Update 2

16 2 0
                                    

Ang bilis lumipas ng panahon and 3 years since my Papa's gone.

He died when I'm in grade four. May sakit sa puso si Papa nun kaya bawal sa kanya ang mapagod at mag isip ng sobra.

Sobrang sama ng panaginip na yun para sakin, para sa amin ni Ate. Isang panaginip! Isang bangungot!

Sinisisi ko si Mama sa pagkamatay ni Papa.

Ang sama nya.

Walang syang awa kay Papa.

Umalis si Mama when I'm in grade three. Reasons? Para daw masustentuhan nya yung pang-matrikula namin ni Ate.

She promised na uuwi sya nung birthday ko. I was so happy back then pero hindi sya umuwi.

Pumunta si Papa ng airport para sunduin si Mama.

Bumalik si papa na may dalawang payong at tatlong toblerone yung tsokolate na paborito ko.

Masaya kaming sinalubong si Papa at ang unang kong hinanap si Mama.

"Papa nasaan si Mama?" Tanong mo sa kanya.

He smiled weakly..

"Bunso, bumalik agad si Mama kasi kailangan daw sya doon ng boss nya kaya pinapabigay nya sa inyo ito ng ate mo" inabot samin ni Papa yung dala nyang payong at chocolate.

Malungkot kong inabot yung dala ni Papa kasi akala ko makikita ko na ulit si Mama pero wala pala sya.

Days and Months goes by

Unti-unti nanghina si Papa hanggang sa inatake na sya. Hindi namin alam kung bakit sya inatake. Wala naman kaming alam na sakit ni Papa. Ang lakas lakas nya pa.

Pagkarating namin sa hospital doon namin nalaman na may sakit pala si Papa sa puso

At ang pinakamasakit na part doon ay may taning na ang buhay ni Papa, that time I dont know how to react nor what to react. Hindi ko kayang intindihin ang sinabi ng doctor.

Hindi mamamatay ang papa ko. Not my papa. Bakit ganun? Kung sino pa ang mabait sya pa ang kinukuha nya.

Until one day.

My papa's gone. He's already dead. Binalita samin ng kamag-anak ni Papa. Noong malaman ko yung balitang yun kusang namanhid ang buong katawan ko.

Nakatulala ako. Habang yakap-yakap ako ni Ate na humahagulgol na kakaiyak. Gusto kong umiyak

Pero wala lumalabas na luha sa mata ko. I was numb. Tulala akong pumuntang hospital. When we reach my Papa's room nandoon sya payapang natutulog.

"Niloloko nyo ako eh, tignan nyo nga si Papa natutulog lang sya. Hindi sya patay" bulyaw ko sa kanila.

Tumakbo ako palapit kay Papa para gisingin sya at ipakita sa kanila na buhay talaga si Papa.

"Papa gising ka na dyan pangit po ang masobrahan sa tulog sige ka lalaki eyebags mo papangit ka" sabi ko kay Papa habang niyuyugyog ko sya sa hospital bed nya.

Lalo namang humagulgol si Ate na nasa likuran ko pati mga tito at tita ko.

"Papa tignan mo sila o, umiiyak sabi nila sakin patay ka na daw eh natutulog ka lang naman dyan diba? Nagpapahinga ka kasi napagod ka lang? Kaya dito lang po ako magbabantay po ako sayo papa hanggang sa magising ka po. Kasi you promise that you won't leave me" sabi ko kay papa na nakapikit parin.

"Papa naman sumagot ka dyan. Sayang ang laway ko dito. Sabihin mo sa kanila na hindi ka pa patay na nagpapahinga ka lang kasi napagod ka lang tapos didilat ka mamaya kaso nga hindi mo ako iiwan, hindi mo kami iiwan ni ate Ruth kasi nga mahal mo kami. Saka wala ng mag-aalaga sa amin"

Lumapit sakin si Tita Emma kapatid ni Mama.

"Dayanara, wala na si Papa kaya hindi ka nya sinasagot. Kaya hindi na sya dumidilat. Patay na ang papa mo" sabi nya sakin na umiiyak.

Tinignan ko lang sya. Lumapit ako kay ate.

"Ate hindi naman totoo yung sinasabi ni Tita diba? Buhay si papa natutulog lang sya eh"

Napatingin kami sa may pintuan at nakita ko yung doctor ni Papa na may dala-dalang kumot na puti. Lumapit sya kay papa at tinakpan si Papa nung kumot na dala nya

Pinigilan ko sya.

"Bakit mo po tatakpan si Papa? Nilalamig po ba sya? Wag nyo na po syang kumutan yayakapin ko nalang po si Papa. Mas effective po kasi yung yakap sabi ni papa eh."

Lumapit sakin yung doctor ni Papa at kinausap ako.

"Bata ka pa para maintindihan ang lahat. Alam kong sobrang hirap nito sayo pero Dayanara patay na ang Papa mo saka ito oh pinapaabot nya sayo 'to. Sinulat nya yan bago sya mawalan ng buhay saka pinapasabi nya na yakapin ko daw kayo ng ate mo para sa kanya at sabihin ko daw sa inyo na mahal na mahal kayo ng papa mo" sabi nung Doctor tapos inabot nya sakin ang isang Rilakkuma Angel na kulay white tapos mah na nakaipit na papel sabay yakap sa amin ni Doc.

Doon lang pumasok sa utak ko lahat-lahat. Na totoo pala ang sinasabi nila Tita na wala na nga si Papa. Wala na akong Superman. Wala ng magtatanggol samin ni Ate.

Tuluyan na akong umiyak at niyakap ko si Papa ng sobrang higpit, ayaw kong bumitaw sa kanya kasi baka pag bumitaw ako tuluyan ko ng hindi mahawakan si Papa.

Iyak lang ako ng iyak habang yakap-yakap ko si Papa.

After nun, umuwi na kami. Tulala parin ako hanggang pagkauwi namin ng bahay. Bahagyang may mga luhang tumatakas sa aking mga mata pero hinahayaan ko nalang. Ayokong punasan kasi wala akong lakas para gawin pa iyon.

Maya-maya pa'y may dumating na sasakyan dala-dala ang bangkay ni Papa. Hindi ko maimagine na makikita ko si Papa sa ganyang lalagyan.

Hindi ko lubos maisip na ang kaisa-isang taong minahal kami ng lubos ang sya pang mailalagay doon. Napakabait ni Papa. Wala akong masabi sa kabaitan nya.

Niyakap ako nila Ate ramdam ko ang hinagpis na nararamdaman nya ngayon. Sila lola na nanay ni papa alam kong sobrang sakit ng pangyayaring ito sa buhay nya lalo na sa amin

Tatlong araw na nahimlay si Papa. Sa tatlong araw na nagdaan wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Kahit ang pagkain ay hindi ko magawa sahil wala akong lakas para gawin pa iyon hanggang sa hinatid na namin sya sa kanyang huling hantungan. Alam kong sa puntong ito hindi ko na masisilayan ng tuluyan si papa.

Hindi ko alam kung paano at kung saan magsisimula. Hindi ko alam kung paano kami makakabangon ni Ate, wala kaming mama at wala na din kaming papa.

Nagdesisyon sila Lola na aalis kami sa Isabela, yes were living in a province. Iiwan ko sa lugar na ito ang lahat ng masasakit na ala-ala at magsisimula akong muli.

They decided to go to Manila at alam kong makakabuti iyon sa amin. Nakita ko si Joshua, nakita ko ang lungkot sa mukha at awa sa mukha nya.

"Dayanara aalis na kayo? Wag mo akong kakalimutan ah, papanagutan ko pa yung first kiss ko sayo. Mangako ka sakin na babalik ka. At pagbalik mo papakasalan kita pangako ko iyon sayo" sabi nya sakin. Ngumiti lang ako at tumango sa kanya. Simula nung nangyari ang hindi sinasadyang pangyayari na iyon mas naging malapit kami ni Joshua.

"Dayanara iha, nakapagpaalam ka na ba sa kanya? Aalis na tayo. Baka maabutan tayo ng traffic sa kalsada mahirap na. Mahigit 12hours din ang byahe" sabi ni lola. Tumango ako kay lola at tuluyan ng nagpaalam kay Joshua.

Sa pag-alis ko sa lugar na ito baon ko ang masasayang ala-ala na nabuo ko dito. Mga ala-ala na bumuo ng pagkabata ko. At sa paglisan ko dito iiwanan ko ang masalimuot na nangyari sa buhay ko pero hindi ko kakalimutan si Papa. Sa maynila ko na bubuuin ang pangarap ko. Doon ko ipagpapatuloy ang mga bagay na nasimulan ko dito.

--

-deer

Someday (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon