Update 8

7 2 0
                                    

Parang kailan lang yung nangyari talent showcase ngayon busy na ang lahat ng estudyante para sa pagbabalik-aral dahil nalalapit na ang aming final examination sa unang semester.

At nakakainis dahil kanina ko pa binabasa ang mga notes ko pero walang pumapasok sa utak ko kundi ang Isabela. Wala namang importante sa lugar na iyon dahil puro sakit lang naaalala ko.

Pero pag naririnig ko iyon kila Ate hindi ko maintindihan ang sarili dahil bigla akong kinakabahan na ewan.

Hindi ko namalayan ang pagtabi sa amin ni Vince dahil sa kakaisip kung ano bang meron sa Isabela at natotorete ako.

"Sabi ko sayo D, stop thinking on me. Kaya hindi ako nakatulog iniisip mo na naman kasi ako. Ikaw talaga" mayabang na lintanya nito sabay gulo sa buhok ko. Nasanay na ako dyan kay Vince. Naging close ko na rin sya simula nung lumapit ito sakin noong talent show. Minsan nga napagkakamalang boyfriend ko ito.

"Alam mo Vince, hindi ko alam kung bakit kita naging kaibigan puro kayabangan ka lang naman." Pagmamaliit ko dito. Ngumisi lamang sya at tumingin sa hawak ko. "Nagrereview ka pala. Akalain mo, uso pala sayo ang salitang review" sabi nito sabay tawa ng malakas. Pinaningkitan ko ito ng mata kaya tumigil.

"Alam mo Vince" hindi pa ako tapos ng sumagot na naman sya "Hindi pa. Ano ba iyon? Kung sasabihin mo na gwapo ako, simpleng bagay D matagal ko iyo---" binatukan ko na. Sobrang presko na eh.

Napa-aray ito at humawak sa parte ng binatukan ko. "Ewan ko sayo. Magreview ka nalang" sabi ko at ibinaling ang tingin ko sa mga notes ko.

"Tama na ang pagrereview Dayanara" nagulat ako. Putapete papatayin ba ako nito sa gulat. Nag-angat ako ng tingi at sinamaan ng tingin si Kharylle.

Natutuwa ako sa pagbabago ni Kharylle ngayon. After nung performance nya, nagpakakulong sya sa alak. Yun yung time na hinyaan ko sya. Hindi ko sya sinundan kasi alam kong napapagod na din sya.

After that incident unti-unti ng bumabalik si Kharylle sa dati. At ang maganda pa doon nagkaroon kami ng dalawa pang kaibigan maliban kay Migs na walang tigil sa panliligaw kay Kharylle at si Vince na araw-araw akong pinepeste, dumagdag sa circle of friends namin sina Denny at Joyce.

Magaan ang loob ko sa kanila, saka mapagkakatiwalaan sila. Kaya lang sa ibang school sila nag-aaral pero after class lagi nagbbonding.

"Dayanara, what if bumalik ang Mama mo" angil ni Vince, bigla naman akong napahinto sa pagrereview dahil sa nasambit nya.

"Look Vince, okay ng asarin mo ako but please never mention my Mother. I dont have a time to talk about how she abondoned me" sagot ko. Nawala na ako sa mood ko at akmang aalis na sana ako ng magsalita na naman ito. Putakteng palaka bakit ba ang hilig nitong mangialam?.

"What if nga lang diba? Wala namang sinabi si Vince na babalik agad, saka alam mo I agree with Vince matagal naman na yung nangyari bakit ayaw mo paring pag-usapan ang Mama mo?" Sabat naman ni Kharylle. Ewan ko ba kung bakit ko naging kaibingan tong mga to.

"Bakit ikaw K, naka move-on ka ba kay Matt?" Hindi ito nakasagot sa tanong ko. "See, may mga bagay kasi na mahirap kalimutan kahit abutin ka pa ng ilang taon." Tumayo na ako matapos kong sabihin iyon. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil tama sila. Pero hindi kasi madaling lumimot.

Hindi ko alam kung ano ang reaksyon nila dahil hindi na ako lumingon pa. Ayokong pag-usapan ang tungkol sa Mama ko.

Nagulat ako sa biglang pag-akbay sakin ni Vince. Sinundan pala ako. Ganyan yan si Vince kapag alam nyang naiinis na ako lalapitan nya ako hindi nya sinasabayan yung inis ko. Kaya ang swerte ng magiging girlfriend nya kung sakali.

Someday (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon