Update 10

2 0 0
                                    

Ann-ann

Sinalubong namin si Lola Anicia, Dayanara's lola napaaga kasi ang uwi nito akala ko nga kasama nya na si Anoushka pero hindi pala may pasok pa daw ito. Pero sabi ni Lola susunod naman daw sila.

Hinatid ito ng driver nila, oo may driver sila. May sarili na din silang bahay sa Maynila kahit hindi ganoon kalaki. Kahit sa public school lang sya nag-aaral, ganun talaga siguro sa Maynila kahit public school nagmumukhang private.

Malawak ang ngiti ni lola Anicia sa kanyang mukha, bakas dito ang saya. After 10 years ba naman kasi bago ito nakauwi ulit. Malaki na ang nagbago kay lola simula sa pananamit nya, kung paano ito managalog ibang-iba na hindi katulad namin dito sa Isabela na may halong iba pang linggwahe.

Nagmano ako kay lola, pagtataka ang nasa mukha nito. "Ay lola, ako po si Ann-ann" sabi ko dito. Gulat ang mukha ni lola Anicia. "Ay jusko kang bata, kay ganda mo. Dalagang-dalaga ka na. Parang kailan lang nung umalis kami dito may sipon-sipon ka pa pero ngayon kay gandang dilag" papuri ni lola sakin. Medyo natawa naman ako sa lintanya nito.

"Ikaw talaga lola, mambobola ka parin" sagot ko naman. Isa sa mga hindi nagbago kay lola ay yung ugali nya. Nakapa-humble at down-to-earth.

Maya-maya pa'y nagsidatingan na ang mga amiga ni lola, ganito talaga dito sa Isabela kapag may umuuwi na galing syudad magdadagsaan ang mga tao na akala mo'y may artistang dumating.

Sige lang sa pagkukwento si lola tungkol sa naging buhay nya sa Maynila. Ako naman ay abala sa kusina para maghain ng merienda ng mga bisita ni lola.

"Oo nga pala Lucia, kamusta ang apo mong si Callen?" Tanong ni Lola sa lola ni Joshua. Napailing nalang ako sa sinabi ni lola. Si lola talaga nirereto na naman si Anoushka kay Joshua.

"Nako Anicia sobrang sipag ng apo kong iyon. Masipag mag-aral pati na rin sa mga gawaing bahay. Kay swerte-swerte namin sa kanya"

"Mabuti kung ganon, yung apo ko namang si Ruth, HR na ngayon sa isang restaurant sa Maynila sa makalawa nga lilipad iyon papuntang Italya para sa training nila" sagot ni lola sabay higop ng kape nya. Ang matatanda talaga hindi nila maalis sa sistema nila ang kape.

"Ay mare, kamusta na iyong bunso? Si... ano nga ba kasi ang pangalan nung batang iyon?" Tanong ni lola Lucia, makakalimutin na kasi nagkakaedad na din sila.

"Ah si Dayanara ba kamo? Mabait na bata iyon pero minsan pasaway. Hahahah may pagkatamad din minsan lalo na pag gigising ng maaga, kailangan mo pang bulyawan para magising. Pero kahit ganoon ang apo kong iyon, masipag syang mag-aral saka masunurin" proud na sabi ni Lola Anicia

Sumingit ako sa usapan nila, oo mali ang makisawsaw pero nacucurious ako about kay Dayanara.

"Hmm, lola Anicia... may boyfriend na po ba si Dayanara?" Tanong ko dito na ikinatawa ni Lola. May nakakatawa ba sa tanong ko?

"Nako Apo, si Dayanara wala iyong kasintahan doon pero meron syang bestfriend alam nyo naman kayong mga kabataan ngayon. Ibang-iba na sa henerasyon namin noon" sagot ni lola sa tanong ko.

Tuloy lang sa pagkukwento si Lola Anicia, kasalukuyan kong tinatawagan si Joshua para iparating dito na umuwi na si Lola alam kong atat na atat na iyon malaman ang tungkol kay Dayanara.

Nakailang dial na ako pero wala paring sumasagot, bwisit naman 'tong lalaking ito. Ayaw sumagot. Lumabas ako ng kusina at nagpaalam kay lola na masayang nakikipagkwentuhan.

"Lola, aalis lang po ako sandali ah. Tagawagin ko lang po si Joshua" sabi ko dito. "Aba'y mabuti kung ganun para naman makita ko na iyong pinagmamalaki ni Mareng Lucia sa akin." Sagot naman ni Lola, malapit lang ang bahay nila Joshua samin mga dalawang kanto lang tapos bahay na nila.

Naglalakad ako ng makasalubong ko si Limuel na naka kunot-noo, problema ng lalaking to? Lagi-lagi nalang nakakunot ang noo. Gusto ko man syang kausapin pero minabuti ko na wag nalang baka mamaya isipin nya na crush na crush ko sya.

Pero kahit naka kunot ang noo nya, hindi parin maipagkakaila ang kapogian nito. Magkasing edad lang kami pero mas matured itong tingnan kumpara sa ibang ka-klase naming lalaki.

Umirap ito sakin na kaagad namang nagpalaki ng mata ko. Lalaki ba talaga ito? Sayang naman kung ganun dahil crush ko pa naman sya.

Nilampasan nya ako at dere-deretso akong naglakad papunta sa bahay nila Joshua. Papalapit palang ako sa kanilang pintuan ng marinig ko ang maingay na tugtugin sa kanila bahay. Kaya naman pala hindi sinasagot ang tawag ko kanina hindi nya marinig dahil sa lakas ng tugtog.

Tuluyan na akong nakapasok sa loob ng kanilang bakuran ng mahimigan ko itong kumakanta, hindi ko namalayan na napalitan na pala ang maingay na tugtog sa isang mala-anghel nyang tinig. Ito ang unang pagkakataon na marinig ko syang kumanta.

Oo, malapit ako sa kanya dahil sa akin lamang sya nakakakuha ng balita tungkol kay Dayanara pero ni minsan hindi ko pa ito narinig kumanta sa pagkakataon lamang na ito.

Tama pala talaga ang bulung-bulungan sa school. Joshua has an angelic voice. No wonder na maraming nagkakacrush sa kanya. He's a total package that every girls wanted for. But his heart belongs to someone named Dayanara Anoushka.

Pinakinggan ko lamang itong kumanta, hindi muna ako kumatok or pumasok sa kanila dahil matitigil ang ginagawa nyang pagkanta. Ngunit laking gulat ko ng may nagsalita sa likod ko.

"Stop staring, baka matunaw" sa gulat ko muntik ko ng masapak yung lalaking nagsalita. At mas lalo lang akong nagulat ng makita ko si Limuel pala ang lalaking nagsabi ng ganon.

Parang kanina lang nakasalubong ko ito, tumingin ako sa kanya may bitbit syang mga supot na may lamang pagkain. Bumili lang pala ito.

"May gusto ka kay Joshua no?" Mapang-asar nitong tanong. Binalingan ko ito. "Hindi no, saka alam kong si Dayanara lang ang taong mahal nya" sagot ko saka ko ulit binaling ang atensyon ko kay Joshua na tumutugtog ng gitara.

"You sound defensive aren't you?" Sabi nya sabay ngisi. "Nagsasabi lang ako ng totoo." Nabubwisit na ako sa lalaking ito. "What if walang Dayanara sa buhay nya? May possibility kaya na magkakagusto ka sa kanya?" Tanong nya ulit.

Napaisip ako sa tanong nyang iyon
Oo nga no, what if walang Dayanara sa buhay nya? Kahit sinong babae mahuhulog at mahuhulog kay Joshua. "Kung sakaling wala ang pinsan ko na nagmamay-ari sa puso nya, there is a big chance that I would fall for him beside hindi sya mahirap mahalin. He's a total package. A good singer, a good lover. If there's no Dayanara ha" sagot ko. Agad namang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Hindi ko na lamang pinansin iyon. Ang kaninang mapang-asar na ngiti ay napalitang ng kunot-noo ulit na paborito nitong gawin tuwing nagkakasalubong kami.

Pumasok si Limuel sa loob at ako naman ay sumunod sa kanya, nagulat si Joshua sa biglaang pagdating ko sa bahay nila. Hindi lang pala si Limuel ang kasama nya pati palang ang buong barkada nya na hindi ko napansin kanina dahil na kay Joshua lamang ang buong atensyon ko.

Agad namang nagtaas ng ulo si Joshua ng maramdaman nya ang presensya ko. Ngumiti ito, ganun din naman ako. "Oh Ann-ann anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sakin. "Ibabalita ko lang sana na umuwi na si Lola Anicia, yung lola ng taong pinakamamahal mo" sagot ko na syang nagpangiti kay Joshua.

"Talaga? Eh si Anoushka ba kasama nya? Nasaan sya? Sandali pupunta ako sa inyo. Gusto ko na syang makita" atat na atat nitong sagot.

"Huminahon ka nga muna, si Lola lang dumating okay. Wala pa si Dayanara. Pero wag kang mag-alala susunod daw sya pero hindi pa ngayon" medyo natatawa kong sagot. Yung mga kaibigan ni Joshua natawa sa pagkabalisa nya maliban kay Limuel na seryosong nakatingin sakin.

Problema ng mokong na 'to? Kung hindi naka kunot ang noo ang sama naman makatingin. Pinaglihi ata sya sa sama ng loob.

Agad mong binawi ang tingin ko kay Limuel at binaling ko ang tingin ko kay Joshua na medyo nadismaya sa sinabi kong wala pa si Dayanara.

Ang swerte ng pinsan ko dahil kahit ilang taon na ang lumipas narito parin si Joshua na handang maghintay sa kanya. Narito parin ang lalaking nagmamahal sa kanya ng totoo. Narito parin ang lalaking handang ibigay sa kanya ang mundo.

Samantalang ako hanggang tingin nalang sa lalaking mahal ko. Dahil kahit anong gawin ko alam kong hindi ito magkakagusto sakin. Na kahit anong gawin ko hinding-hindi ako mapapansin ni Limuel.

---

--deer

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Someday (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon