Huh! Akala ko ba piano tutor ako dito?"

"Di ba sabi ko ayoko ng matanong?!"

----------------------------------------------

PHOTO OF PAUL MORALES :)

----------------------------------------------

"E nagkakalokohan naman kasi tayo, sir."

"Ayaw mo? Fine! You can leave now!"

.........Ang sarap siguro gitarahin noong ribs ng lalaking ito! >.< Pero since gabi na, no need for me to do anything, just rest na lang. Alarise, isaisip at isapuso mo na lang na sa mga susunod na araw ay magiging alipin ka!

Day two...

Ako lang ang tao sa condo... -__- Ni isang beses hindi pa namin napag-uusapan ulit ang magiging set-up sa piano lessons niya. Nakashabu ba siya! Ito na bang ang modernong tawag sa mga kasambahay? Ang piano tutor?!

Wala talaga akong gagawin kungdi ngumanga ngayong araw. Wala naman akong itetext, sa television naman walang ibang pinag-uusapan kungdi ang pagkawala ko. I don't get it din. Bakit pa brinodcast ang pagkawala ko? Pinepressure ba nila akong umuwi na? No way! Nag-uumpisa pa lang ang pag-enjoy ko sa salitang freedom. Pero asan ang freedom dito sa lugar na to? Asan!?

Hapunan lang daw lulutuin ko. This is my first time to ever hold a knife, a pan, a pot, a stove. What am I supposed to cook? Fried eggs? For dinner? Gosh! Mag-order na lang kaya ako tapos sabihin ko ako nagprepare? E kung lasunin ko na lang kaya siya para mas masaya?(Huwag pong tularan).

Gagayahin ko na lang ang pork sinigang na niluluto ni Manang Selya sa aming kamansionan. Madali lang iyon. AJA!

After 30 minutes...

Madali lang ang sinigang,

madaling pumalpak,

madaling paalatin,

madaling sunugin....

BOW

-____- Tell me the difference between sinigang and dinuguan? Iyong feeling na ang yabang yabang mo, kumpleto outfit pa tapos toyo ilalagay sa sinigang? Kaya nga ako singer di ba? E di sana chef na lang ako kung marunong talaga ako.

 Dumating na ang bossing ko, wala naman akong back-up plan. Ipupush ko na ito. And so I served him my masterpiece, my own version of sinigang..,.

Tapos iyon pa lang sinaing ko!!! Ouch! Naging kasing tigas ng cement!!! Good luck sa kanya!

"Ano ito!?"

"Pagkain!"

"Alam ko! E anong pagkain nga!?"

"Bakit ang daming tanong di ba ikaw may sabi bawal matanong?"

"Wag mo kong pilosopohin, sir mo ako!"

"Ay sorry po ssiirrr!!!" Sarap ihampas ng kawali sa ulo ng lalaking ito. 

"Hindi ko ito kakainin."

"Okay po." Madali naman akong kausap!

"Hindi ka ba marunong magluto!?" 

SKIP BEAT : THE ONE THAT GOT AWAY ♫♥♪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon