Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan. Hindi ako sanay so maybe uumpisahan ko sa pagpapakilala ng pangalan ko.
I'm Dayanara Anoushka Guevarra gusto kong magkwento tungkol sa buhay ko, sa magulong istorya ng buhay ko. Cliché na siguro ito but I just want to share something.
I was in grade 2 back then when I saw him
He's so annoying guy, an arrogant, rude but he's not a gangster.
That day ayaw na ayaw ko sa kanya kasi nga sobrang ingay nya at tulo-sipon pa sya. Alam kong normal lang yun sa isang grade two student na kagaya ko pero may mga classmates din kaming lalaki na hindi tumutulo ang sipon.
Imagine a guy whose having that kind of attitude nakakainis diba? Hindi naman sya yung gwapo na maiistar-struck ka
Hindi rin naman sya pangit. Kumbaga sa estado ng buhay ko ngayon nasa middle class sya.
Everytime na papasok ako ng school lagi syang maingay come to think of it na lalaki sya pero ang bunganga nya parang babae na walang tigil sa pagdaldal
Kapag nandyan na si Teacher saka lang sya tatahimik. Were on the middle of the class ng may naamoy kaming mabaho. As in sobrang baho na pati teacher namin nasusuka na.
Hinanap namin kung saan nangagaling yung mabahong amoy na yun, lahat ng mata namin dumako sa kanya..
Maya-maya nagtawanan na kaming lahat as in sobrang tawang-tawa kami kasi si Joshua Callen Gamboa pala yung nangangamoy. Nangangamoy tae hahaha hindi ko mapigilan yung sarili ko sa kakatawa sa kanya kahit sinasaway na kami ng teacher namin hindi namin sya pinapansin.
The annoying. The arrogant. The rude. Ay nakatae sa school uniform nya hahahaha. Sobrang lakas ng boses ko sa pagtawa sabay tingin sa kanya.
He stare me back na parang mangangain ng tao pero wala akong pakialam kasi ang alam ko natae sya at dahil sa kanya maaga kaming nag recess. Thanks to him.
Sinundo sya ng mama nya si Tita Marie, I'm used to call her tita because she insisted too. My mama and his mom is a friend way back when they're still in college.
His dad naman is not really much close to my mom but they've talked naman to each other kasi si Papa is a pastor. A pastor in Church not a pastor of a sheep.
Alam kong papagalitan sya pag uwi nya kasi grade two na sya tapos tumae pa sa short nya. And I know na gaganti sya sakin dahil pinagtawanan ko sya. I know that he feel embarrased. Kasalanan nya yun eh.
Natapos ang recess and nagdiscuss lang si Teacher ng konti at pinauwi na kami. Mabilis ko namang nakita si Papa at si Ate na hinihintay akong lumabas. Si Ate grade six na sya kaya sobrang laki ng gap namin together pero hindi yun dahilan para ma-awkward ako kay ate. Although may mga crush na sya but I dont care.
May bonding moment parin naman kami which is pag may assignment ako na hindi ko kayang sagutan tinutulungan nya ako.
Dumaan muna kami nila Papa sa isang bakeshop para bumili ng pandecoco, I love to eat bread lalo na pag pandecoco. Hindi ko alam pero para sakin yun yung tinapay na pinakamasarap and my Ate hate to ate pandecoco. She loves pianono ang weird ng name ng tinapay no. Hahaha hindi ko rin alam.
Nung nakabili na kami sumakay na ulit kami sa kotse. Yes may kotse kami pero pang family car lang. Hindi naman yung sasakyan na sobrang mahal. Bago ka makarating sa bahay namin madadaan muna ang bahay nila Joshua. Yes I used to call him Joshua pero ayaw nya kasi ang pangit daw gusto nya kasi Callen para maangas daw. Like duh!! Anong maangas dun? Eh nakapupu nga sya sa short nya hahahaha everytime na naaalala ko yung kanina natatawa ako. Napansin ni Ate kaya tinanong nya kung bakit kaya ni-kwento ko sa kanya kung bakit ako natatawa hahahaha the most epic or let me say embarrased moment of his life.
Tumango lang naman si Ate, she used to be like that at hindi na ako naninibago doon. Huminto ang sasakyan namin sa harap ng bahay binaba na ni Papa lahat ng gamit namin, hindi naman ganun kalayo yung school ko from our house. Mga 30 minutes lang naman yung byahe.
Naunang umakyat sila ate ako naman naiwan sa baba dahil nasa compartment yung baby ko. Yes may baby po ako. Si Riri my favorite Rilakkuma stuff toys. I love Rilakkumas, I fond of collecting them. Malapit ko na nga silang makumpleto eh. Basta their cute *u*.
Papasok na dapat ako ng biglang humarang si Joshua sa gate namin.
He stared at me.
I stared back.
"Umalis ka nga dyan Joshua baka mangamoy tae yung bahay namin" pagsusungit ko sa kanya. Bigla namang lumukot ang mukha nito sa sobrang inis.
Inis na pagtawag ko sa kanyang Joshua at inis din dahil sa word na mangangamoy tae yung bahay namin.
"Hindi Joshua ang pangalan ko. It's Callen. Saka naghugas na ako kaya wala ng tae sa puwit ko".
"Kahit na. Tumae ka parin kaya malamang mabaho ka parin kahit naghugas ka pa ng puwit mo".
Nainis sya lalo sakin. Hindi ko inasahan yung ginawa nya
"Hoy ibalik mo nga yung baby Riri ko malagyan pa yan ng amoy mo. Buti sana kung mabango eh. Eh hindi naman amoy tae ka" sigaw ko sa kanya.
"Ayaw ko nga. Saka ang pangit naman nito eh. Ang laki ng ulo tapos ang liit ng katawan" panlalait nya kay riri ko.
"Anong sabi mo?" Hinatak ko si riri sa kanya. Kahit hindi ko alam kung makakaya ko bang kunin yun sa kanya kasi nga lalaki sya tapos ako babae.
Mas malakas sya kumpara mo sa akin. Kahit payatot sya iba parin ang lakas ng isang lalaking amoy tae.
"Ibigay mo na kasi sakin yung rilakkuma ko, hindi na kita iinisin. Hindi na rin kita lolokohin" paiyak na ako para ibigay nya sakin si rilakkuma. Hatak-hatak ko parin.
Bigla nyang binitawan kaya napaupo ako sa semento. Ang sakit ng puwitan ko. Tumama kasi sya. Naiyak nako kasi ang sama-sama ng ugali nya. Tapos sya tawa pa ng tawa ni hindi nya akong magawang patayuin
Nagulat sya nung umiyak nako, nakita ko na nagpapanic na sya. Syempre hindi ako makakapayag na ako lang mapapaupo sa semento.
Inabot nya sakin yung kamay nyang isa para tulungan akong makatayo pero hinila ko sya
Pero....
Mali ata ang ideyang naisip ko kasi.... lumapat yung labi nya sa labi ko....
O_________O--ako
O__________o--sya
"Walang hiya ka kinuha mo ang first kiss ko. Ang pangit mo. Bakit sayo pa napunta? Bakit sayo pa na amoy tae?"
"Hala.. Anoushka a-ano s-so-sorry ikaw kasi eh hinila mo ang kamay ko tinutulungan na nga kita pero gumanti ka parin. I'm sorry" sabi nya pero hindi ko na sya pinansin at dumeretso na ako sa loob ng bahay namin. Tinulak ko sya nakaharang kasi sya eh.
Bakit sa kanya pa?
Bakit?
---deer