Before reading this pleasee do play On the wings of love as Dayanara's Talent yung minus one po para dama nyo :).
P.S: Guys pleasee leave a feedback kahit wag nyo na pong i-Vote. Just leave a feedback. Thankyouuuu :)
_________
Tuloy-tuloy lang si Kharylle sa paglalakad hanggang sa makarating sya sa dulo ng hindi nya namamalayan. Loka-loka talaga.
"Hoy Kharylle balak mo na bang magperform? Eh pang huli ka pa" napatigil ito at nagkamot ng ulo. Hahahah epic mo girl. "Look, mamaya ka na mainis okay? Saka I-cheer mo nalang ako kasi ako na ang susunod. Juice colored help meeee" binatukan nya ako. Masakit yon tadyakan ko to eh.
"Ang OA mo. Kasalanan mo pag napahiya ka sa harap. Tanga-tanga kasi ayaw pang kumanta maganda naman ang boses pa-humble ka pa eh. Humble-lusin kita dyan eh" nagjoke ba sya? Hahahah tiningnan nya ako ng masama ng bigla akong tumawa. Epic ng joke hahahaha. Lalo namang naningkit ang mata nito kaya nagpeace sign nalang ako.
Natapos na yung pang-anim at ako na ang susunod. Hiniram ko na yung piano ni Jane, yes nanghihiram lang ako hahaha. Habang bitbit ko ang piano nakita ko si Vince na nasa pinakaharap pati yung mga naunang batch na natapos ng magperform. Lalo akong kinakabahan dahil sa mapang-asar na ngisi ni Vince. Putakteng kalabaw bakit kailangan nya pang manood? Dayanara magpakain ka nalang sa lupa para wala ng reason na magperform ka.
Tinawag na ng prof namin ang pangalan ko at wala na akong nagawa kundi ang pumunta ng stage. Kahit sobrang kinakabahan ako nagawa ko paring ngumiti. Project ang tawag don.
"Hmmm good morning po. Ah-aa to tell you honestly wala po talaga akong talent" sabi ko at nagtawan ang lahat lalong lalo na si Irene pero hindi natawa si Migs at Vince sa sinabi ko. Hindi na ako nagtaka sa reaksyon ng dalawa. "But I'll be playing a piano. Sana po magustuhan nyo and sana po mag-enjoy kayo"
Kinapa ko ang bawat chords ng piano nung una sumamblay ako at nagtawanan ang lahat, sobrang pula ng mukha dahil nakakahiya gusto ko na talagang magpakain sa lupa kung pwede lang ora mismo.
Pero nung nakapa ko na ang tamang chords nito napapikit na ako habang ineenjoy ang tunog na aking ginagawa
Lahat ng ala-ala ko kasama si Papa lahat bumalik..
"Papa turuan mo ako magpiano tutal si ate marunong na sa gitara gusto ko ako din po." Sabi ko rito sabay hawak sa laylayan ng damit ng papa ko. Matangkad si papa tapos maputi pa pero hindi ko iyon nakuha. Morena ako si ate ang maputi sa amin. Umupo si papa para pantayan ako. Bahagyang pinisil nito ang pango kong ilong na sya namang ikinanguso ko. Papa patted my head "Halika ka nga dito" umupo ako sa lap ni papa "Tuturuan kita pero bago kita turuan tapusin mo muna yung mga homeworks mo okay? Saka I need to check your ate too" malambing na sabi ni papa sakin, ngumiti rin ako kay papa.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Tanging ang kantang ito ang nagbibigay ala-ala sakin kay Papa. Kantang paborito ni Papa. Hanggang matapos ang kanta tuloy parin sa pag-agos ng luha sa aking mata.
Makikita ko ang gulat sa mata ng mga audience maging sa mga judges. Tumayo si Vince sa kanyang upuan at pumalakpak nagulat ako sa kanyang ginawa at maya maya pa'y nagsitayuan na din ang lahat at pumalakpak. Kung kanina ay halos hindi na maipunta ang mukha ko sa sobrang kaba, ngayon hindi na maipinta ang mukha ko sa sobrang saya. Saya dahil naappreciate nila ang pagtugtog ko ng piano. Saya dahil sa mga sandiling iyon naramdaman ko ang presensya ni papa. Tunay nga na hindi nito kami kinakalimutan.
Malaki ang ngiti kong yumuko at umalis ng stage kasabay ng malakas na hiwayan. Agad akong lumapit kay Kharylle at niyakap ito at napahagulgol nalang. Agad naman nya akong niyakap pabalik. "Ang galing mo naman pala bae eh. Look, you makes the crowd proud. You nailed it. You make even the judges cry" masayang sambit nito sakin. Hindi ko rin naman akalain na mapapaiyak ko iyong mga jugdes. Nagpasalamat ako kay Kharylle dahil kung hindi nito sinabi ang tungkol sa piano sy malamang babagsak ako sa Arts and Appreciation na subject namin.