Mabilis lumipas ang isang linggo at ngayon na namin ipapakita yung talent daw na tinatago namin. Kinakabahan ako kasi hanggang ngayon hindi ko alam kung ano ang gagawin ko tapos si Kharylle kampanteng-kampante lang na nakaupo sa gilid habang nagpapractice ng kanta.
Sabi ko sa kanya duet nalang kami eh. Pero ayaw nya, sabi nya kahit ngayon lang daw kung pwede walang sya kahati. Drama ng buhay ng lola nyo.
"O Dayanara, anong talent mo?" Tanong sakin ni Irene na kaibigan ko at dating bestfriend ni Kharylle. Nasa previous chapter yung kwento.
"Hindi ko pa alam eh." Sagot ko rito. Mahahalata mo sa mukha ko yung kaba kasi nga wala pa akong talent.
"Hala ka! Paano na yan eh magsisimula na yung talent show? Sasayaw nga lang kami ni Matt eh. Alam mo yung kanta ng Trouble Maker yung Now yun yung sasayawin namin.
"Matumba ka sana sa kalandian mo. Pag-aari na nga ng bestfriend mo inahas mo pa. Sabagay mukha ka namang ahas" bulong ko.
"Ano yun? May sinasabi ka ba?" Pagtataray nito sakin. Umiling ako at nagpasabi nalang ako ng goodluck ko sa kanila.
Napalingon ako kay Kharylle at ang sama ng tingin nito sakin, napanguso na lamang ako. Badtrip na naman sya. Mamaya nalang ako magpapaliwanag sa kanya kailangan ko munang isipin kung ano ang gagawin ko. Nakakainis bakit kasi may pa talent talent pang nalalaman hindi naman namin kailangan yun in the near future ngayon hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakakabaliw mag isip seriously.
Nagulat ako sa paglapit ni Vince.
"Problemado ka ata Dayana? I guess dahil sa talent show yan, alam mo marunong ka namang kumanta bakit hindi nalang yun yung gawin mo kaysa nagmumukha kang tanga dyan"
"Pwede ba Vince, una sa lahat hindi Dayana ang pangalan ko. Dayanara D-A-Y-A-N-A-R-A saka wag ka ngang mangialam. Hindi ako marunong kumanta." Pagsusungit ko. Nakakabwisit tong lalaking to.
Vince is one of my blockmates. Pero hindi sya sumasama sa lahat ng activities reasons? Masyado na daw syang magaling. Totoo naman kasi yun. Marunong syang kumanta ang sarap pakinggan ng boses nya, magaling sumayaw, marunong tumugtog ng gitara. Lahat na ata ng talent nasa kanya. Gwapo din sya. Sa lahat ng lalaki naming blockmates sya yung angat pangalawa lang si Migs. Pwe, erase the part na gwapo sya. May itsura lang.
"High blood. Look Dayana bakit ayaw mong ipakita yung tinatago mo? Alam mo bang maswerte ka kasi marunong kang kumanta samantalang yung iba nangangarap ng ganyang boses. Ang hirap nyo talagang intindihin. Girsl is so hard to be spelled."
"Ang kulit rin ng lahi mo. Hindi nga ako marunong kumanta. Bakit mo ba kasi pinipilit ying mga bagay na hindi ko kayang gawin?" Naaasar nako sa presensya ng hinayupak na 'to. Pigilan nyo ko masasapok ko to sa ulo.
"Katulad ng kaliwa mong paa na parehong mali kung gumalaw sa bawat kumpas ng kanta?, Hindi mo ako maloloko Dayana, narinig kita sa Dance room, narinig kong sinasabayan mo ang bawat kumpas ng kanta" nagulat ako sa lintanya nya. Paanong nangyari iyon? Wala ng tao noong mga oras na iyo kaya imposible.
"Nagtatataka ka siguro, nandoon ako sa may likod ng pintuan. Mag-eensayo sana ako kaya lang nakita kita doon, hinayaan lang kita. Konting practice pa sa pagsasayaw matututo ka din." Pang-aasar nito. Konting-konti nalang talaga asdfgkhldkfk---
"Alam mo Vince kung wala kang matinong sasabihin lumayas-layas ka sa harap ko dahil naaalibadbaran ako sa mukha mo" pagsusungit ko. Tuluyan namang umalis ito pero may malaking ngisi na naka kabit sa mukha nya. Akala mo naman kinagwapo nya yun. Sarap isampal sa mukha nya na hindi sya gwapo.
Dahil sa pagkabalisa ko kakaisip sa kung anong talent ang ipapakita ko hindi ko namalayan na tapos na pala magperform ang first batch. Ngayon batch na namin nila Kharylle ang susunod at patay na talaga ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.